Chapter 20: Pseudo Alchemy

958 70 1
                                    

Chapter 20

Pseudo Alchemy


ZIE


"Sabado nanaman, may training nanaman ako mamaya." mahinang saad ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kulay ng aking mga mata.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa kulay ng mata na nakikita ko sa salamin. Ito na lang palagi ang napapansin sa akin ng mga tao rito, ang kakaibang kulay ng mga mata ko. Hanggang dito ba naman sa mundong 'to isyu pa rin ang mga mata ko.

Parang noong nakaraan lang may nakasagutan akong mga matandang hukluban dahil pinagkakamalan nila akong tambay dahil sa malaking pilat sa kaliwang mata ko na hindi na nakakakita pa.

Dahan-dahan kong niluwangan ang kulay red checkered necktie ng suot-suot ko. Masyado kasing pa-sosyal itong school na ito, may pa necktie-necktie pang nalalaman akala mo naman napakadaling ayusin nito. Puting uniporme kaya ang suot ko dahil nga pre-medicine ang course ko.

"Mukhang uulan pa ata." dagdag ko pa nang mapalingon ako sa bintana ng aking kwarto.

Umagang-umaga ngunit hindi lumalabas ang araw. Natatakpan ito ng makakapal na kulay abong mga ulap. Mukhang ang daming ulan na dala 'yan. Magdadala na lang siguro ako ng payong. Bakit kasi may pasok pa ako ng sabado? Hectic na nga palagi ang schedule ko. Sabagay, wala naman ako magagawa kasi nasa ilalim pa rin ako ng training regime. Hindi pa ako nasanay? May pasok naman talaga ako kapag sabado kahit noong nag-aaral pa ako sa college.

Ilang sandali pa ay umalis na ako sa Dorm, hindi ko kasabay si Ki ngayon dahil may maaga daw siyang appointment na pupuntahan sa school. Kanina pang ala-sais umalis 'yun. Sana naman may gawin kaming productive ngayon. Nakakainis kami itong Professor namin na puro pa-report at puro pasulat ang alam. Nagtataka talaga ako kung bakit nakakapasok ang ganyang mga type ng mga teachers.

Imbes na nagtuturo, sa estudyante lahat inaasa ang pag-aaral. Sana hindi na lang kami nag-enroll dahil sayang ang tuition sa mga katulad nila. Kapag naka-usap ko talaga muli ang Presidente ng Academy na si Tita Sushmita, i-uulat ko talaga 'yan.

Nang makarating ako sa aming classroom ay bilang pa lang sa daliri ang mga pumasok. Mag-aalas otso na at wala pa ang karamihan, hindi ba si informed na terror ang Professor ngayon kahit na naka-ilang meeting na kami sa kanya. Hindi pa ako nakakaupo nang lapitan ako ng isang pamilyar na babae.

"Oh Dex ikaw pala, salamat nga pala sa mga energy drinks na binibigay mo kay Grace. Nagagamit ko kasi sa training regime ko. Nakakapag-ease ng pangangalay ng mga kamay at daliri ko." bungad ko sa kanya.

"Wala 'yun ano ka ba. Oo nga pala Zie, hindi raw makakapasok si Ma'am at wala naman siyang iniwan na activity ngayon araw. Puwede bang gamitin natin ang oras na 'to para sa Intelligence Training Regime mo? May gagawin din kasi ako mamayang alas-singko saka para wala na tayong hassle na gagawin mamaya." dire-diretsong saad sa akin ni Dex.

Pinagmasdan ko ang kanyang kinky at kulot na itim na buhok. May katabaan din ang pisngi niya at may iilang breakouts na naglalabasan at namamaga. Mukhang stress ata ang babaeng nasa harap ko ngayon.

"Oo naman, sayang din naman kasi ang pinasok ko ngayon kung wala naman akong gagawin." nakangiting sagot ko pang kunin ang loob niya.

Ngayon lang kami nagkaroon ng isang conversatio maliban sa nagpakilala sila sa akin nitong nakaraan. Siya ang nagbigay kay Grace ng mga concocted energy drinks na iniinom ko kapag nasa training ako upang hindi ma-overfatigue ang mga kamay ko, though feeling ko talaga ng mga oras na 'yun ay isa akong pinag-eeksperimentuhang guinea pig.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon