A/N: Kung nagtataka kayo kung sino si Doc Stacy, backread po tayo sa kabanata 21. Ika nga ni Brad Pete, basa!
Kung bakit siya lumitaw, hindi rin po ako na-orient. Nalingat ako ng isulat ito hehehe. Jowk!
----------------
Ano'ng mahahalikan? E kung sapakin kaya kita? Talaga naman, sa lahat ng isasama mo!
Labas tuloy sa ilong ang bati ni Doc Tisoy pero may konting gigil. "Chris, bro! Baki hindi ka man lang nagtext."
Samantalang pormal niyang inabot ang kamay sa naghihintay na kaharap nang pormang bebeso ito sa kanya. "Dra. Ocampo, this a surprise!"
"Sandaleee! Dra. Ocampo? Tama ba ang dinig ko? Stacy, bro. Stacy!"
"Oo nga, Doc Richard. Why so formal? Para namang wala tayong pinagsamahan na mga 36-hr shifts sa BCGH n'yan. You've just been away for what, 3, 4 months? Stacy, please. For old time sake?" There she goes with her sweet voice, lovely and serene as ever.
But not the same effect on him. "Of course, Dra. Stacy. Can I borrow my best friend for a while? Take a seat, we're just waiting for the ride that will take us to our first and incidentally our base barangay."
Inangkla niya ang braso sa leeg ng kaibigan at hinila ito sa gilid sabay ngiting labas lahat ng ngipin pati gilagid sa dating co-resident niya sa ospital habang palayo.
Nang sigurado siyang hindi na sila maririning ..."Ano'ng ginagawa mo Chris, bakit mo siya sinama? At bakit wala ka man lang pasabi?"
Inayos ni Doc Chris ang kuwelyo ng t-shirt niya. "Wait, wala muna bang pa-thank you d'yan? So I can reply, 'You're welcome?' Bakit galit ka pa yata? Diba 'yan ang plano mong ligawan dati? Ayan, palay na ang lumalapit sa manok, fresh from breakup! And don't worry, feeling ko hindi ka rebound. Tingin ko nainip lang maghintay sa 'yo si Doc Stacy kaya may sinagot na iba. Effective ang pagpamiss mo bro, if I may say so." Sabay kindat at may pasiko pa.
'Dati' is the operative word. Napahilamos siya ng mukha. Palay my foot! Malamang-lamang madadali ang pagkafriendzone ko kay Menggay nito!
"Ang dami mong sinabi, Chris. Sana tinanong mo muna 'ko kung okay lang! At walang thank you dahil hindi kita mahahalikan, masasakal kita! Sa lahat ng surprise mo, sinasabi ko sa 'yo, sablay ka dito."
"Uy bro, I can't believe it. Straight Tagalog ka na! Pero bakit nga? What's the problem? Kailangan n'yo ng mga doktor and here we are! Ang hirap sa 'yo, naturingan akong bestfriend mo, pero mula nang malipat ka dito ni ha, ni ho, wala!"
"Sorry na, bro. hindi mo lang alam kung ga'no kahectic ang schedule ng isang doctor to the barrio. Sila mama nga bihira ko na ring matawagan."
"Yun na nga! Kung di pa ko makikibalita sa mama mo at sa tita ko kung ano na pinagagawa mo dito, nganga! Tapos ganito ang salubong mo? Hurt ako, bro! It hurts!" Kumpleto ang reaksyon ni Chris kasama ang pagsuntok sa dibdib.
"Don't worry ikaw pa rin ang best friend ko. Basta ang sinasabi ko sa 'yo, kargo ko ang buong team. Pero tungkol kay Stacy, ikaw ang may kargo sa kanya!" For emphasis, nagwalk-out siya papunta sa health center to get his things and calm his mind at the same time.
Ang wrong timing kasi!
Not that he doesn't like to see his former colleagues and friends, pero ang wrong timing kasi. Not at this point of his personal life na hindi pa siya sigurado sa tayo niya kay Nicomaine.
Ngayon hindi tuloy niya alam kung sosorpresahin si teacher Meng o itetext ang pagpunta n'ya. Hindi naman niya puwedeng irequest kay Officer Oleth na sa team ni Doc Aga i-assign si Stacy at siguradong mahabang paliwanagan. Haay at isa pang haaay!
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
Fiksi PenggemarPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.