14 - Doctors To The Barrios

2K 242 61
                                    

A/N: In short, DTTB ng DOH. Ang programang pinasimulan noong 1993 ng dating DOH Secretary, ang small but terrible na si Dr. Juan Flavier. (http://doctorstothebarrios.com/about/)

--------------------

Nilanghap ni Ricardo ang malamig na simoy ng hangin habang pinakikinggan ang marahang pagaspas ng mga sanga ng pine trees sa luntiang paligid.

Galing siya sa pag-aasikaso ng NBI clearance sa Regional Office sa Session Rd. Mabilis ang proseso dahil nagbayad at kumuha na siya ng appointment online. Maaga siyang natapos kaya naisipan n'yang gumala kung saan siya dalhin ng mga paa.

Bihira siyang umalis ng walang direksyon. Ngayon lang.

Dito siya dinala ng mga yapak niya at ng sinakyan niyang taxi.

Sa Camp John Hay.

Isa sa mga natitirang lugar na para sa kanya ay nagpapaalala kung ano ang dating Baguio. Napakarami na rin kasi ng tao at halos magkakadikit at makikintab na yero ang makikita pag tinanaw ang mga bundok sa paligid ng city of pines.

Ang Camp John Hay din ang paborito n'yang pasyalan kung gusto n'yang mag-unwind at mag-destress. Isang bagay na bihira niyang nagagawa nitong mga nakaraang taon mula nang magsimula ang residency niya sa BGHMC.

Gustong-gusto n'yang umistambay dito lalo na kung off-season ng mga bakasyunista. Pag ganitong simpleng araw at maaga pa.

Hindi lang pang-couple at pampamilya. Pang-single din tulad niya, lalo ngayong panahon na kailangan niyang magdesisyon. Dito, pwede siyang marelax at makapag-isip mag-isa.

Kasi naman, kahit gaano karaming tao ang hingan niya ng payo, siya pa rin ang kailangang magdecide.

Magdecide kung ipapasa ba niya ang application sa Doctors to the Barrios program ng DOH.

Inulit basahin ni Ricardo ang listahan ng requirements.

• Personal Data Sheet- 4 copies
• Statements of Assets and Liabilities Form (notarized)- 4 copies
• Diploma (Certified True Copy)- 1 copy
• Transcript of Records (Certified True Copy)- 1 copy
• PRC ID and Board Rating (authenticated)- 1 copy each
• NBI Clearance (original)- 1 copy
• Certificate of Specialty Board/Fellow/Medical Spec. Exam (if applicable)- 1 copy

Also include a cover letter indicating why you are interested in the program, to be addressed to:

ELVIRA SN. DAYRIT, MD, MSC, MCH, CESO IV
Director IV

(source: DOH website)

Meron na s'ya ng mga sinabi sa listahan pero may kulang pa.

Ang cover letter kung bakit s'ya interesado sa programa.

Bakit nga ba?

Sa dami ng napanoond niyang youtube videos at nabasang articles, convinced naman s'ya sa objective ng program. It's noble and ideal.

Kahit sino maaantig ang puso sa mga kinukwento ng mga practitioners na naging doctors to the barrios. Ramdam nya sa mga interviews nila ang fulfillment at satisfaction na sulit ang lahat ng ginagawa nila sa kabila ng hirap, sakripisyo at mga hamon.

Pati yung Wish Ko Lang na episode nung Alden Richards na kamukha daw n'ya, pinatulan din n'yang panoorin.

May hawig nga sila, pero mas maputi siya ng isang paligo.

Taga-Baguio yata siya with matching rosy cheeks pa!

Bottomline, he did his research. That's the only way he can make informed decisions.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon