Chapter 16: Chosen One

961 96 2
                                    

Chapter 16

Chosen One


ZIE


"A-ang galing mo talaga Zie kahapon! A-alam mo ba 'yung nangyari? H-habang naglalakbay ka sa espirituwal na mundo naglalabas ng isang bluish white at pinkish white na aura! N-ngayon lang ako nakakita ng isang mahika na may dalawang correspondent na kulay!" nauutal at nahihiya ngunit masayang saad ni Grace habang sabay kaming naglalakad sa hallaway papunta sa aming classroom.

Tumawa ako ng mahina "Hindi ko rin inaasahan na ganun ang magiging resulta ng paglalakbay ko. Hindi ko rin sinasadya na masira ang karamihan sa gamit ng training room dahil sa paggising ng mahika ko. Baka mamaya may magsimula na akong mag-train ng mahika ko." pa-inosenteng sagot ko habang kinakamot ang aking ulo.

Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang katawan ko sa nangyari. Malinaw na malinaw pa rin sa aking memorya ang bawat pangyayaring nasaksihan ko habang naglalakbay ako sa espirituwal na mundo. Pagkagising ko mula sa aking paglalakbay ay nakita ko na lang ang aking sarili na nag-eemit o naglalabas ng kakaibang enerhiya o aura. Kulay pinkish white ito, tulad ng kulay ng mga mata ng babaeng nakita ko at kulay bluish white na tulad naman ng sa lalaki.

Ang ipinagtataka ko pa rin ay bakit naging isa silang dalawa saka sa dinami-rami naman ng paggagayahan talagang ang itsura ko pa ang magiging basehan nila? Totoo nga ang sinabi ni Tom na makakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo, matapos lang ang ilang segundo nang magising ako ay pakiramdam ko ay nasa level 10 ang migraine ko. Muntik na nga akong mahimatay at dali-dali akong dinala sa clinic para maobserbahan.

Hindi na rin natuloy kagabi ang isa ko pang training, ang aking agility training regime. Ang paggising sa mahika ko ay nag-tax ng matindi sa katawan ko. Kanina, paggising ko ay nananakit pa rin ang mga kalamnan ko na para bang sumabak ako sa ilang activity. Ngayon ay excited na ako dahil magkakaroon ulit ako ng training kay Ki mamaya dahil Wednesday ngayon. Gusto ko sanang mag-bukas na kaagad para ma-meet ko na si Miss Bold, siya kasi ang magtuturo sa akin kung paano gumamit ng magic tricks.

"Pare! May nabalitaan ako!" rinig kong tawag ni Ki sa amin ni Grace habang naghihintay ng klase sa harap ng aming classroom.

Agad akong lumapit sa kanya "Ano namang balita 'yan? Ang aga-aga napaka-tsismoso mo." natatawang pang-aasar ko.

Tinapik niya ang balikat ko "Ayon sa chismis ng isa kong chikababes, naka-admit daw si Zephyrus sa ospital ngayon. Kaya hindi siya makakapasok." masayang sagot niya.

Tinaasan ko siya ng kilay "Napakasama ng ugali mo, talaga natuwa ka pang hindi nakapasok 'yung tao. Teka, sino ba 'yang Zephyrus na tinutukoy mo? Kaklase ba natin? Hindi ko kasi kilala." nagtatakang tanong ko.

Tumawa siya ng mahina "Siya lang naman 'yung ang nag-iisang self-proclaimed na Hari daw kuno ng Academy na ito." natatawang saad niya habang inaayos ang kanyang buhok na mukhang nagpapacute sa mga babaeng estudyante na dumadaan sa gilid namin.

Tumagilid ang ulo ko bago magsalita "A-ano Hari?" medyo kinakabahan sa saad ko.

Tumango-tango siya "Oo Pre! Alam mo ba kung bakit na-ospital ang gagong 'yun? Nakita na lang siya sa loob ng locker room natin na namimilipit sa sobrang sakit ng pagkakatuhod sa bayag niya. Oppsss sorry..." agad niyang tinakpan ang bibig niya nang mapansin niyang kasama ko pala si Grace na mukhang nahiya sa mga sinabi niya.

Hindi naman na nagsalita si Grace at nagpaalam na sa amin ni Ki upang bigyan kami ng privacy sa pag-uusap. Pagkapasok napagkapasok niya sa classroom at agad akong idinikit ni Ki sa katawan niya. Ilang sandali pa ay nagsalita na siya.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon