A/N: Haaay, at ito po ang eksenang hindi ko alam kung paano gagawin. Itinulog ko na pero nahirapan akong isulat. Literal na nagtatalo ang isip ko kung ano puwede nilang pag-awayan.
Balik-tanaw sa kahapon:
Hindi siya nakatulog ng Biyernes ng gabi matapos pansinin ni Nanay Ruby. Malalim na ang gabi at halos madaling-araw na ng Sabado ay nasa may pasimano pa rin siya ng bintana. Overthinking na naman.
Ipaglaban? Ano'ng ipaglalaban?
Selos? Ako magseselos? Magkaintindihan muna tayo sa ibig sabihin ng selos.
At dahil teacher ako, para makasigurado, gumamit po tayo ng dictionary, Cambridge dictionary.
Okay, seryoso ako. Jealousy in English. Naman! Kung ito unang meaning na mabubungaran mo 'the act of being jelous'. Maraming salamat, maliit na bagay.
Okay, fine! Sundan ang mapa, tingnan din ang meaning ng 'jelous'– aba at may pa-multiple choice:
a. Unhappy and slightly angry because you wish you had someone ele's qualities, advantages or success
b. Fearing that someone you love loves someone else or is loved by someone else
c. Very careful to protect someone or something
Tumingin siya sa labas ng bintana pagkasara ng dictionary.
Puwede bang yung letter c na lang kasi 'careful' lang ang sinabi, at puwede ring doon tayo sa something at hindi 'someone'?
Sigurado ring hindi letter a. Oo pareho kaming bata ang hinahawakan ni Doc Stacy, pero masaya ako sa pagiging teacher. At marangal ang propesyon ko.
Yun namang letter b: natatakot na yung mahal ko ay interesado o may mahal or minamahal ng iba'. Ibig sabihin, mahal ko na siya dahil naiinggit ako sa panahong baging magkasama sila? Natatakot ako na baka mawala siya? Mahal ko na ba? Diba dapat puso ko ang magsasabi no'n at hindi isip?
Pero sa isang banda, sabi rin nila na ang selos ay hindi tanda ng pag-ibig, kungdi ng insecurities mo sa buhay. Very wrong.
So meron bang tamang selos sa buhay? Sa patay kaya? Haay, ang corny mo Menggay.
Subali't, datapuwat't dahil nga nasaling siya ng mga salita ni Nanay Ruby, minabuti niyang patunayan na okay lang siya. Na hindi selos 'to. Kasi, mukhang maayos naman na tao si Doc Stacy.
Kaya Sabado ng umaga, hindi nagmukmok sa kuwarto si Meng. Katunayan, naghanda pa siya, mula sa puso, ng almusal para sa kung sinoman ang susundo kay Doc Stacy dito sa bahay. Oo, si Doc Stacy na kasalukuyang naliligo ngayon sa banyo.
Siyempre, lahat nang hinanda ko ay hula kong paborito ni kuwan, alam n'yo na yon, dahil paborito ko rin. Sinangag na maraming bawang, piniritong itlog at tapa na dinayo niya nang ke-aga aga kay Nanang Pacita.
Samahan mo pa ng mainit-init pa na gatas ng kalabaw courtesy of Maganda. Sahugan mo pa ng nilagang sariwang gulay na bagong pitas sa taniman ni Nanay Ruby. Winner na winner. Meron ba nito sa Baguio? Pero magkalinawan lang, wala akong pinaglalaban. Simpleng almusal lang 'to.
Biglang may kumabog sa dibdib niya nang marinig niya ang pamilyar na boses galing sa pintuan.
"Tao po! Magandang umaga po! Magandang umaga, Nicomaine." Yun lang ang bati at iba na ang hinanap. "Ready na ba si Stacy?"
Nicomaine. Stacy. Bakit ang pormal? Okay lang ako. Gandahan mo ang ngiti, Menggay. "Magandang umaga din sa 'yo, Doc Tisoy. Este Doc RJ pala. RJ ang tawag ni Doc Chris sa 'yo diba? Asan pala siya? Hindi mo yata kasama?"
BINABASA MO ANG
Ako'y Kasama Mo (Ongoing)
FanfictionPaano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan o pag-ibig? Muli, salamat kay @heartastoria sa magandang book cover.