Chapter 10
Pain
ZIE
"Ano ba 'yan. Umang-umaga ang lakas nanaman mang-badtrip nitong si Leichtenstein. Hanggang ngayong college ay puro pambubully ang alam. Palibhasa kasi malakas ang kapit dito at kakaiba ang mahikang taglay kaya kung makaasta akala mo kung sinong santa-santita." rinig kong bulong ng isa kong kaklaseng babae sa ibaba habang pinagmamasdan ko ang labas na bahagi ng Academy.
"Oo nga eh, feeling bratinela nanaman si Ate Gurl. Hyper nanaman at mukhang nakawala sa kanyang hawla. Naghahasik nanaman ng lagim ang demonyitang 'yan." sagot ng kausap niya.
"Korek ka dyan gurl. Mukhang nasaniban ng masamang espiritu. Charot lang baka marinig pa tayo."
Hindi ako pamilyar sa pangalan niya. Lunes na at siya siguro 'yung kaklase kong pa-importante na hindi raw pumasok nitong first week ng klase. I beg to agree sa sinabi ng babae sa ibaba ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit laganap hanggang dito ang bullying. Nasa college na ang nasa loob ng classroom na ito. Basically, ang range ng edad ay nasa 15-17 dahil kami ay mga freshmen pa lang.
Kapag nasa ganyan edad na ay dapat unti-unti na rin na nagbabago ang personality at behavior ng isang tao. Well, naalala ko nga pala na ang maturity ay wala sa edad. Hindi naman kasi porke dalaga na ay kailangan matured na kaagad. Isang example ang babaeng tinutukoy nila. Hindi pa ata nakakahanap ng katapat kaya ang lakas ng loob mang-bully.
Agad akong napalingon sa kabilang direksyon ng classroom nang makarinig ako ng komosyon. Kitang-kita ng mata mata ko kung paano binuhusan ng isang babaeng may mahabang buhok at balingkinitan ang katawan ang ulo ni Grace ng isang mainit na kape. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Grabe! Ang lakas ng loob niyang magbuhos ng mainit na kape sa isang tao!
"You deserved it bitch. Bastos ka kasi, kanina pa kita pinapaalis sa upuan mo. Don't you know me? I'm the Queen of this Academy. Isaksak mo sa kokote mo ang pangalan ko." malditang wika nito habang dinuduro-duro ang sintindo ni Grace.
Pakiramdam ko ay malalaglag na ang panga ko sa sahig nang mabilis na pumula ang mukha at leeg ni Grace dahil sa paso ng mainit na kapeng ibinuhos sa kanya. Bigla kong naalala ang ginawa sa akin ng isa ko pang kaklase hambog na Hari daw ng Academy na ito dahil Anak daw siya ng Presidente ng Academy. Hindi naman ako umimik at nanatiling nanood sa gagawin nila.
Laking gulat ko nang may isang babaeng may mahaba rin na buhok ngunit kulay reddish brown ito na sinamahan nang nakaka-intimidate na kulay red orange na mga mata. Mabilis niyang tinadyakan ang likod nung babaeng nagbuhos ng mainit sa kape sa ulo ni Grace. Napanganga ako ng tuluyan ng bumulusok ang katawan ng babaeng iyon sa kanto ng isang table.
"How could you-----" impit na hiyaw ng babae.
Hindi pa natinag ang isa at mabilis na lumapit sa hindi makatayong katawan ng babae at kinuwelyuhan ito. Kitang-kita ko ang panlalaki at paninindak sa tingin niya. Ngayon ko lang nakita ang babaeng ito, baka isa rin siya doon sa madalas ma-late sa klase kaya ngayon ko lang siya napansin.
"Hindi ka na talaga nadala no? Hanggang kailan ka aakto ng ganyan? Bobo ka na nga kung anu-ano pang kagagahan ang ginagawa mo." nanggigigil na wika ng babae habang mariin na kinukwelyuhan ang babaeng hindi makatayo sa lakas ng pagkakatadyak sa likod niya.
Pakiramdam ko nga ay parang nabali ang kanyang spinal column sa lakas ng babaeng may mapulang mga mata. Nakakatakot pala ang babaeng 'to. Sa kabilang banda naman ay dinala ng iba kong kaklaseng babae ang palabas ng classroom si Grace. Ang President namin ay mukhang pumunta sa Disciplinary Office upang i-reklamo ang pambubully nitong babaeng ito na nakalampaso sa sahig. Habang nagsisigawan at nagbabatuhan naman ng mga barya ang iba kong kaklaseng lalaki na animo'y nanonood ng isang sabong. Ang ibang babae naman ay nagbubulungan lang at ako ay nanonood lang sa susunod na gagawin nila.
