Chapter 1

3.8K 336 107
                                    

Chapter 1

New World

ZIE

"Good Morning, Mahal kong Apo..." rinig kong saad ng isang boses ng matanda sa hindi kalayuan kaya agad akong nagmulat ng aking mga mata.

Mabilis kong nilingon ang buong paligid. Nasa loob ako ng isang magara at modernong kwarto. Halos mapabangon ako sa aking pagkakahiga sa malambot na kama ng makita ko ang isang matandang na mukhang nasa early 60's na dahil karamihan sa kanyang buhok ay kulay puti na. Pinanliitan ko siya ng mga mata habang dali-dali kong ikinuyom ang aking kamao.

Sino itong nag-kidnap sa akin? Jusmiyo santisma trinindad! Wala akong pera na pang-tubos o ransom sa sarili ko. Jusko naman! Sa dami rami ng tao sa buong Pilipinas na kikinappin nila ako pa talaga na isang hamak na hampaslupa lamang? Teka?! Nasaang lugar ba ako? Ano ba iyong nangyari noong nakaraan?

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang aking ulo dahil bahagyang sumakit ang aking sintindo. Bakit wala akong maalala sa nangyari nitong nakaraan. Para bang bigla na lang akong gumising sa isang pagkahaba-habang pagtulog. Ang tanging naalala kong huling nangyari ay ang pumasok ako sa aking Japanese Class matapos kong mag-duty. Wala na akong maalala pa sa mga sumunod na nangyari.

"Ang laki-laki mo na Apo, kamukhang-kamukha mo ang iyong Ama." rinig kong muling saad ng matanda na nakaupo sa isang magarang upuan na gawa sa kahoy na nasa kaliwang bahagi ng malaking kamang kinahihigaan ko.

Umismid ako "Ha? Lolo kita? Apo mo ako? Ayos lang kayo?" natatawa ngunit may diin na sagot ko.

Hindi ko maiwasan na matawa sa aking isipan. Bakit naman ako magkakaroon ng Lolo? Ni hindi ko nga nakilala ang mga ito. Sa anong pinagsasabi nitong magkamukhang-magkamukha kami ng aking Ama? Ang dami ngang nagtatanong sa akin noon kung ampon lang daw ba ako dahil hindi ko raw nakuha ang mukha ng mga magulang ko.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilapit ito sa kanyang mukha "Ikaw na lang ang mayroon ako. Mabuti na lamang ay ibinalik ka na sa akin -----" bago niya pa maituloy ang kanyang sinasabi ay mabilis kong tinabig ang kanyang kulubot na mga kamay.

Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Bahagya kasing napabuka ang kanyang bibig sa aking ginawa. Hindi ko naman siya masisisi pero hindi niya rin ako masisisi kung bakit ko ginawa iyon. Hindi ko nga kilala itong matandang 'to tapos may kadramahan pang pahawak-hawak ng kamay. Aba! Mukhang may something ito ah, ang sarap iyang i-diagnose.

"Manong, uuwi na po ako at ako'y may pasok pa. Bakit naman sa dinami-rami ng tao sa Pilipinas ako pa ang na-tripan niyo?" nagtatakang saad ko at mabilis na tumayo sa kama.

Pansin ko ang pagguhit ng pagtataka sa kanyang mukha. May kakaiba ba sa sinabi ko? Alam ko na, siguro na-realized na niya na may something siya sa pag-iisip kaya niya ako na-kidnap. Wala siyang mahuhuthot sa akin, pang-tuition ko nga na ipinipili ko pa sa government agencies para lang makapag-aral ako. Nagtatrabaho ako ng matiwasay sa isang fast food chain at madalas sumideline sa mga dubbing sessions ng mga Anime at KDrama para lang may pangtustos ako sa aking pang araw-araw kong pamumuhay.

"Hindi mo naaalala ang ma nangyari?" gulat na tanong niya.

Pinanliitan ko siya ng mga mata habang nakakunot ang aking noo "Ang alin? Iyong pag-kidnap niyo sa akin. Aba! Syempre naman! Baka kung anong ipinaamoy niyo sa akin kaya ako nakatulog ng mahimbing. Malamang sa alamang wala talaga akong maalala." inis at sarkastikong pambabara sa kanya.

Napansin ko ang kanyang mariing paglunok sa aking sinabi. Para bang nagtitimpi lang siya sa akin kanina pa dahil sa mga piangsasabi ko sa kanya. Ayos na rin ito saka kung mamamatay ako ngayon dahil wala nga akong pang-ransom sa sarili ko ay mabuti na rin na mabara-bara k siya kahit papaano. Mamamatay akong may ngiti sa aking mga labi.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon