Chapter 19: Shadow Art

962 83 4
                                    

Chapter 19

Shadow Art


ZIE


"Ano bro? Hanggang sa susunod na training regime natin? Marami pa akong ituturo sa'yong mga techniques. Una na ako." nakangiting wika ni Tom at dali-daling kaming iniwan ni Grace sa loob ng training room.

Huminga ako ng malalim dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang pagsakit ng mga daliri ko. Kahit papaano ay alam ko na ang basics sa pagkontrol ng mahika ko, marami pa rin ang nag-backfire sa akin. Hindi naman kasi isang pitik lang ay makakaya ko nang kontrolin ito. Kung ako ay papunta na, silang mga nag-ttrain at sumusuporta sa akin ay nakabalik na ng ilang ulit pa.

Sabi nga ni Mika ay napaka-late bloomer ko. Totoo naman kasi 'yun, talagang late bloomer ako kasi ngayon ko lang nadiskubre ang mahikang taglay ko. Labing-limang taon akong nanatili sa Pilipinas sabi ng matanda este ng Lolo saka naka-seal daw ang mahika ko upang hindi lumabas habang nasa mundo ako ng mga normal.

"Z-zie... Gamutin ko muna ang mga daliri mo. M-may susunod ka pang training ngayon. B-baka pumasok na 'yung trainor mo sa Agility Training Regime." malumanay at nahihiyang saad ni Grace na nasa tabi ko na pala.

Tumango na lamang ako at nagbalat muna ng strawberry cream flavored lollipop. Nag-cast si Grace ng isang healing spell at nilagyan na niya rin ito ng benda. Mamaya ko na iinumin after ng training na 'to ang concocted energy drink ng tropa ni Grace na si Dex. Hmmm, nag-iisip tuloy ako kung ano ang behavior o personality ng Juno na magiging trainor ko ngayon.

Hindi kaya totoo ang sinabi ni Ki na cold-tempered ang babaeng 'yun? Hindi ko pa kasi nakitang pumasok 'yun sa klase kaya hindi ko kilala ang itsura niya. Sana kasing smooth lang siya ni Ki at Tom at hindi kasing terror ni Mika.

"U-uminom ka muna ng tubig. B-baka ma-dehydrate ang Mana mo." dagdag pa ni Grace at iniabot sa akin ang isang tumblr ng tubig.

Nakalipas ang ilang minuto at mag-aalas siyete na ng gabi. Nagkukwento sa akin si Grace ngunit wala sa kanya ang atensyon ko. Pinagmamasdan kong mabuti sa labas ng pader na salamin ng training room. Kitang-kita doon ang malaking buwan na pinalilibutan ng mga kumikinang at maliit na bituin. Nakaka-relax talagang titigan ang buwan. Nagbibigay ito sa akin ng peace of mind at calming effect.

"Z-zie? A-ayos ka lang?" rinig kong tanong sa akin ni Grace.

Tumango ako at nanatiling pinagmamasdan ang magandang buwan. Ano bang mayroon sa buwan na ito at hindi ko man lang mai-alis ang tingin ko dito. Para bang kinukuha ako nito.

"K-kung mag-training kaya muna tayo ngayon? T-tutulungan kita." suwestiyon ni Grace.

Napagdesisyunan namin na mag-training muna lalo na sa pag-kontrol ng aking mahika. Muling ipinaliwanag sa akin ni Grace ang mga techniques na sinabi sa akin ni Tom kanina. Hindi naman pala masamang maging trainor din itong si Grace. Marami rin siyang binigay na tips sa akin. Akala ko ang pag-suporta sa akin lang ang kaya niyang gawin, pati pala ang pagtuturo.

Nakakatuwa kasi mas natututo ako kapag ang way ng pagtuturo ay positive reinforcement. Ibig sabihin, mas mabilis tayong matuto kapag maayos ang pakikitungo sa atin kahit na marami na tayong nagawang mali. Halimbawa, binibigyan ka ng reward ng mga magulang mo kapag nakakapasok ka sa top 10 sa school. Ang negative reinforcement naman ay ang way ng pagtuturo na masyadong strict. Isang halimbawa na nagkakaroon tayo ng punishment mula sa mga magulang natin kapag hindi tayo nakakapasok sa top 10 sa school.

Hanggang dito pala ay magagamit ko ang mga natutunan ko sa aking kursong Psychology. Ilang minuto ang lumipas ay nagpatuloy kami sa pag-ttraining ni Grace. Kahit papaano ay nagagamay ko na ang paggamit at pagkontrol sa mahika ko pero marami pa rin ang pumalpak at nag-backfire sa akin kaya muli kong naramdaman ang nananakit ng mga daliri ko.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon