Chapter 37: Marionette Bind

473 19 3
                                    

Chapter 37

Marionette Bind


ZIE


"A-anong ginawa mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Shai habang pinalalakihan ako ng mga mata matapos lumipad sa kabilang side ng podium ang kanyang pinakamamahal na libro.

Agad na parang bula ang talong orbs na naglulutangan at nag-iikutan sa harap niya. Para bang isa itong mga pundidong mga ilaw na biglaan na lang nawalan ng liwanag dahil nag-brownout.

Ngumisi ako "Pasensya na, hinayaan mong malaman ko ang kahinaan at limitasyon ng mahikang taglay mo." sagot ko habang hinihipan ang dulo ng aking pinagdikit na daliri dahil umuusok ang ibabaw nito.

Gulat siyang pinagmasdan ako habang ningingisian niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-tense ng katawan niya. Natawa naman ako sa aking isipan, minsan talaga ang sarap manindak ng tao lalo na kapag nalaman mo na ang pinakakatagong sikreto. Kanina pa ako nag-iisip ng malalim kung sa anong anggulo ko siya pupwedeng tirahin o atakihin at ito nga ang naiisip kong paraan, ang sindakin siya.

Dahan-dahan kong ini-angat ang aking kanang kanang kung saan agad kong pinagapang ang aking enerhiya patungo sa dulo ng aking pinagdikit na dalawang daliri. Mabilis itong naglabas ng kulay pinkish white light na enerhiyang hugis bilog na gumagalaw-galaw at naglalabas ng malakuryenteng tunog. Malumanay akong naglakad papalapit sa kanya.

Mas lalong lumawak ang aking pagngisi dahil kitang-kita ko ang pangamba at takot sa mukha niya na aakalain ay pinagbagsakan ng langit at lupa. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay ang siyang pag-atras niya. Mas lalo pa akong natawa ng mahinuha ko na balak niyang kunin ag kanyang tumalsik na libro.

"Bakit napapaatras ka? Ayaw mo bang malahasan kung ano ang kaya kong gawin sa pag-iisip mo?" nakangisi at sarkastiko kong tanong sa kanya.

Kita ko ang paglunok niya ng mariin sa mga sinambit ng bibig ko. Ito talaga ang balak ko, ang i-distract ang atensyon niya at paniwalain siyang hindi ko napapansin ang kanyang motibo na kunin ang kanyang tumalsik na libro.

Malakas talaga ang intuition at gut feeling ko na kinakailangan niya i-summon muna ang kanyang lumang libro upang makapag-cast ng mga naglulutangang orbs, na pinagsasama-sama niya or pinagko-combine upang makagawa ng mga spells. Ironically, sa lumang libro niya iyon nagmumula kaya hindi siya maaaring makapag-summon ng mga magical orbs hanggang wala sa kanyang puder ang kanyang lumang libro.

Isa pa sa napansin ko, it takes time upang makapag-cast siya ng isang spell mula sa pag-combine niya ng mga magical orbs niya. Kinakailangan niya pang banggitin ang mga ngalan ng tatlong orbs na iyon at saka sasabihin ang kanyang general incantation of spell.

Sa madaling salita useless ang mahika niya hangga't wala sa kanyang mga kamay ang lumang librong iyon.

"Bakit natatakot ka? Wala ka namang mararamdamang sakit dito. Ni hindi mo nga mapapansin na lilipad na ito patungo sa ulo mo." nakangisi at dagdag pang-aasar ko pa.

Balak kong sirain ang kanyang libro, titignan ko kung anong magiging reaksyon. Gusto kong makita ang nalulumo niyang mukha. Nang ilang metro na lamang ang layo niya sa kanyang makalumang libro ay agad siyang tumalikod at tumakbo upang abutin ito.

Ngumisi ako bago magsalita "Mind Invasion Magic: Intellectual Silence..."

Dali-dali kong ibinato sa likod ng kanyang ulo ang isang small pinkish white light bolt. Bago niya pa mapulot ang kanyang kanyang lumang libro ay agad na tumama sa kanyang ulo ang aking spell.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon