Photo credit: PhilAtlas showing Quezon Province
A/N: Gets ka na namin sa hugot at pa-mystery effect mo, Doc. Sana gets mo rin ang mga susunod na mangyayari, bwahaha!
May isang minuto nang nakalabas si Uncle Pete, tinititigan pa rin ni Ricardo ang mapa at phone niya. Ang asintado naman yata niya, e ang kitid ng Quezon sa mapa. (paki-tingnan po ang larawan sa itaas)
Hindi sa walang tiwala siya sa tiyuhin niya. Kaya lang, alam niya ang kakayahan niya. Sinalat ni Ricardo ang kabuuan ng mapa.... simula sa itaas pababa.
Aha!
For science, gamitan pa natin ng magnifying glass.
A/N: Mga prends, sa ngalan ng Good Shepherd na Ube at Romana's peanut brittle sa Baguio, nabasa ko po ang mga comments n'yo sa tadhana. Bago basahin, pramis huwag n'yo po ako ibibitin... well, puwede na rin wag lang patiwarik. Saka yung nakatungtong ako sa upuan ha?
Maghuhugas-kamay po ako sa Evian water (o diba shala?)
Kasi ganito po yon....
As usual, dahil po walang kamalay-malay si Ricardo na romantic-comedy ang napasukan niya, may BTS ang mga pangyayari ng nakaraang kabanata. Yes, as in Behind the Scene. Iba to!
Hindi alintana ni Uncle Pete ang narinig niyang sigaw ng pamangkon, may excited kasi na naghihintay ng update pagbaba niya sa sala.
"Ano, success ba kapatid? Nakahalata ba?" Kinakabahan na tanong ni mama Rose, na magkadaupan ang dalawang palad na parang nagdadasal.
"Ako pa ba ate, si Pete na beterano ng mga children's party, magmimintis? Yun lang, muntik lang akong tamaan nung isang dart. Kahit kailan talaga, hindi asintado yang anak mo! Biruin mo, puro dagat ang tinamaan nung 3 darts? Buti mabilis ang kamay kong maglipat habang di siya nakatingin."
" Ay salamat naman! Ang mahalaga, naniwala siya."
"Ewan ko lang ha, pero masama tingin sa 'kin nung lumabas ako e. Di mo ba narinig, sumigaw pagbaba ko?"
"Kuya, secret natin 'to. Maligaya na kong naging doctor siya. Kaya lang ayokong nakikitang ganyan siya kalungkot."
"Alam mo ba na ininsulto pa ko ng sales lady nang bilhin ko 'yang mga mapa? Para daw ba sa apo ko? Dahil hindi daw ako mukhang teacher at lalong di ako mukhang estudiyante. Sabihin mo, mukha na ba 'kong lolo?"
"Hayaan mo na! Ang mahalaga matulungan natin siyang mai-guide sa tamang direksyon."
"At Quezon ang sagot? Ano meron sa Quezon? In fairness, ang hirap hanapin sa mapa ha! Biruin mo katabi lang pala siya ni Aurora? At gusto pang mamangka sa dalawang ilog kay Laguna kung hindi lang pumasok itong si Rizal. Terible!"
"Basta, malalaman mo na lang! Feeling ko, sinagot na ang panalangin ko. At nararamdaman ko, ito na ang simula ng pagbabago."
Nagulat ang magkapatid nang may nagsalitang boses galing sa hagdanan. "Anong magandang simula 'ma? Uncle Pete, mag-uusap tayo mamaya."
Dahil a-tapang a-tao, biglang napatago si Uncle Pete sa likod ng kapatid niya.
"Ibig kong sabihin anak, hindi ito ang katapusan ng mga pangarap mo. Diba bilang doktor, ang importante ay makapagsilbi ka sa mga maysakit. Maiba tayo, kumusta pala ang HS reunion n'yo? Gusto mo nang kumain anak? Hindi ka pa nag-lunch. Padating na rin ang papa mo."
Narinig ni Ricardo na sumagot ang tiyan niya. Nagrereklamo na. "Pasensiya na po kanina. Ano po bang ulam?"
May I push si mother ng hapunan para maiba ang usapan. "Ay magugustuhan mo, anak! Matagal na 'kong di nagluto nito dahil ginto ang presyo dito sa Baguio. Sinigang na isda!"
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.
