A/M: 10-24 Tamang panahon na nga ba para muli silang magkita?
Nakasubok na ring mag-medical mission ni Dr. Ricardo Faulkerson Jr sa Benguet pero ngayon lang siya nakakita ng ganito karaming tao.
May 500 daan na siguro sa tantiya niya at parang marami pang dumadating. Halos mapuno na 'tong covered court, meron pang pila sa clinic sa labas.
Matatapos kaya nila lahat ng pasyente maghapon?
Senior citizen, PWD, buntis, bata, mga baby na nag-iiyakan na yung iba. Minsan maganda ring napupunta sa ganitong lugar, nabubuksan ang mata. Makikilala mo yung sinasabing nasa laylayan ng lipunan. Kaya lang hindi pa rin 'to para sa kanya. Okay na yung volunteer na lang paminsan-minsan.
"Doctor Faulkerson, ito po yung listahan ng unang 10 pasyente mo." Inabutan siya ng isang set ng index card, kung saan niya isusulat ang findings niya at anuman reseta na ibibigay niya. Itatago ang record sa Municipal Health Office. Pero ang tanong, matitingnan kaya ulit ang pasyente or mabuburo lang ang mga records nila hanggang sa susunod na medical mission?
"Huy! Ang seryoso mo naman bro!"
"Ikaw naman panay ang pa-cute!"
"Alin yung doctor sa table no. 5? Cute kaya niya! Kaso parang ang layo ng tingin, abot hanggang table no. 10. Ikaw ang sinusulyapan, bro! I'm hurt."
"Bro, hindi ba dapat itong mga pasyente ang unahin natin bago humarot? Nakikita mo ba dami ng tao? Kaya bang maubos yan hanggang mamayang hapon?"
"Kakayanin. At kung hindi natin matapos e di dun sa susunod na medical mission na! Bakit ba ang sungit mo? Don't worry, makakapasyal pa rin tayo pagkatapos nito. Sabi ng Tita ko marami daw falls na puwedeng puntahan dito."
"Alam mo Chris, hindi pasyal habol natin dito. Mabuti pa bumalik ka na sa consultation table mo at simulan na nating bawasan ang pila ng pasyente."
------------------
Tiningnan ni Meng ang mga katabi nila sa upuan.
Kawawa talaga ang mga lolo at lola lalo saka yung mga buntis o may kasamang maliliit na bata. Nagbabaan yata lahat ng galing bundok sa malalayong barangay ng General Nakar.
Haay, kailan kaya kami magkakaroon ng sariling ospital dito sa bayan? Matutupad kaya 'yon kung isusulat ko kay Vicky Morales ng Wish Ko Lang?
Tiningnan niya ang number card na hawak niya. Pang-10 doktor na nga, pang-no. 24 pa! Haaay aabutin yata sila ng siyam-siyam dito! Magaling siyang magpapila pero mainipin siya sa intayan pag siya na pipila.
Mabuti na lang ang pinaupo muna ang iba at sampu-sampu muna ang tinawag kada isang doktor. Dahil mainipin lalo na ang mga bata.
Katulad na lang nitong dalawang alaga niya.
"Titser Meng, matagal pa po tayo? Puwede po bang maglaro muna kami ni kuya do'n?" Tinuro ni Amy ang naglalarong mga bata sa gilid ng covered court.
"O sige pero wag kayo magpapawis ha? Wala tayong baon na damit n'yo. Totoy, tingnan-tingnan mo yang kapatid mo! Baka mabasa ng pawis ang likod, lagot tayo sa nanay mo. Kagagaling lang n'yan sa sakit."
Lumipat siya ng upuan sa tabi ni teacher Poleng na katabi lang ang mga anak sa upuan dahil kagagaling lang sa trangkaso. Sa dami ng ginagawa sa school, bihira na rin silang magka-chikahan. Kaya this is the time.
"Walastik, teacher Meng! Nanay na nanay ang dating mo sa dalawa ha!"
"Ano pa nga ba? Anak nga tawag ko sa mga estudiyante ko e, sila pa kaya na kasama ko na sa bahay ng limang taon?"
![](https://img.wattpad.com/cover/153051056-288-k933731.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.