Chapter 6
Gentle Hope
ZIE
"Lagi niyong tatandaan na laging nasa bingit ng kamatayan ang bansa natin. Marami bansa na ang nagtangkang sumakop sa atin ngunit paano natin sila natalo? Dahil iyon sa pagkakaroon ng magandang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Isang sistema na ipinapatupad ng Academy na ito." seryosong wika ni Professor Yuki sa amin.
Jusmiyo santisima trinidad! Tama ba ang naging desisyon ko? Tama ba na harapin ko ang problema ko ngayon? Iie, hindi na. Wala nang oras upang tumakas ako sa pagsubok na 'to. Bahala na kung mapahiya ako sa harapan ng mga kaklase ko. Sana lang kahit papaano ay kumalas na sa akin ang kamalasan ko. Sana huwag akong matawag dahil oobserbahan ko muna kung anong gagawin ng mga kaklase ko.
"Lagi niyong isaisip ang motto ng Bloodstone Academy. Go beyond, surpass your limits."
Go beyong? Surpass your limits? Paano ko naman gagawin iyon kung hindi ko man nga lang alam kung paano magpalabas ng anumang katiting na mahika sa kamay ko. Ang kaya ko lang ipalabas sa katawan ay ang puting likido na nanggagaling sa ulo ko sa ibaba, liban doon ay wala na. Nakaka-stress! Unang araw ko pa lang sa mundong ito kung anu-anong pangyayari na ang naranasan ko.
Sa ngayon hindi ko pa maintidihan ang motto na iyan pero nangangako ako na balang araw ay malalaman ko rin ang tunay na ibig sabihin nyan. Mukha lamang siyang simple ngunit alam ko sa sarili ko na may malalim pang kahulugan 'yan. Napabalik na lamang ako sa realidad nang muling magsalita si Professor Yuki.
"You will be called alphabetically."
Para namang may lumabas na kung anong steam o usok sa katawan ko. Biglang nawala ang lahat ng kaba ko. Tumigil na rin ang panginginig ng malalamig kong palad. Salamat naman at naiwan ko na sa Pilipinas ang sumpa ng kamalasan. Salamat naman at hindi ako ang mauuna ngayon. Gagamitin ko ang oras na ito upang pag-aralan ng mabuti ang gagawin ng mga kaklase ko. Gagamitin ko ang nalalabing minuto upang makaisip ng strategy at tactics sa assessment test na ito.
Naging mabilis na ang pangyayari, may isang remote control na hawak si Professor Yuki na naglabas ng anim na dummies umusok muna ang paligid na parang epekto ng controller na iyon. Iyong dummies na iyon ay kamukhang-kamukha niya at kasing katawan niya. Para bang mga clones niya. Naka-stationed niyo siguro ilang metro ang layo sa bawat ito.
"Sa first station ay ang Physical Power Test. Ano mang Physical Attacks ang maaari niyong itira sa kanya ng isang beses. I-memeasure nito kung gaano kayo kalakas Physically. Maaari niyong i-enhance ang inyong physical attacks ng inyong taglay na mahika." pagpapaliwanag ni Professor Yuki.
Nagtanguan naman ang mga kaklase ko na talagang mukhang naiintindihan nila ang ipinapaliwanag niya. Napalunok ako, physical attack naman iyon ah? Bakit kailangan pang i-enhance ng mahikang taglay. Hindi ba pwedeng normal na suntukan na lang?
"Sa second station ay ang Defense Power Test. Aatakihin kayo ng dummy na iyon physically and magically. I-memeasure nito ang inyong physical at magic resistance. Maaari niyong gamitin ang inyong mahika to strengthen your defense."
Bigla akong nakaramdam ng kung ano mang kuryente sa aking likod? A-ano? Aatakihin kami ng dummy na iyon physically at magically? Ano na lang ang gagawin ko? Nakaka-stress, saluhin ko na lang kaya o ipang depensa ko na lang ang mga braso ko? Tutal wala rin naman akong magagawa dahil wala akong alam na kahit isang spell.
"Sa third station ay ang Agility Power Test. May dalawang parte ito, una ang pag-atake niyo sa dummy physically or magically. I-memeasure nito kung paano kabilis ang inyong offensive speed. Ang panghuling parte ay ang aatakihin kayo physically or magically ng dummy. I-memeasure naman nito ang inyong defensive speed. Maaari niyong gamitin ang inyong mahika upang i-increase ang inyong speed limit."