A/N: Ayun na nga, naging palitaw na naman ang update. Lulubog, lilitaw. Handog ko po sa ikatlong taon ng Tamang Panahon.
Sa totoo lang hirap simulan ng chapter na 'to - 'ligaw - the barrio Pinagpala way'. Whoooo, Regine! Puwede bang talon na tayo sa 'at sila ay nabuhay nang maligaya magpakailanman? - Wakas'. Bow.
O siya, eto na. Eto na hahaaah... (ctto, Apo Hiking Society)
-------------
Kagat-labi at kunot ang noong tinitingnan ni Meng ang dalawang lesson plan kung pa'no niya sisimulan.
Lunes na lunes at eto, medyo lutang pa rin ang isip n'ya. Ni hindi na siya nakapunta ng tabing-ilog kanina dahil nga tinanghali ng gising. Ikaw ba naman ang makatulog nang halos alas-tres na ng umaga. Kumusta kaya ang eyebags niya?
Bilang multi-grade system nga, kailangan niya parating i-consider kung ano'ng lessons ang pagsasabayin sa dalawang klase. Parehong math ang subject niya para sa grade 3 at 4 ngayong oras na 'to.
The struggle is real, math na pang-grade 1 lang yata ang nasa isip niya ngayon. 1+1 = 2. Gano'n.
Kasi naman ang suspense ng mga mangyayari kahit ano mang pigil niyang mag-overthinking. Hindi niya alam kung siya ang magiging flavor of the month ng mga huntahan sa tindahan, maaga pa kasi nang magdaan siya kanina. Hindi pa nagsisimula ang SSS morning edition sa tindahan ni Aling Enyang. O na-late din ng gising?
Pero teka ... tama ba 'tong classroom na napasukan ko? Baka nagkapalit kami ni teacher Nhel. Bakit ang tahimik?
Pag-angat niya ng ulo, biglang dumiretso ng pagkakaupo halos lahat ng mga bata sa klase, biglang nag-ayos ng mga gamit. Nagbukas ng libro ang iba, kahit baligtad pa. Yung iba ay nagsulat sa mga notebooks nila, kahit wala naman siyang pinapakopya sa blackboard. Kahit si Diana, na tinabi na niya kay baby Amy ay tahimik din.
Yumuko siya ulit at binalik ang atensyon sa lesson plans. Tahimik talaga ang dalawampu't isang pirasong mga alaga niya na parang may nagdaang anghel.
Nag-angat siya ng tingin at ayun! Naabutan niyang ang mga nasa harapan at tila sinisipat siya at nakikipahsenyasan sa mga nasa likod. Umayos na naman ng upo bumalik ulit sa ginagawa nila.
Hmmm....
"Class, may problema ba tayo? Mahangin ba sa labas, magulo ba buhok ko?"
Chorus pa sila nang sumagot. "HINDI PO!"
May dinugtong si Sharon. "Ma'am bagay nga po na nakalugay ang buhok n'yo. Ganyan na lang po, para hindi laging nakatali o nakapusod."
"Yan, ganyan! Magkakasundo tayo. Pero hindi mo 'ko madadaan sa bola, kailangan ka pa ring pumasa sa periodical test."
So kung hindi ang buhok ko ... Tiningnan niya ang uniform niya. Plantsado naman. Kesohodang buhayin niya ang plantsang de-uling na namana pa ni Nay Ruby sa mga ninuno niya pag walang kuryente. Gusto niyang magset ng halimbawa na ayos lang kahit simple basta maayos at malinis ang pananamit.
At kung hindi ang damit ko ... Bakit may sinisipat pa rin sila dito sa gawing unahan. Sa mukha niya? "May muta ba 'ko sa mata, class?" At maingat niyang kinusot ang gilid ng mga mata. Iba na ang sigurado.
Chorus ulit na sumagot ang buong klase. Pati si Diana ay nakisali na rin, "WALA PO!"
"O e ano'ng problema natin? Bakit ganyan ang tingin n'yo sa 'kin?"
Dahil hindi na makatiis, tumayo si Maricel, ang pangbato ng motto na 'honesty-is-the-best-policy' at nagbunyag ng katotohanan.
"Ma'm, tama po ba nakikita namin? Naka-lipstik kayo at naka-meyk-ap? May dadating po bang bisita? Dadating po ba ang prinsipal?"
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.