Chapter 39: Corrupted Heart

423 22 1
                                    

Chapter 39

Corrupted Heart


ZIE


"So it's me versus you..." malamig at walang niyang emosyon na entrada sa akin nang bahagy akong lumapit sa kanya upang ipahiwatig na hinding-hindi ko siya aatrasan.

Ngumisi ako "So it's a tie, natalo mo ang dalawa kong kasama at natalo ko rin ang dalawa mong kakampi. Hindi na masama, siguro talagang tayo ang pinagtagpo upang magkaalaman na kung sino sa atin ang mas mas magaling, mas wais at mas madiskarte."

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakakapagsalita siya at malinaw kong naririnig ang boses niya kahit pa nababalutan ito ng benda. Tanging galaw lamang ng kanyang labi ang napapansin ko pati na rin ang walang emosyon niyang mga mata na para bang wala lang sa kanya itong nangyayari.

Bumuntong hininga siya bago magsalita "May mas advantage ako sa'yo dahil naobserbahan ko na ang kakayahan at kahinaan ng mahikang taglay mo. Ako, kanina mo pa pinag-aaralan ang bawat kilos ko ngunit alam kong wala kag nakukuhang sagot." dagdag insulto niya pa.

Ramdam ko ang malakas na hangi na tinatangay pakaliwa ang aking buhok at damit. Sa kabilang banda ay totoo ang sinabi niya, hanggang ngayon ay clueless pa rin ako sa kung anong mahika ang meron siya. Wala kasi akong pakialam sa ibang sections kaya wala akong kaalam-alam sa mga magic magic tricks nila, tanging mga mahika lamang ng mga classmates ko ang kabisado ko.

Ngunit hindi ibig sabihin na matatalo niya ako sa isang gyera dahil lamang sa hindi ko alam ang dala-dala niya sa kanyang bulsa. Sa lahat naman ng mga anime na napapanood at nag-dudub ko ay karamihan naman mga impromptu kaya hindi dapat ako kabahan. Oo may advantage siya dahil hindi ko alam ang mahika niya pero naniniwala ako na along the way ay ma-oobserbahan ko rin iyon.

Muli akong ngumisi sa kanya "Wala akong pakialam kung hindi ko alam ang magic magic na taglay mo. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang talunin ka at ipanalo ang laban sinimulan ko." muling pang-aasar ko sa kanya na mukhang hindi naman tumalab dahil wala lang sa kanya ang sinabi ko.

Agad niyang itinaas ang kanyang kanang kamay kung saan naglabas ito ng isang kulay dark violet na enerhiya na hugis bilog.

"Corrupted Heart Magic: Corruption Blast" mabilis niyang ikinumpas ang kanyang kamay at ibinato sa aking direksyon ang kanyang spell ngunit bago pa ito tumama sa akin ay agad ko nang inipon ang aking enerhiya sa aking kamay at gumawa rin ng isang spell. Agad na naglabas ng bluish white light ang aking kamay na humulma ng isang hugis bilog.

Huminga ako ng malalim "Mind Invasion Magic: Mind Blast" nakangising saad ko.

Dali-dali kong ibinato sa papalapit na enerhiya ang aking spell. Animo'y may dalawang bolang nagliliparan sa ere ang aming mga spell. Nang tumama ito sa isa't-isa ay agad na sumabog ang dalawa kung saan agad akong tumalsik papaatras mula sa aking kinatatayuan. Mabilis na nabalutan ng usok ang buong paligid kaya in a split of second ay wala akong makita.

Pero dahil pakiramdam ko ay kukunin niya ang pagkakataong ito upang atakihin ako sa aking blind spots, agad kong inipon ang enerhiya sa akong pinagdikit na daliri na parang isang baril. Huminga ako ng malalim at muling pinakiramdaman kung saan tutungo ang lalaking kalaban ko. Nararamdaman ko ang kanyang Mana na papalapit nang papalapit sa aking direksyon.

Napangisi naman ako ng makita ko ang hugis ng katawan ng kalaban ko sa hindi kalayuan kaya naman agad kong itinutok dito ang aking dalawang pinagdikit na daliri. Wala pang isang segundo ang lumipas ng maglabas ito ng isang bluish white na liwanag.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon