15 - Pagwatas

1.8K 257 65
                                    

A/N: Huwag kayong mag-alala mga bes, hindi ipapasa kay Menggay at Tisoy ang pagkakamali ni otor na i-check na sa 4th to 6th class municipalities pala na-aasign ang mga Doctors to the Barrios.

At ang General Nakar ay isang 1st class municipality. Tutal ito po ay fiction, pagaganahin natin ang suspension. Oo, suspension of disbelief. Pagbigyan n'yo na po si otor.

-------------------

May mga araw talaga na kahit anong positive-thinker mo, lulusot at lulusot ang mga hugot.

Tulad ngayon.

Ito ang medyo challenging sa multi-grade classrooms.

Yung dalawang grade na nga hawak mo, tapos hindi pa pare-pareho ng reading abilities ang mga estudyante. May advanced tulad nila Patrick, Sharon at Maricel, meron din namang nahuhuli reading at reading comprehension. Sa pagong yata nakikipagkarerahan.

Pag natapos ng grade 3 at hindi pa rin mabilis magbasa at mahina ang comprehension, sa akin pa rin ang bagsak sa grade 4. Hindi ko naman puwedeng ibagsak taon-taon. Baka nagsimula sa 'kin ang bata na may gatas sa labi, hanggang nagpapadede na ng bata, tinuturuan ko pa ring magbasa. Haaay .... at isa pang haaaay.

Sabagay, mas maganda pa rin lagay nila. Balita namin sa ibang school, may nakakagraduate ng grade 6 na hindi pa rin mabilis bumasa.

Another haaay... may mga araw talaga na ma-LSS ka na lang kay Freddie Aguilar ...

Ako ang nasisisi, ako ang laging may kasalanan

Hindi namalayan ni Meng na meron na palang nanonood sa kanya dahil lunch break na.

"Ang lalim naman yata ng buntong-hininga mo, sis."

Ang kanyang mga co-teachers. "Naman, mga sis! Nagche-check ako ng quizzes sa English. Parang gusto ko nang tanggalin sa curriculum ang reading comprehension. Puwede bang reading na lang? Tapos sa Filipino lang? Paano mo tuturuan ng ibang subject, kung yung simpleng instructions, hindi nababasa at naiintindihan?"

"Pasalamat ka nga at least, nagbabasa na 'yan. Isipin mo yung ibang mga hawak ko sa klase, hanggang ngayong grade 2 na, baligtad pa ring isulat ang number 3."

Hindi naman papatalo si teacher Nhel diyan. "Ano ba usapan ngayon, daig kayo ng lola ko? Ano gusto n'yong simulan kong kuwento, yung sa grade 5 na hindi marunong mag-add at mag-minus o grade 6 na yung orange ginagawang green?"

"Teka naman, teacher Nhel, dahan-dahan sa pagsasalita! Sa 'min ni teacher Poleng ang balik n'yan. Asan na ba kasi ang teaching aids na pinangako sa 'tin this year? Baka naman amagin na tayo dito, hindi pa makarating sa 'tin."

"Sandali, naninibago yata kami sa 'yo teacher Meng. Karaniwan, ikaw ang pinaka-optimist sa ating tatlo. Ikaw yung hindi madaling sumuko. Laging may silver lining behind the clouds. Bakit parang may hugot ka na rin 'yata? Anyare?"

Bakit nga ba? Kahit mga bata sa klase n'ya, napapansin na ilang araw na s'yang masungit. "Wala, huwag n'yo na lang akong pansinin. Bukas, okay na 'ko. Pag naintindihan na ng mga estudyante ko kung ano na ang ibig sabihin ng 'The quick brown fox jumps over the lazy dog'."

"Ikaw naman pala Meng, gagamit ka lang ng example, mali pa! May nakita ka na bang fox dito sa Quezon?"

"Alam mo teacher Nhel, may tama ka! Buti pa ikain na lang natin 'to. Ano'ng mga baon n'yo?" Dito s'ya magaling. ang ibahin ang usapan pag napupunta siya sa hot seat.

Pinanood n'ya habang binubuksan ni teacher Poleng ang kanyang baunan. "Eto salu-salo tayo, laing na may dilis. Uy, teka bago tayo kumain. Nadaan ako ng barangay kanina. Kagagaling daw ni Kapitan sa munisipyo kahapon. May good news, mga sis! Madadagdagan na raw ang doktor sa bayan."

Ako'y Kasama Mo (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon