Chapter 31
Revitalized
ZIE
Tatlong linggo na ang lumipas matapos ang laban namin ni Zephyrus noong Midterm Exams. Halos isang linggo akong baldado at dalawang linggong naka-hospital arrest dahil na rin sa utos ng matanda este ng aking Lolo matapos niyang malaman ang nangyari sa akin. Himala nga't dinalaw ako for the first time. Kung hindi pa ako madidisgrasya't lahat-lahat hindi pa ako pupuntahan.
Minsan hindi ko makuha ang pinupunto niya sa buhay. Gusto niya raw iparamdam sa akin ang pagmamahal na hindi raw naibigay ng mga magulang ko sa akin. Jusko, ni hindi nga tumatuwag sa akin kung kamusta ba ako rito sa Bloodstone Academy. Ni hindi nga niya alam ang mga paghihirap ko sa Academy na ito. Kaya naiinis ako, mabuti na lang talaga at sanay akong independent.
Puro lang naman siya salita, kulang naman sa gawa. Nakakainis talaga ang mga ganyang tao. Hindi ko alam kung nagpapakaplastik ba o nagpapahipokrito. Hindi ko talaga mukha logic niya. Mabuti na lang at hindi ako naghahabol sa kung anong meron siya. Kung hindi pa ako sapilitan na napunta rito sa mundong 'to hindi niya pa ako makikilala.
"Ang dami ko nang na-miss sa lectures sa klase. Kawawa nanaman ako nito sa mga bagong activities. Nakakainis, nanghihinayang ako sa tatlong linggong nawala sa sistema ko. Pupwede pa akong mag-training ng magic magic ko." inis na saad ko sa aking sarili habang inaayos ang pulang checkered necktie sa aking white long sleeves na emblem ng Bloodstone Academy.
Lunes ngayon at ito ang unang araw kong papasok muli matapos akong ma-hospital arrest ng sapilitan. Oo naiintindihan kong hindi ko pa talaga kayang pumasok noong unang linggo dahil makirot pa rin ang tadyang saka bungo ko. Talagang gusto akong patayin ng hayop na Zephyrus na 'yan. Naalala kong binalita sa akin ni Ki na nakatikim ng matinding parusa si Zephyrus sa nanay niyang si Tita Sushmita, ang current President ng Bloodstone Academy.
Ito kasing nagmamagaling na matanda este na Lolo ko ay gusto pa raw akong pag-obserbahan ng dalawa pang linggo. Buryong-buryo ako sa loob ng aking kwarto sa hospital. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang manood at manood at manood ng mga walang kwentang palabas sa mundong 'to. Matutuwa pa sana ako kung makakapag-music video marathon ni Tayluficer kaso hindi eh.
Nagulat ako kasi feeling concerned na concerned sa kalagayan ko. Napapamura na lang talaga ako.
"Zie, hindi ka pa ba tapos dyan? Baka naman ma-late tayo nito at napakatagal mong kumilos. Aba! First day mo pa lang babalik sa Academy late ka na. Ahahaha." tatawa-tawang sigaw ni Ki sa harap ng aking pinto habang kumakatok-katok ito.
Napaismid ako bago magsalita "Ikaw Lordenn, huwag mo nang dagdagan ang inis ko. Oo na, oo na at lalabas na ako. Himala nga't hindi ikaw ang late kumilos sa ating dalawa." inis na sagot ko.
Nang makarating kaming dalawa ni Ki sa classroom agad akong sinalubong ni Tom na ngiting-ngiti naman na akala mo ngayon lang ako nakita eh kahapon nga nakatambay silang dalawa ni Ki sa kwarto ko sa ospital kasi wala raw silang magawa kaya binisita na lang ako.
"Musta na Bro? Talagang pumasok ka na talaga." kalmado at mahinahon na saad niya.
Tumawa ako ng mahina "Anong akala mo sa aki? Baldado? Tatlong linggo kaya ako nakakulong sa kwartong 'yun. Ang dami ko nang na-miss na lessons pati trainings. Hindi ko alam kung paano na ako makakahabol. Mag-iisang buwan na since nagsimula ang finals." seryoso ko naman na sagot sa kanya.
Tinapik ni Ki ng mahina ang balikat ko "Ikaw naman napaka-seryoso mo sa pag-aaral! Ayaw mo nun, exempted ka sa ilang quizzes natin. Ako nga rin nagtataka at nagtagal ka ng tatlong linggo sa ospital. Ni hindi ko man lang nakitang bumisita sa'yo ang mga magulang mo." puno ng pagtatakang dagdag ni Ki na siyang ikinagulat ko.
