A/N: Pasensiya na po at natagalan ang update. Busy-busyhan lang po. At medyo nag-struggle din isulat pa'no sisimulan ang bagong yugto sa buhay ng dalawang bida natin. Bawi po ako this week (with matching crossed fingers sa likod)
Tulad nang nasabi ko nung una, magkakaroon po tayo ng story arcs habang nagpo-progress ang kwento. Mga mini-conflicts galing sa pang-araw-araw nilang buhay bilang doktor at guro na magkakaroon din ng "closure" sa loob ng ilang kabanata.
------------------
Ibang-iba ang medical mission. Totoong buhay na 'to.
Hindi alam ni Ricardo kung pa'no n'ya nasurvive ang unang linggo n'ya bilang isang Rural Health Physician sa General Nakar.
Alam niyang may bahid ng pananakot at babala ang mga sinabi sa kanya nang i-orient siya ni Doc Aga. Marami rin siyang nabasa at napanood pero iba pa rin yung maranasan niya nang personal ang mga bagay-bagay.
"Dito hindi puwedeng pepetiks-petiks. Hindi ito ospital na may rerelyebo sa 'yo. 29,000 ang populasyon ng General Nakar. Isang doktor. Ngayong dumating ka, 1 is to 14,500 na."
Bilang ito nga lang ang nagsisilbing Health Center para sa buong bayan na may 20 barangays , hindi matapos ang buhos ng tao mula Lunes. Huminto nang magbilang si Ricardo ng pasyenteng tiningnan n'ya. Parang dating na lang sila nang dating.
"Nasabi sa 'kin na nasa kalagitnaan ka daw ng residency mo sa surgery. Puwes dito, hindi ka puwedeng mamili ng gagamutin mo. Sari-saring sakit. Kahit may midwife tayo dito, mararanasan mong magpaanak hanggang sa pag-autopsy ng patay kung kailangan. Pero wag ka ring magpakabayani, yung mga seryosong kaso, kailangang i-refer natin sa ospital sa kabilang bayan."
Mula sa simpleng lagnat, ubo, sipon, diarhea, malaria, dengue, TB, sakit sa bato, atay, apdo, puso, suspected na kaso ng diabetes at cancer. Kung sa ospital, may ilang senior na magdodouble-check at triple check ng gawa at diagnosis mo, dito iisa ang tatanungan. Medyo masungit pa. Buti na lang may dala-dala siyang medical books. Dito, basa ng libro ang pahinga. Kaya lang kahit anong sintomas ang makita mo at magreseta ka ng laboratory tests at procedures, hindi ka siguradong gagawin nila at babalik sila dahil sa kabilang bayan pa at mahal ang pamasahe.
"Merong 20 barangays ang General Nakar. Pero kahit first class municipality 'to, malalayo ang mga barangay. May mga araw at linggo na kailangang bisitahin ang puntahan mismo ang mga tao sa barangay nila para mag-medical mission. Marami sa kanila lalo na sa malalayong barangay, ngayon lang makakakita ng doktor, mas sanay sila sa mga albularyo, hilot at mga dahon-dahon. Wag mong ipilit ang paraan mo ng panggagamot agad-agad."
Sinabihan siya ni Doc Aga na magpapalitan sila ng pagbisita sa malalayong barangay. Isang barangay sa isang linggo para siguradong may maiwan sa Health Center sa bayan. Kasama dito yung mga barangay na hindi na kayang marating ng habal-habal dahil sa kabilang bundok pa. Magdadala sila ng gamot sabay titingin na rin ng mga pasyente.
"Kung sa ospital, 24 o 36 hrs ang shift mo, dito masanay ka sa 24 x 7. Ibig sabihin, hindi mo hawak oras mo sa loob ng bente-quatro oras, pitong araw. Kaya kung wala ka pang pamilya, asawa o nobya wag mo nang asahang magka-social life ka pa. Itatakwil ka lang nila. Imposible. Hindi ka si superman."
Sa unang tatlong araw niya, nakita ni Ricardo ang dedikasyon sa trabaho ng buong health unit dito. Kung sino ang may dalawang kamay at paa na puwedeng tumulong, kahit hindi ka nurse pero tinawag ng pagkakataon, kailangan mong gawin dahil buhay ang nakataya. CR at kain lang ang pahinga. Bawal ang kuwentuhan lalo at kita mo ang haba ng pila. Hindi sila puwedeng umuwi habang may dumadating lalo na at emergency case.
Unang araw pa lang pero naranasan na niyang mag-assist sa manganganak dahil sabay-sabay silang nagdatingan. Yung tipong hindi mo masabihan nang teka lang at may nanganganak pa. Simple pa lang daw 'to. Wala pang kaso ng mga aksidente na kailangan talagang itakbo sa kabilang bayan.
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.