A/N: Pa'no hiwalay muna ulit ang puti at de-kolor? Ang guro at doktor? Ang tanong, hanggang kailan? Isang paunawa, hindi po natin mamadaliin ang Ever After. Slowly but surely...
Bagay lagyan ng sound track, no? Ano ba'ng maganda? Parang feel ko si Raymond Lauchengco
Farewell to you my friends, we'll see each other again
Don't worry 'cause it's not the end of everything
----------------
Sa baryo Pinagpala, tuloy ang buhay. Kailangang ibalik ang mga regular na mga rutina.
Gigising bago sumikat ang araw. Maghahanda sa pagpasok. Pero bago 'yon, pamilya muna.
Parang dati pa rin. Walang nagbago.
Yun ang akala mo.
Sumisilip na si haring Araw, nasa gilid pa rin ng ilog si Meng. Palakad-lakad para makakuha ng mas malinaw na signal. "Ano po, Tay? Pakiulit po! Nawala kayo kanina."
"Sabi ko, bakit ilang araw kang hindi nakatawag?"
"Uhm..., yung ilog po kasi. Tama po, malaki po ang tubig sa ilog. At malakas ang ulan. E diba dito lang po may signal, saka yung malapit sa barangay hall e ang layo naman po?"
Excuses, excuses.
" Pasensya na anak at di ka rin namin madalaw dyan ng Nanay mo. Maulan din kasi dito, mahirap magbyahe. Anong balita?"
'Mabuti na lang, Tay'. Mabuti na lang sa loob-loob n'ya.
Kinuwento ni Meng ang nangyari sa palayan ni Nanay Ruby at tungkol kay Patrick. Para lang kwentuhan nila kung magkakaharap sila sa pagkain. Gano'n sila ka-close na mag-anak kaya mahirap din para sa kanya nang mahiwalay s'ya nang magturo na s'ya sa Quezon.
Kilala ng tatay at nanay n'ya si Patrick, galing na rin sa mga kwento n'ya.
"Gano'n ba? Sayang naman ang talino ng batang 'yan. O tapos, ano'ng nangyari? Dapat dinala na sa doktor ang tatay n'ya nang matingnan. Kelan ba kasi dadami ang doktor sa bayan?"
"Ayos na po, Tay. Nadala na siya sa ospital. Iniintay na lang ang resulta ng mga lab tests."
"Maigi naman. Sino'ng nagdala? Buti pumayag e diba sabi mo matigas ulo ng tatay n'ya?"
"May nagmagandang-loob po. Kayo po kumusta kayo d'yan? Anong bagong kwento?"
Hindi pa rin nila alam ang pag-volunteer ni Ricardo dito nung may bagyo. Hindi pa n'ya kinukwento at hindi naman nila kailangang malaman. Magiging asar-talo lang siya.
Dahil kahit gaano ka-pihikan ang magulang n'ya pagdating sa pag-approve sa mga nalilink sa kanya, siguradong tutuksuhin s'ya minsang malamang napunta ng Quezon si Ricardo.
Hangang-hanga sila sa katalinuhan at sipag nito kahit nung nasa high school pa lang sila.
Nakita nga lang sa Baguio ang mommy ni Ricardo, kinilig na! Eh di lalo pa sigurong nakiliti ang mga tenga nila nang malamang binata pa rin ang doktor at dalawang beses nang nagawi ng baryo Pinagpala.
Tatay at nanay pa niya, e magaling din sa aritmetik ang mga 'yon dahil s'ya na lang ang walang asawa sa kanilang tatlong magkakapatid.
Sa wakas ay tinapos na ni Meng ang tawag.
Pero imbis na magmadaling umuwi at may klase pa siya, naglakad-lakad muna si Meng sa mga batuhan, habang pinapanood ang ilang mga mag-iina na maagang naglalaba sa tabi ng ilog.
![](https://img.wattpad.com/cover/153051056-288-k933731.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanficPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.