A/N: Ito na po yata ang pinakamahaba kong MIA (missing-in-action, halos tatlong linggo.
Kasi ganire po ang siste. Kundangan ay nagkamali po akong sundan si Dok Tisoy sa pinuntahan niyang barangay. Oo, sa barangay Canaway. Ayun, ako ang naligaw pabalik. May sinundan lang po akong pusa para makauwi. Ang siste, siya may siyam na buhay, ako wala. At waley din po ang #KuwentongKutsero ko, IKR!
Salamat po pala sa #ADNBookClub sa pagfeature sa The Heart Can See bilang tampok na libro ng linggo (linggo ng enero 24) at sa masayang talakayan (ano po opisyal na tagalog ng group chat?). Salamat po sa mga bagong mambabasa at sa umulit magbasa. Aldub You!
O siya, medyo maikli po ito at bitin pero gusto ko lang po umahon nang kaunti sa mga deadlines sa trabaho at makapag-publish ng update ...
--------------
Sapo-sapo ang ulo, pinilit ni Meng na mag-concentrate sa scholarship application form na nakikipagtitigan sa kanya sa mesa.
Naglalabo-labo na sa paningin niya ang mga impormasyong hinihingi. May essay questions pa. Mga tipong pang-beaucon. World peace level.
Focus, Menggay.
Kailangang isantabi muna ang pag-aalala kay Ricardo na ilang araw na ay wala pa rin siyang text na natatanggap o anumang opisyal na balita. Kahit kay kapitan, nganga. Kung sa tatlong lokal na brodkaster naman siya aasa, baka atakihin siya sa puso at kung anu-anong balita ang nasasagap ni Nanay Ruby.
Si Nanay Ruby na pansin na rin ang pagkabalisa niya.
Gustong-gusto na niyang bumaba ng bayan para magtanong sa mga kasamahan ni Dok Tisoy sa health center.
Ang hirap pala nitong nag-aalala ka pero wala kang magawa. Ilang lokal na istasyon na ng radyo ang tinututukan niya pero ni hindi mabanggit ang barangay Canaway. Mali lang kaya ang timing niya ng pakikinig? Puro paalala lang sa pag-iingat sa kalusugan. Mas nababanggit pa ang outbreak ng tigdas sa NCR e tapos na yon dito sa Quezon.
Teka, hindi kaya 'yun din ang kaso sa barangay Canaway at may news blackout lang? Ano ba, Ricardo! Paramdam ka naman!
Kahit magulang niya, ramdam na rin na kulang siya sa wisyo sa mga araw na ito pag nakakausap niya. Hindi naman niya maikuwento ang detalye dahil nangako siya kay Dok Tisoy na magkasama silang magsasabi ng estado ng relasyon nila.
Ang naibalita niya ay naniningalang-pugad at nagpapahaging pa lang. Dun pa lang, excited na at baka nagpapalitan na ng kuro-kuro sa kachika nila sa Baguio. E di lalo pa kung malaman na sila na?
(A/N: Haaay buhay, parang life. Pag inisip mo, thinking. O luma na po ito. Nahukay ko lang sa baul. Pero ramdam kita, titser Meng. Mahirap mag-alala. Gusto mo pausok na lang tayo sa tuktok ng bundok, baka makarating ang mensahe kay Dok Tisoy? Kaso lagot naman tayo sa DENR. Okay, next option!)
Menggay, ito na muna. Balik sa application form.
Kailangan na niya talagang magdecide. Sa Biyernes na ang deadline ng scholarship application para sa masters program.
Sa totoo lang, bukod sa magulang niya, hindi sanay si Meng na may kino-consider na iba sa pagdedesisyon. Kahit si ex, alam ang pagka-independent thinker niya.
Pero sa unang pagkakataon, gusto sana niya na mapag-usapan nila ni Ricardo ang bagay na 'to pero malabo ngang mangyari. Sa tono pa lang ng boses nito nang magpaalam sa text bago tumulak sa malayong barangay, mukhang seryoso ang kakaharapin nila.
Kung sa nanay at tatay naman siya magtatanong ng opinyon, alam niya na mabilis pa sa alas-kuwatro ang ang sagot. Siguradong i-encourage siyang tanggapin ang scholarship dahil ibig sabihin, babalik ulit siya sa Maynila at magkakasama na ulit sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/153051056-288-k933731.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.