A/N: Dahil po bitin kahapon, may kasunod po agad na update. Hehehe, ngayon lang po. Bago may switch mode sa realidad at sa Bente-quatro.
Umpisahan ko na po ang paliwanag, ang salitang Pagwatas (opo, hindi po pagtawas, iba yon) na ginamit natin bilang title ng nakaraang kabanata ay Comprehension sa English. Nung isang araw ko din lang po natutuhan :) Galing ulit kay titser Google.
--------------
Hindi lang nandilat ang mata, napatakip pa ng bibig si Meng nang marealize ang sinabi niya. Puwede bang mabiyak na ang lupa at kainin siya sa kahihiyan? Saan napunta ang comprehension n'ya?
Kasabay na naglaho din ang dimple ni Ricardo sa pisngi at nalipat ang biloy sa pagkunot ng noo.
"Ha? Ano'ng doktora pinagsasabi mo?"
Ewan ko, ano nga ba? "Ibig kong sabihin, akala kasi namin doktora ang ipapadala dito. Yun ang short explanation." Ano bang klaseng ngiti ang bagay dito?
Nawala ang kunot noo at naging seryoso ang mukha ng doktor bago unti-unting bumalik ang dimple o biloy nang muling ngumiti. "Linawin mo, gusto pang magkamanugang at apo ng nanay ko." Itinaas n'ya ang package na may pangalan n'ya. "Ito nga ba hinahanap mo? Tama ba ang nakasulat? Para sa 'kin talaga 'to?"
"Kung Ricardo Faulkerson Jr ang pangalan mo, malamang sa 'yo nga. Salamat naman at makakatipid na ko ng pamasahe papuntang Infanta at ng bayad sa LBC para ipadala sa 'yo. Hep hep, bago ka mag-GGSS, nililinaw ko lang. Hindi sa 'kin galing yan! Gawa yan ni Patrick, pinabibigay sa 'yo."
A/N: Bakit advanced ang paliwanag at defensive agad, titser Meng?
Kumislap ang mata niya pagkarinig ng pangalan ng bata. "Talaga? Puwede ko nang buksan?"
Nang tumango si Meng, excited na tinanggal ni Ricardo ang balot at natuwa nang makita ang laman nito at mabasa ang 'Dok Tisoy' sa nililok na kahoy. "Ang ganda naman nito! Salamat. Buti pala naiwan mo at nakuha ko. Kung nagkataon, hindi ko alam kung makakarating sa 'kin 'to."
"So, bakit nga?"
"Ano'ng bakit? Bakit para kang nakakita ng multo kanina? O bakit ang guwapo ko?"
Sinabi na ngang huwag mag-GwapongGwapoSaSarili e, marupok ako. Umayos ka, lalo na't parang pinaglalaruan na naman ni universe ang emosyon ko. "Bakit wala ka na sa Baguio? Bakit Rural Health Office na ng Gen. Nakar na ang address mo? In short bakit ka ulit nandito?"
"Nag-apply. Na-interview. Natanggap. Yung ang short-cut na sagot. Kung gusto mo ng mahaba at kumpletong kwento, may kondisyon na."
Eto na naman po tayo sa mga kondisyon n'ya. "Bakit may pa-kondisyon agad? E di sarilinin mo na lang ang kuwento mo! Ang tino-tino ng tanong ko."
"Alam mo Meng, may bigla akong narealize. Hindi tayo dapat nagkakahiwalay ng matagal."
Bakit bigla din siyang kinabahan? "Bakit?"
"Kasi, parang aso't pusa na naman tayo pag nagkita ulit."
Medyo nag-hang yata s'ya doon. Naubusan ng witty na comeback. May dumaang anghel.
Si Ricardo ulit ang unang nagsalita. "Are you going back to Pinagpala soon or do you have a few hours to spare?"
"Bakit?" Bakit limitado yata ang dialog n'ya dito. Processing pa rin ang isip sa mga kaganapan.
"Kakadating ko lang kagabi. Actually, sa Monday pa official start ko sa bago kong trabaho bilang Doctor to the Barrio. If you have a few hours to spare, baka puwede mo 'kong samahang mag-explore dito sa bayan. That's the condition I'm talking about."
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.