43 - Ang Albularyo, Bow!

641 46 20
                                    

A/N: Hindi na po ako magpapasakalye nang mahaba. Salamat na lang po sa sumusubaybay pa rin sa ating kuwento. Ilang buwan na pong nakukulta ang utak ni otor kung pa'no sisimulan at tatatupusin ang kabanatang 'to.

O siya, balik-tanaw muna tayo. Konting recap sa nagdaang kalahating oras lang para sa ating mga bida.

--------------

Tatlumpung minuto ang nakakaraan.... opo short-term memory lang po ang kaya nating balikan.

Nagmamadali na binagtas ni Doc RJ ang daang itinuro papunta sa school ground ng baryo Canaway. Di niya alam kung nakasunod si Nurse Betong sa kanya kasabay ang anak ni Tandang Natoy.

Oo, si Tandang Natoy, ang misteryosong albularyo ng baryo. Na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang nakita niyang bakuran.

It's just a medicinal and herbal garden. Plain and simple. Which is surprising.

Haay! Naturingan nga akong Doctor-to-the-Barrio, pero ano nga bang alam ko sa mga albularyo?

Myths and legends. That's what they mean to me.

Gumagamit ng tawas, buntot pagi kung may nakulam o nabrang, o kung anu-anong langis na minsan sinasamahan ng bulong, sabay pahid ng laway sa tiyan kung nabati, nagpapakulo ng kung anu-anong dahon. Pito-pito, siyam-siyam. Ilan na ba ang sinabihan ko sa mga baryong napuntahan ko na huwag paniwalaan ang hatol at panggagamot ng mga albularyo?

Pero gano'n nga ba silang lahat? May tinatago ba si Tandang Natoy, o masyado lang akong naging judgmental?

At kung mali lahat ng paraan ng panggagamot nila, bakit mas pinaniniwalaan pa rin sila ng mga taga-baryo? Bakit kahit anong pagka-logical ng paliwanag ko kagabi sa harap ni Kapitan, hindi pa rin nila 'ko pinakinggan?  Bakit balik ulit sila sa albularyo pagkatapos ng mga medical mission namin sa mga baryo? Ano ang meron sa mga albularyo?

One at a time, RJ. One albularyo at a time! Kay Tandang Natoy muna tayo. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya sa mga pasyente ko. Lord, please.

Hindi niya namalayan na malapit na pala siya, abot-tanaw na niya ang flag pole ng eskuwelahan. Pero napabilis ang lakad niya nang makita niya ang dami ng taong-bayan sa school ground.

Ano na namang pakulo 'to ni Kapitan?

--------------

Siyempre, papatalo ba ang ating butihing guro sa 30-mins na balik-tanaw?

"Ikaw ba ang pinadala ng barangay na tutulong sa 'kin sa pag-aasikaso sa mga bata? Ha, ineng?"

Nagulat man sa eksenang nadatnan at sa tanong na ibinato sa kanya ng sa tingin niya ay albularyo, hindi nagpahalata si Meng.

Dahil hindi na masyadong bago kay titser Meng ang ganitong eksena. Sa limang taon na itinagal niya sa baryo Pinagpala, naging kaibigan na rin niya ang resident albularyo at hilot doon.

Dahil nga walang doktor, kung mga pilay lang naman, magiging choosy ka pa ba? Para sa kanya, dapat alam lang kung ano'ng mga sakit ang papagamot sa albularyo at kung ano'ng kailangang isugod sa Health Center sa bayan o sa ospital sa kabilang bayan. Matagal na niyang na-realize na marami pa rin medicinal plants na nakatago sa mga gubat, lalo na dito sa Quezon. At kasama ang mga albularyo sa nakakaalam no'n.

In short, mga subject matter experts sila sa medicinal plants.

Pero mabalik tayo sa eksena.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon