Chapter 29
Take Over
ZIE
"Owaridesu. Mind Invasion Magic: IQ Blackout..." sarkastikong saad ko sa kanya.
Mabilis kong ibinato sa kanya ang isang small pinkish white light bolt na mula sa dulo ng mga daliri ko. Wala pang ilang segundo nang marating nito ang kinatatayuan ni Zephyrus nang ilagan niya ito.
Napangiwi naman ako dahil hindi ko inaasahan ang pagiging agile niya. Maganda ang reflexes niya at smooth niyang naiwasan ang liwanag na ibinato ko sa kanya. Ibang-iba talaga ang pakikipaglaban kapag totoong tao ito. Malaki ang pagkakaiba niya kaysa sa mga dummies. Masasabi kong bihasa sa ganitong larangan si Zephyrus. Hindi nga ako nagkamali sa mga reviews ko sa kanya.
Hindi pa ako nakaka-recover mula sa mabilis na pag-iwas na ginawa niya nang mapansin kong mabilis itong tumakbo papalapit sa kinatatayuan ko. Kung nitong nakaraan ay matalim niya akong tinititigan, ngayon naman ay animo'y pinapatay na ako ng mga mata niya. Naniningkit ang kanyang kulay dark-red na mga mata na handa talagang pabagsakin ako ngayon.
Huminga naman ako ng malalim at nanatiling nakatayo sa posisyon ko. Agad kong nilagay ang aking puwersa patungo sa aking mga daliri at inisip ang spell na gagamitin ko. Hindi ko na hahayaan na maiwasan niya pang muli 'to.
"Mind Invasion Magic: Mental Imprisonment." mahinang bulong ko sa aking sarili.
Wala pang isang segundo ang lumipas nang muling magliwanag ang dulo ng aking pinagdikit na daliri. Muli itong naglabas ng kakaibang tunog na animo'y isang na-gground na kuryente. Pinagmasdan ko nang mabuti ang katawan ni Zephyrus na papalapit na sa akin.
Nang halos isang dipa na lamang ang layo niya sa akin ay doon ko mas lalong napagmasdan ang mukha niya. Kitang-kita ko na punong-puno ito ng panggigigil at galit sa akin. Hindi pa rin siguro siya maka-move on doon sa ginawa kong pagtadyak sa kinabukasan niya. Hindi siguro ma-process ng ego at pride niya na hindi siya kailanman magiging hari ng anumang teritoryo, katulad na lang ng paghahari-harian daw niya kuno sa Bloodstone Academy. Sobrang nakakahiya naman sa mga seniors namin dito.
Agad kong itinutok sa kanya ang aking mga daliri na parang isang baril at mabilis kong ibinato ang bala nito na gawa sa kulay pinkish white na liwanag. Napangisi ako nang makita kong naglakbay ng mabilis sa ere ang small pinkish white light bolt na spell ko ngunit agad din na nabura ito dahil biglang nawala sa aking harapan ang katawan ni Zephyrus kaya nagtuloy-tuloy ang aking spell at naglaho na lang ng marating nito ang hangganang layo niya.
"N-nani?"
Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang pigura sa kanang bahagi ng katawan ko kung saan nakaamba na rin ang kanyang kamao niya na labis kong ikinagulat. Ang kanyang kamay ay nababalutan ng isang color gold na gauntlet na matutulis ang dulo habang ang kanyang braso naman ay nababalutan ng itim na kaliskis. May kung anong itim na aura at usok pa ang lumalabas sa paligid nito na siyang kinataas ng mga balahibo ko.
"K-kisa..." wala sa sariling saad ko nang maramdaman kong lumapat ang kanyang kamao sa gilid na tadyang ko.
Nakita ko na lang ang sarili kong lumilipad habang hindi ko maiwasan na masuka na may halong dugo ang kasabay kong lumipad din sa ere. Napabalik na lang ako sa aking katinuan nang lumapat ang katawan ko sa malamig na semento ng podium. Agad kong pinagmasdan ang katawan ko na napakalapit na sa guhit ng podium.
Rinig ko ang pagsisigawan ng mga kaklase ko sa labas ng podium na para bang natutuwa sila sa pagsasabong namin ni Zephyrus.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganoon na kalakas na suntok sa buong buhay ko. Hindi normal 'yun, para bang na-enhance ang kanyang physical attack gamit ang mahika niya. Mas nag-rerely talaga siya sa kanyang pisikal na aspeto. Kaya kailangan kong sabayan ang kilos niya. Dahan-dahan naman akong tumayo dahil ayaw kong mag-start akong bilangan ni Professor Yuki. Agad kong pinunasan ang dugong tumulo sa baba ko at idinura sa gilid ang tirang dugo sa bibig ko.