5 - Sanga-sangang Daan

2K 249 72
                                    

A/N: Short commercial po muna brought to you by Sterling notebook. Ay teka, di na pala endorser si kuya dito.

Kung pansin n'yo po, ang karaniwan kong sinusulat na istorya ay may light angst pero sa huli e yung nag-uuplift ng human spirit (ano ba kasi tagalog ng phrase na 'to?). Yung kahit mahirap pa ang kaharaping pagsubok, may mga pagkakamali man na puwede pa rin itama, pagsubok na kailangan harapin ng ng isang indibiduwal, magnobyo, mag-asawa o pamilya.

At ang isa pa pong na-realize ko sa pag-experiment sa pagsusulat? Para mapahaba ang isang istorya, kailangan talaga ang central na problema o conflict.

Hindi nag-iiba rito ang kuwento natin.

Pero ang kaibahan, hindi ko na po gagawing cliff hanger o pa-sorpresa ang isa sa mini-conflict natin. Ihahain ko na po siya ngayon.

Gawin nating Hugot Day today gawa ng maulan naman.

--------------------

Kennon Road

Napapailing pa rin si Ricardo pag naalala niya ang biyahe nilang magkaklase pauwi galing Quezon two days ago.

Sulit ang "napilitan" niyang pag-volunteer na pagdrive. Noon na lang yata siya ngumiti at tumawa nang gano'ng kadalas at kalakas. Actually, nagsimula lang siyang matawa nang malakas sa pa-sinigang na bangus ni Mendoza.

At yun na nga, hindi na siya tinantanan ng tukso lalo kung nakakahanap sila ng konting butas hanggang makarating sila sa Maynila. Hindi niya yata mabilang kung ilang beses nila binanggit ang pangalan ni Nicomaine.

Este Mendoza... Mendoza...Mendoza...

O well, charged to experience na lang 'yon. Maybe a once-in-a-lifetime experience.

Imposible na sigurong siyang makabalik doon sa liblib na lugar na 'yon. Not my cup of tea kahit gaano pa ka-noble ang idea.

At sigurado siya, kung si Mendoza ang papipiliin, hindi na siya pasasamahin sa susunod na taon. There are other ways he can help them.

May mas mabigat siyang kailangang isipin ngayon. Forget about Mendoza, forget about Quezon.

Nagsisimula ng sumilip ang araw sa likod ng kabundukan ng Cordillera. Nagliliwanag na ang kaninang madilim na Zigzag road.

Madilim pa nang nagbiyahe siya paakyat ng Baguio.

Pero dahil sa SCTEX-TPLEX, halos wala pang 4 na oras, nasa dulo na siya ng Kennon road papasok sa city proper. Ang naging homebase niya for more than 10 years mula nang malipat ng trabaho Papa niya at kailangan nilang mag-relocate buong pamilya.

A/N: Ano na otor, pati expressway kinukuha mo ng sponsor? Na-tiketan ka na siguro ng over-speeding. Aminin mo, sumisipsip ka. Saang banda?

Saglit siyang nagdalawang isip sa junction, pero mabilis din na nagdecide. Imbis na tumuloy sa bahay nila, dumiretso na siya sa BGHMC kahit ilang oras pa para sa 9am appointment niya with the Medical Director ng ospital.

The Quezon trip was a good distraction while it lasted.

But good or bad, there's a verdict that he needs to face today.

-----------------

Matagal na tinitigan ni Ricardo ang embossed na pangalan ng ospital sa arkong pasukan sabay hinga ng malalim. Luminga-linga muna siya at baka may kakilala bago lumakad papasok kasabay ng karamihan.

This is it.

Baguio General Hospital & Medical Center

Ang totoo, ito ang isa pang dahilan kung bakit hindi agad sinabi ni Ricardo na doctor siya nung gabi ng reunion.

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon