Chapter 5

1.9K 284 40
                                    

Chapter 5

Will Power


ZIE


Bulung-bulungan pa rin ako ng aking mga kaklaseng lalaki nang makita nila ang komosyon namin ng isang binatang napaka-importanteng late na pumasok. Wala naman akong pakialam kung siya ang Anak ng Presidente ng Academy na ito. Huwag niya lang sasagari ang pasensya ko, pasensyahan na lang talaga at baka kung anong kababalaghan ang magawa ko sa kanya.

Nagpatuloy kami ni Ki sa pag-akyat sa 5th floor ng building dahil doon kami pinapapunta ni Professor Yuki sa isang Training Room doon. Tahimik naman ang katabi ko at wala rin balak magtanong kung anong nangyari sa akin kanina sa locker room. Nauna kasi siya sa akin at maghihintay na lang daw sa labas kaya hindi niya nakita ang pagkainis ng hambog na binatang iyon.

"Nandito na pala tayo." mahinang sabi ko sa aking katabi nang makita namin ang isang sign board sa gilid na may class section namin at may nakalagay kung sino ang Professor na gumagamit ng Training Room.

Nag-tap lang ng ID sa isang censored metal plate at agad naman na bumukas ang pinto. Bilang lang sa daliri ang mga nakita kong kaklase habang si Professor Yuki naman ay prenteng nakaupo sa ibabaw ng teacher's table. Kinuha ko ang pagkakataon upang pagmasdan ang buong paligid. Ang taas ng ceiling ay para bang sinakop na nito ang isang palapag sa itaas. Ang lawak naman ay parang pinagsama-samang classroom sa Unibersidad na pinapasukan ko sa Pilipinas. Gawa sa makintab na puting marmol ang sahig. Ang gilid nitong pader ay gawa sa salamin kung saan makikita ang labas na bahagi ng Academy.

Nabalaik na lamang ako sa realidad ng may maramdaman akong kumalabit sa akin. Agad kong nilingon kung sino iyon. Kitang-kita ko sa kulay ginto niyang mga mata ang pag-aalala. Mukhang nakarating na rin sa kanya ang komosyon na nangyari sa locker room kanina.

"A-ayos ka lang ba Zie? M-may ginawa ba siya sa'yo?" nahihiya at nauutal na tanong sa akin ni Grace habang nagkukutkot ng kanyang mga kuko.

Ngumiti ako ng pa-inosente "Oo naman, okay lang ako. Wala namang nangyaring masama sa akin."

Tumango na lamang siya at mabilis din na umalis sa harapan ko. Para saan ang isang iyon? Bakit kailangan niyang mag-alala sa akin? Hindi ko maiwasan na matawa sa aking isipan. Magkaibigan ba kaming dalawa kaya siya nagkakaganyan? Oo nga pala, nagkukunyri akong nakikipagkaibigan sa kanya.

Seryosong-seryoso ang mukha ni Professor Yuki. Pagtingin ko sa aking relo, saktong sampung minuto. Katulad ng sinabi niya pero hindi pa rin nagdadatingan ang iba kong kaklaseng mga babae. Hindi pa ba ako magtataka? Karamihan sa mga babae ngayon ay ang tatagal kumilos. Magpapalit lang ng damit kung anu-anong ritwal pa ang ginagawa. Dalawang babae lang ang nasa training room ngayon, si Grace at iyong bago niyang kaibigan na mukhang bookish dahil may dalang makapal na libro.

Sampu lang kaming magkakaklaseng nasa loob. 'Yung binatang pinagbantaan ako kanina ay wala pa rin. Hindi ko maiwasan na matawa, si Professor Yuki ay isang tipikal na terror Professor na nakakasalamuha ko nag-college ako. Mauubos na rin ang pasensya nyan at hindi na 'yan magbibigay pa ng grace period. Huhulaan ko, sasaraduhan na niya ng pinto ang bagong dating at hindi na papapasukin pa sa activity na gagawin natin ngayon.

"Pakisara naman ang pinto." seryoso at baritonong paki-usap ni Professor Yuki sa isa kong kaklaseng lalaki na malapit sa pinto ng training room.

Sinasabi ko na nga ba at ito ang mangyayari, mabuti na lang talaga at mabilis akong kumilos. Kailangan maging behave ako ngayon para hindi niya ako mapansin sa klase niya. Ayaw ko kasing napupunta sa akin ang atensyon ng mga Professor. Nagbulungan ang iba kong kaklase sa ginawa ni Professor Yuki. Hindi pa ba nila inaasahan ito? Sinabi niya na wala na kami sa Highschool so kailangan umakto na sa amin estado sa paaralan ang aming ginagawa. Kung noong highschool pa sila ay pupwedeng ma-late sa klase, ngayon college na ay ibang usapan na iyon. Hindi naman nakaka-culture shock dahil in the first place ay college student naman na talaga ako.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon