A/N: Ma'm, present today! Eto po excuse letter ko sa mahigit isang linggong absent, sabay kindat kasi peyk ang pirma dahil ayaw pirmahan ng nanay ko - pero promise beri good po ako sa school dati.
Ayun na nga, maikli at paramdam lang po bilang natabunan ng ibang deadlines. Dagdag na naman sa pangakong napako sa bahay kubo. Basta po itaga n'yo sa ilong ni Ms. Allan K (potpot), tatapusin po natin 'tong kuwentong ito.
Eto na nga, ang inyo pong matutunghayan sa mga susunod na kabanata ay pawang kathang-isip lamang. Patnubay at tulong ni Google ay kailangan. (Siyempre otor, fiction nga e! Kailan ka ba sumulat ng documentary?)
---------
Sinabayan ni Meng si Ricardo at kasama nito hanggang sa puno ng acacia. Hindi na siya tumanggi nang kunin nito ang kamay niya at holding hands silang naglakad na hindi binibitawan ito kahit sino pa ang makasalubong nila.
Hinarap niya si Ricardo nang makaabot sila sa spot sa may puno kung saan nagsasanga ang daan. Pinisil niya ang palad ng doktor. "Basta mag-iingat ka, ang layo ng baryo Canaway."
"Hindi pa naman sigurado na ako ang pupunta. Kailangan ko ding malaman kung ano'ng nangyayari." Sinenyasan ni Ricardo ang kasamang health worker na mabilis namang tumalikod at dumistansya sa kanilang dalawa.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ng nobya para hilahin ito papunta sa kanya. "Pasensiya na rin, Meng. You don't know how much I'd like to spend this day with you. Parang hindi ko pa rin ramdam na isang linggo na tayo. Pasensiya at emergency lang talaga."
Napayuko si Meng. Halata bang di maitago ang pagkadismaya n'ya? Ganito pala ang feeling. Pinilit niyang ngumiti. "Pasalamat ka, Faulkerson at malakas ka sa 'kin."
Sumandal si Ricardo sa puno at hinapit ang beywang ng dalaga. "So we're back to Faulkerson, huh. Really, Mendoza?"
"Sige, lagyan natin ng qualifier, my Faulkerson. Puwede na ba? Parang ang tanda na natin para sa mga endearments. Saka nakakapanibago pa rin."
"Bakit? Na yung dating kaagaw mo sa medalya, kakampi mo na ngayon. Bonus na mahal mo pa at mahal na mahal ka? Ano kaya sasabihin ng mga kaklase natin pag nalaman nila?"
Hindi mga kaklase nila ang problema niya ngayon.
Naalala ni Meng ang komento ni teacher Poleng tungkol sa masters program na hindi pa niya nasasabi sa nobyo. Gusto sana niyang sabihin kanina pa pero eto na nga at nag-chicken out na naman siya. "Sige na, hindi panahon ngayon para maging sentimental. Maiinip na yung naghihintay sa 'yo. Akala ko ba emergency at kailangan ka magmadali?"
Siguro sa ilang buwan na nandito siya, natutuhan na rin ng doktor na basahin ang moods ni Meng. "Why, is there something wrong? Medyo tahimik ka kahit nung naglalakad tayo. Nagsisisi ka ba na doktor ang sinagot mo?"
"Ano ka ba? Wala 'to. Siyempre maghihiwalay na naman tayo, mamimiss na naman kita. Pero promise, saka na lang natin habaan ang kuwentuhan pagbalik mo."
"Sigurado 'yan! Paplanuhin pa natin ang bakasyon para umuwi sa inyo tuloy sa Baguio. Baka maunahan pa tayo ng balita."
"Ako siguradong may school break. Ewan ko ikaw."
"Magagawan ng paraan 'yan. Pa'no, wala bang pabaon kahit isang kiss d'yan? Sasabak sa giyera ang boyfriend mo."
Sinipat ni Meng sa kabila ng puno ang health worker, nakatalikod pa rin ito. Tumingkayad siya para bigyan ng smack sa labi ang nobyo. "Basta, Dok siguraduhin mo lang na buong-buo ka pagbalik mo. Kahit kagat ng lamok, dapat wala!"
"Ay pag ganyan, dapat hindi lang smack, mahaba-habang kiss 'yan para makabuo ng force shield against moquito and insect bites itong mahal mo."
Tiningnan ni Meng nang pailalim ang nobyo. "Hindi ba puwedeng utang?"
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.