Chapter 11: Grand Duelist

1.3K 114 1
                                    

Chapter 11

Grand Duelist


ZIE


"I would like to introduce these people who will help you in your training regime." seryosong wika sa akin ni Professor Yuki habang nasa harapan ko ang apat na mga kaklase ko.

Nakangisi sa akin si Ki na para bang inaasahan niyang mangyayari ang mga ito. Hindi ko alam kung anong purpose niya kung bakit tutulungan niya ako sa aking training regime. Nasa kanan niya ang isang babaeng may kinky ang kulot na hanggang chin length ang haba. Tumango lamang siya at bumalik na sa kanyang pagbabasa ng isang makalumang libro na mukhang nanggaling pa noong medieval times.

Nakangiti sa akin ng maaliwas ang isang lalaki na may kulay black tattoo na mukhang marka sa kanyang noo. Habang isang babaeng pamilyar ang mukha ang nasa pinakagilid. Ang babaeng nagtanggol kay Grace kanina. Siya 'yung babaeng may kulay reddish brown na buhok habang pakiramdam ko naman ay nagbabaga ang kanyang red orange na kulay ng mga mata.

"Mukhang kilala mo naman ang isa sa kanila kaya itong tatlo na lang ang ipapakilala. Itong si kulot ay si Miss Adroit, tutulungan ka niya sa'yong Intelligence Training Regime. Itong lalaking may tatoo ay si Mr. Nathrezim, tutulungan ka niya na gising ang mahika mo at sa Ability Training Regime mo. Ito naman si red hair ay si Miss Bold, tutulungan ka niya sa Spell Training Regime. Habang si Mr. Valor ay tutulungan ka sa Defensive at Physical Training Regime."

Tumango ako "Professor Yuki, paano naman po sa aking Agility Training Regime?" nagtatakang tanong ko.

"Nakausap ko na ang kaklase mong tutulong sa'yo para sa Agility Training Regime mo, hindi lang siya makaka-attend ngayon. By the way, nag-drop by lang sila pala ipakilala ko. Ibinigay ko na sa kanila ang schedule ng iyong training regime." dagdag pa ni Professor Yuki.

Inabot niya sa akin ang isang folder na naglalaman ng aking training regime schedules. Nakalagay doon ang araw at oras kung kailan gagawin ang specific training regime. Gusto ko sanang mag-part time job dahil ayaw kong na-sstock kakatambay sa dorm kapag tapos na ang klase. Kaso hindi ako makapag-apply dahil sa training regime na 'to na ginaganap tuwing paggabi na.

SPECIAL TRAINING REGIME


Name: Mondragon, Zirconium Zeitgeber Azarcon

Affinity: Mind Invasion Magic

Class: 1-A

Trainor: Kayabashi, Yukito

Support: Natividad, Maria Divina Gracia Theresa


SCHEDULE

MW 5:00 PM - 6:30 PM (Physical Training Regime with Mr. Lordenn Voltzkii Valor)

MW 6:30 PM - 8:00 PM (Defensive Training Regime with Mr. Lordenn Voltzkii Valor)

TF 5:00 PM - 6:30 PM (Agility Training Regime with Miss Juno Creus Lao Sommeroux)

TF 6:30 PM - 8:00 PM (Ability Training Regime with Mr. Arcanius Atom Nathrezim)

TH 5:00 PM - 8:00 PM (Spell Training Regime with Miss Mikaela Beatrice Bold)

SAT 5:00 PM - 8:00 PM (Intelligence Training Regime with Miss Dexterous Gene Adroit)

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon