Chapter 24: Crippled Brain

749 68 1
                                    

Chapter 24

Crippled Brain

ZIE

"Alam mo may napansin ako sa'yo. Bakit parang pagod na pagod ka kapag nag-cacast ka ng mga spells? Para bang, it taxes you a lot." nagtataka ngunit may halong pang-aasar na tanong ko sa kanya.

Kita ko ang gulat sa kanya habang dahan-dahan akong tumatayo. Mukhang nakapindot ako ng bingo. Bigla ko naalala ang training regime ko with Dex. Na ang una ko dapat na ginagawa ay ang suriin mg mabuti ang kalaban at hanapin ang kanyang kahinaan o weakness. Base sa aking kalkulasyon, mukhang kinakailangan ng maraming o napakalaking mana upang mag-summon ng ganitong controllable units.

Kaya nang mapansin ko umubo siya na may kasamang dugo matapos niyang i-cast ang pangalang wave ng kanyang corpse party. Mas lalong naging malinaw sa akin na kinakain ng kanyang spell ang life force niya. Nakakabilib ang kanyang ginagawa pero inilalagay niya rin ang kanyang mga paa ilang metro sa ilalim ng lupa.

Base sa mga pagbabasa ko, kapag nasobrahan ang katawan sa paggamit mahika o pag-cast ng spell dahil paubos na ang mana, kaya mismo ang life force ang kinakain ng spell upang patuloy na mag-operate.

"Nahihibang ka na ata... Kung anu-anong lumalabas dyan sa bibig mo..." walang gana at namamaos niyang sagot sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay "Mukhang totoo pala ang analysis ko sa'yo? Hindi mo man lang ba itatanggi ang mga sinabi ko? Gaano ba kakati sa mana ang spells mo kaya kinakain na nito ang life force mo?" nagtataka at punong-puno ng pang-uuyam kong tanong sa kanya habang nakangisi ng malaki.

Sabi ni Professor Yuki, malalaman namin na nasobrahan kami sa paggamit ng mahika kapag unti-unti nag-dedeplate ang mana sa loob ng katawan. Kapag kulang ang mana, ang sintomas nito ay ang unti-unting pagkahilo, bahagyang nasusuka, pagsakit ng ulo, pangangalos ng katawan at pamumutla ng mukha. Ikakamatay ng isang tao kapag nawalan ito ng mana. Kaya gumawa ng sistema ang ating katawan na kapag nasobrahan sa paggamit ng mana ay otomatikong gagamitin ang life force ng katawan.

Ang life force ay ang nagsisilbing buhay ng isang tao. Sapilitan na gagamitin ng katawan ang life force ng caster kapag insufficient na siya ng kanyang mana. Ang sintomas ng pagkain sa life force ay ang pangangayayat, paglubog ng mga mata, pamamaos, pamumutla, pagsusuka ng may halong dugo at pananakit ng katawan.

Ang masakit lang dito, ang mana sa katawan ng isang tao ay dumadaan sa regeneration kapag nakapagpahinga na ito ng maayos ngunit ang life force ay hindi. Lahat ng sintomas ng matinding pagkaubos ng life force ay ang binatang nasa harap ko

"Wala kang pakialam kung ginagamit ko na ang life force ko upang ma-sustain ang oras ng mga summoned puppets ko..." walang ganang sagot niya habang kinakamot ang tuyo't niyang leeg.

Nagbigay sa akin si Professor Yuki ng warning na huwag kongkong abusihin ang mahika ko. Ang mana na nananalaytay sa katawan ko ay maliit pa raw. Kung ikukumpara sa isang prutas ay hilaw pa. Baka raw unconsciously kong magamit ang aking life force kapag nag-ttraining ako. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakaka-imbento sila ng mga gamot na nagbabilis ng regeneration ng mana sa katawan ng tao. Aba dapat lang! Ayaw kong gamitin ang life force ko sa walang katuturuan.

Ang life force ay nagsisilbing last ace ng katawan ng isang tao. Kahit na paubos na ang mana sa katawan ay maaari pa rin makapag-cast ng spell. Sila ang last resort kung baga. At gagamitin lang ito sa tamang mpagkakataon kapag alam kong wala na akong choice at wala na akong magawa pang desisyon.

"Tumahimik ka dahil wala kang alam sa magiging parusa ko kapag hindi ko nagawa ang misyon na ito... Ipaparanas sa akin ang impyerno..." wala sa sarili niyang sagot.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon