Ready na ang sasabihin ni Menggay.
At bilang isang mahusay na guro, ginawan pa niya ng outline ala lesson plan. Nakasulat lahat sa isang Grade IV pad paper ang lahat ng puwedeng maging reasoning ni Ricardo.
Parang nung mga debate contests lang nung High School na madalas sila ring dalawa ang magkalaban. Mas madalas siya ang nananalo dahil math at sciences naman talaga ang forte ng doktor.
Kaya sisiw lang 'to. Handa na rin ang kanyang mga argumento.
Hindi na siya nagpaalam kay Nanay Ruby dahil yung dalawalang bata lang ang nasa bahay nang umalis siya.
Nanlaki ang mata ni Amy at Totoy nang lumabas siya.
Sinuot kasi niya ang isa niyang mahusay na bulaklaking bestida na kulay dilaw.
Bihira niya itong gamitin dahil iniingatan niya at bigay nila Nanay at Tatay nung huling dalaw nila. Walang espesyal sa okasyon ngayon. Gusto lang niyang maging confident sa kanyang sarili para sa mensaheng sasabihin niya. Yun lang yon. Nothing more, nothing less.
Binuksan ni Meng ang kanyang payong at tumulak na siya sa direksyon ng punong acacia.
A/N: Okay titser, sinabi mo e!
----------------------Tulad ng inaasahan, ayos naman ang pasyente niya.
Makulit daw si Patrick at talagang sinulat pa sa pad paper ang schedule ng inom ng ama ng gamot. Nakapagpa-x-ray na rin ang mag-iina at awa naman ng Diyos e negative lahat sila.
Sobra-sobra na ang tulong ng tisoy na doktor dahil lingid sa karamihan, dala niya ang gamot ng tatay ni Patrick para sa susunod na buwan.
Abot-abot ang pasasalamat nila kay Dok Tisoy na siyang sumagot ng lahat dangan nga lamang at mahigpit ang bilin nito na huwag ipagsasabi. Hihinto ang tulong pag may nakaalam na iba.
Marami pa sanang kuwento si Mang Ben pero nakahalata si Aling Marta na tingin na nang tingin si Ricardo sa kanyang relos. Siniko nito ang asawa para magpaalam na at ipahatid si Dok Tisoy kay Patrick sa parang.
Habang palabas sila, gustong-gusto ng doktor na magtanong tungkol sa school ni Patrick pero pinigilan niya at inayos ang kuwelyo ng suot na polong asul na lalong nagpalitaw sa kaputian niya.
Bihira siyang magtuck-in pero ginawa niya ngayon. Medyo nakakapanibago dahil nasanay na rin siya sa uniform nilang de kuwelyong T-shirt sa Health Center. Huli yata siyang nagpolo nang may inaya siyang magdate nung nasa med school pa siya. Pagkatapos no'n, it's all school, board exam, then residency.
Siyempre, hindi ito date.
Pero kailangan niya ng tibay ng loob para tanggihan ang tukso na halikan ang guro tuwing madadako ang tingin niya sa mga labi nito. He has to resist the natural charm Nicomaine doesn't know she possesses.
Dahil taliwas sa gusto niya ang mensaheng idedeliver niya kay Menggay, kailangan ng determinasyon para maintindihan nila na kailangang gawin 'to para sa ikatatahimik nila pareho.
Wala sa loob na kumaway siya kay Patrick at nagsimulang tahakin ang direksyon papunta sa puno ng acacia.
A/N: Sino ba kasi kinukumbinsi n'yo! E sitting pretty lang kami dito. Saka, sino ba otor sa 'ting tatlo?
==============Halos sabay dumating ang dalawa sa may punong acacia. Sa magkabilang direksyon nga lang nanggaling. Umayon ang panahon dahil hindi masyadong mainit. Asul pa rin ang kulay ng langit pero kadalasang natatakpan ng mga puting ulap na iba-iba ang hugis si Haring Araw.
"Nicomaine." Tumango si Ricardo pero matipid ang bati.
Malayo pa lang ay nakita na niya ang ayos ng kababata. Ngayon lang yata niya ito naking naka-bestida. Bagay sa kanya pati na ang pagkapusod ng buhok na may ilang hibla na bumabagsak sa magkabilang gilid ng kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.