21 - Pabitin pa More

1.9K 208 45
                                    

A/N: May sagot kaya ang mga Pabitin ni otor na hindi nagparamdam ng isang linggo? Medyo matagal pong nalubog sa realidad at ngayon lang naka-ahon ahon. Pero huwag po kayong mag-alala, as long as it's in my power, hindi po natin iiwan ang kuwentong ito nang hindi tapos.

Pasensya na rin po at madami nang nakapakong pangako sa dingding. Kalahating kilong pako po kasi ang nabili ko, hehe.

---------------

Sinundan ni Ricardo si Doc Aga sa loob ng nagsisilbing examination at record room sa health center na katamtaman ang laki. Walang problema ang real state dito sa General Nakar. Sobra-sobra sila sa lupa, yung mga proper establishments at facilities ang problema.

"Hanggang bukas kami ni Nurse Betong mawawala. Medyo malayo ang barangay na pupuntahan. First time na ikaw lang ang maiiwang primary physician dito sa health center." Ilang folder ang nilabas ni Doc Aga galing sa file cabinet.

"May problema ba tayo na ako ang maiiwan?" Hindi niya napigilan na lumabas ang konting inis sa tanong.

Alam ni Ricardo na ahead sa kanya ng maraming taon ang doktor na kaharap. Pero kahit paano naman, nakapagtrabaho siya ng dalawang taon sa isang public hospital. Kahit paano, may experience siya.

Huminto si Doc Aga sa hinahanap na mga record ng pasyenter sa mga folder, tiningnan siya. Hindi nakangiti nang sumagot. "May sinasabi ba 'ko?"

"Wala, please go on."

"Iiwan ko lang itong folder ng mga record ng pasyente na pinababalik ko ngayon at bukas. Ikaw na'ng bahala sa kanila. Magtanong ka lang kay Nurse Betchay. Yung iba dito, depende sa resulta ng medication na nireseta ko noong nakaraang linggo e kailangan ng additional lab tests. Maupo ka at ipapaliwanag ko ang case ng bawat isa."

Hindi na napigilan ni Ricardo na muling humirit. In straight Engilish. "I can read medical charts and medical records. That is, if they're well written."

Binaba ni Doc Aga ang folder sa mesa at tinulak papunta sa kanya. "E di sige, eto na. Madali naman akong kausap."

Biglang naguilty si Ricardo. Doc Aga is just doing his job. But so am I. "My apologies, that was uncalled for. I just don't like people undermining by capabilities."

"Walang problema. Ang ayaw ko lang sa lahat e yung mga pabibo. Totoong tulong ang kailangan ng mga tao dito. Kadalasan, isa o dalawang tsansa lang ang mabibigay sa 'yo para makuha mo ang tiwala nila bilang isang doktor. Kung hindi, babalik sila sa nakasanayan nilang paraan ng panggagamot. Yun lang naman ang punto ko."

"Understood." Lalabas na sana siya nang may naalala. "By the way Doc, can I take Sunday off? May kukumustahin lang akong pasyente sa isang barangay. Kailangan ko bang magpaalam kay Ms. Doctor?"

Seryoso pa rin ang tingin at sagot ni Doc Aga. "Sa pinuntahan n'yong barrio ni Nurse Betong nung nakaraang Linggo?"

Ayaw naman n'yang magsinungaling. "No. Sa barrio Pinagpala."

"Barangay Pinagpala, hindi pa yata nakapag-medical mission sa barangay na 'yon? Emergency case ba? Kung pasyente, e di official business ang punta mo."

"Hindi pa ko assigned dito nang matingnan ko siya. Isang farmer na maraming anak. Nagkataon lang na andoon ako. Hindi rin emergency. Pero napilit ko siyang magpa-xray. May tama sa baga. Gusto ko lang siguraduhin na tinutuloy niya ang 6-month medication. Kung hindi, sayang ang gamutang inumpisahan."

"Kumusta signal do'n? Hindi naman tayo mga alipin dito at sarado ang health center pag Linggo. Basta dapat isa sa 'tin ang kayang ma-contact in case of emergency. "

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon