A/N: Ang lima, anim na oras na naging sampung oras. Bow. As usual po, mas malakas po ang tawag ng unan. Hindi pa nanggigising, tsk, tsk, tsk.
Sa mga sumunod na dalawang araw na pinapanood ni Meng ang pag-alis ng medical team sa umaga papunta sa ibang barangay at hindi man siya umamin ay pag-aabang niya sa pag-uwi nila, mas lalong kumukulimlim ang mga ulap.
Ulap ng pag-aalinlangan sa nararamdama ni Ricardo para sa kanya.
Oo, alam niyang tinatanong siya nito kay Nanay Ruby tuwing dadaanan nila sa umaga si Doc Stacy. Pareho ng pagtatanong nito kung bakit hindi siya nakikita pag inihahatid nila ang doktora pag-uwi sa hapon.
Sinisigurado kasi niyang wala na siya sa eskuwalahan pagbalik nila kung saan mang barangay sila galing. Paghatid nila kay Doc Stacy, nakakulong na rin siya sa kuwarto, busy na sa paggawa ng lesson plan o pagcheck ng test o kung anumang school project.
Dahil may kirot na malaman na ang tanging naikuwento niya kay Doc Stacy ay 'yung mga contest kung saan sila naglalaban nung high school, na competitive si Ricardo, nakababad sa library, yun na!
Dahil totoo naman na hindi sila naging close, na mas madalas ay nag-iiwasan sila. Alangan naman na sabihin niyang secret crush niya ang doktor nung high school. Asan naman ang pride niya doon?
Oo aaminin niya, naiinggit siya sa memories nila ni Doc Stacy. Sa mga kuwento nito nung nasa medical school sila, nung pareho silang resident sa Baguio City General Hospital, kung paano sila nagkakatulungan tuwing nagkakasabay sila sa 36-hour shift nila. Na ang nagustuhan niya kay 'Doc Richard' ay sa mga bagay na pinagkakasunduan nila. Hindi lang kirot, parang may pumupunit sa dibdib niya.
Sa loob-loob niya, naiinggit siya nang malaman niya kung paano nai-share ri 'Doc Richard' ang plano nitong magpakadalubhasa at makilala sa larangan ng surgery pagkatapos ng residency nito. Na gusto pa nitong mag-aral sa ibang bansa kung papalarin. Samantalang siya, engineer pa ang huli niyang alam na ambisyon ng binata. Asan ang hustisya?
Dahil 'yun ang totoo. Nganga siya pagdating sa mga plano ni Dok Tisoy sa buhay. Ano naman panama ng apat na taon nila sa high school sa ilang taon nila sa medical school plus internship plus residency. Puro plus walang minus.
Kahit pa sabihing hindi niya naging bestfriend si Doc Stacy, mas matagal silang nagkasama.
Ang tanong na lang ni Meng, bakit hindi na lang si Doc Stacy ang niligawan niya?
O kasama ba 'yon sa mga plano ni Ricardo at detour lang itong 2-taong stint niya bilang doctor to the barrio? Kung detour ang DTTB, ano na lang ang tawag sa kanya? Construction sign? 'Men at Work'?
Kaya ba sinabi nito okay lang na mabasted siya pagkaraan ng isang buwang 'ligawan'? Dahil may Doc Stacy naman na naghihintay sa kanya? May nalalaman pa siyang 'You inspire me?'
"Huy! Mamatanda ka riyan! Hindi ka bumaba tapos magmumukmok ka sa bintana! Teka, umiiyak ka ba"
"Po? Hindi ah! Napuwing lang siguro ako, Nay Ruby. Nakabasta na po ba sila Baby Amy at Totoy?" Sabay hilamos ng mukha sa tuwalyang hawak niya.
Kailangan na niyang maghanda pagpasok.
Sa ilalim sila ng isang puno katabi ng barangay hall nagkaklase ngayon, hindi puwede sa eskuwelahan sa utos na rin ni kapitan na baka sa paanuman ay mahawa ang mga bata sa kung anong virus na kumakalat.
"E bakit basa yang pisngi mo? Hindi naman umuulan. Haay naku, Menggay. Akala mo ba hindi ko napapansin? Iniiwasan mo si Dok Tisoy. Tanong nang tanong sa 'yo 'yung tao, iwas ka naman nang iwas."
![](https://img.wattpad.com/cover/153051056-288-k933731.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.