Chapter 30: Demonic Power

613 68 5
                                    

Chapter 30

Demonic Power

ZIE

"K-kisa..." mahinang daing ko sa aking sarili ng nang lumapat ang aking likod sa malamig na semento ng podium dahil sa malakas na paghagis sa akin ni Zephyrus doon.

Napalunok ako ng mariin habang pinagmamasdan siya. Ibang-iba na ang aura na lumalabas sa katawan niya. Kakaibang magic atmosphere ang bumabalot sa kanya. Patuloy pa rin sa pag-emit ang kanyang katawan ng kulay itim at dark violet na usok. Halos hindi ko na makita ang mukha niya dahil dito. Tanging ang kulay pulang mga mata na lamang niya ang maaaninag.

Isang literal na demonyo ang nasa harap ko. Tindig pa lang ni Zephyrus ay halos kilabutan na ako. Hindi ko maiwasan makaramdam ng kakaibang emosyon. Kinakabahan ako sa kung anong gagawin niya at natatakot ako para sa sarili ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi niya magawang kontrolin ang mahika niya. Ngayon malinaw na sa akin kung bakit walang nakakasaksi nito dahil napakadelikado ng mahikang taglay niya. Na kung sakaling hindi makontrol ng maayos, maaaring makapanakit ng ibang tao.

Maaari rin na makapatay ito.

Akmang tatayo na ako nang makaramdam ako ng malakas na sapak sa aking sikmura. Kitang-kita ko ang paglabas ng masaganang dugo mula sa aking bibig na hinaluan ng laway. Ramdam ko ang aking sarili na lumipad na lamang sa ere at dali-daling bumagsak sa kabilang bahagi ng podium.

"Die..." mahina at walang emosyon ngunit nakakapanindig balahibong saad sa akin ni Zephyrus habang dahan-dahan na lumapit sa aking pwesto.

Hindi ako pupwedeng panghinaan ng loob dito. Isang malaking sampal sa akin kapag natalo ako sa kanya ng hindi man lang nakakaganti mula sa pagkakasapak niya sa akin. Kailangan kong mag-isip ng maayos. Hindi ko hahayaan na pangunahan ako ng aking kaba at takot.

Kahit halos nanginginig ang aking mga tuhod at buong kalamnan ay dahan-dahan akong tumayo habang hawak ang aking sikmura na sinapak niya. Ramdam ko pa rin ang kirot nito ngunit kailangan kong indahin ito. Marami na rin akong galos sa katawan mula sa ilang beses kong paglipad sa ere at sa pagtama ng katawan ko sa sahig ng malamig na podium. Kailangan ko pa rin na gawin ang strategy na na-formulate ko na siyang magdadala sa aking pagkapanalo sa practical exams na ito.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at napakabilis ng tibok ng puso ko. Nangangalos kong inangat ang kanang palad ko. Hindi lang puro pagpapalabas ng small light bolts ang natutunan ko rito. Sa ilang linggong pag-ttrain ko, natutunan ko rin i-concentrate ang aking magical power sa isang direksyon. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na pinadaloy ang aking enerhiya pababa sa mga kamay ko. Ilang sandali pa ay nagliwanag na ito.

"Mind Invasion Magic: Mental Blast." mahinang bulong ko sa aking sarili.

Wala pang isang segundo ng lumaki ang kulay bilog na bluish white na liwanag sa magkabilang palad ko. Hindi na rin ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na ibinato nito sa direksyon ni Zephyrus. Tila hindi niya alintana ang paparating na bola ng enerhiya sa kinalalakaran niya dahil patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin. Nang tumama ang aking spell sa kanya at agad itong gumawa ng malakas na pagsabog.

Ang Mental Blast ay isang spell kung saan kailangan kong i-concentrate sa aking mga palad ang aking magical power hanggang sa makabuo ito ng isang bola ng enerhiyang kulay bluish white. At dahil concentrated energy ito, kapag nagkaroon ito ng contact sa target ay mag-dedetonate ito at gagawa ng napakalakas na pagsabog.

Halos tumalsik nanaman ako sa aking kinatatayuan ko dahil sa pagsabog ng aking spell. Nagliparan sa buong paligid ang debris at ilang tipak ng bato dahil sa semento ng podium. Gumagawa rin ito ng napakakapal na usok. Akmang ngingisi na ako nang may kakaibang enerhiya akong maramdaman sa aking likod.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon