Chapter 2
One Condition
ZIE
"B-bakit nakakakita na ang kaliwa kong mata?" gulat na tanong ko sa aking sarili ng dumilim ang paningin ko sa kaliwang mata ng hawakan ko ito.
Ngumiti sa akin ang matanda. Hindi ko rin alam kung paano na nakakakita itong kaliwang mata ko. Bulag ito at matagal nang malfunctioned. Sabi ng opthalmologist ay severe damage ang cornea at retina ng kaliwang mata ko kaya hindi na ito maaari pang makakita ngunit paanong nangyari ito?
Hindi ko maiwasan na mapakagat ng aking pang-ibabang labi. Gusto kong magpasalamat sa kung sino man ang nagpagaling ng matang ito. Sobra akong natutuwa kasi isa ito sa mga naging dahilan kung bakit lagi akong minamata ng mga tao. Samu't saring panglalait ang natatanggap ko mula sa kanila. Lagi ang nale-label na isang basagulero, tambay, adik at marami pang masasamang salita ang ini-uugnay sa pagkabulag ko.
Agad kong nilingon ang buong paligid at naghanap ng salamin. Gusto kong makita ang itsura ko. Mabilis akong pumunta sa isang sulok na may nakasabit ng magarang bilog na salamin. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang itsura ko. Napatakip na lang ako ng aking pang-ibabang labi nang makitang wala na ang peklat sa kaliwang mata ko. Mabilis naman din na napahinto ang pagdiriwang ko mapansin kong iba ang kulay ng aking mga mata.
"Kanina noong tulog ka pa Apo ay nagpatawag ako ng isang tao na Healing Magic ang experties. Kaya nakakakita ka nang muli at wala na ang malaking pilat sa iyong mukha." rinig kong saad ng matanda sa akin likod.
Agad akong tumalikod "Maraming salamat po, pasensya na rin sa inasal ko kanina. Sana maintindihan niyo na hindi pa rin nag-sisink in sa akin ang lahat. Magulo pa ang aking isip. Marami akong gustong itanong sa inyo." pormal na saad ko.
Huminga ako ng malalim. Wala na ang intimidating aura na nakapaligid sa kanya. Nakangiti na muli ang matanda sa akin na para bang inaasahan niyang magpapasalamat ako sa kanya. Totoo naman ang sinabi ko, hindi ako isang ingratong tao na hindi marunong magpasalamat. Isa sa naging tinik ng buhay ko ang aking pagkakabulag. Marami ang nasayang na oportunidad ng dahil sa malaking pilat sa aking mukha. Ngayong gumaling na ito, alam ko sa sarili ko na mamumuhay na ako muli ng normal.
"Kung ipinagtataka mo ang kulay ng iyong mga mata Apo ay dahil namana mo ang kulay ng mga mata ng Ama mo." dagdag pa ng matanda habang dahan-dahan na umuupo sa isang magarang upuan na gawa sa makapal at makintab na kahoy.
Tumagilid ang ulo ko "Sa pagkakaalala ko ay kulay brown ang mga mata ko. Saka hindi ko namana ang kulay ng mga mata ko sa mga magulang ko." mariing wika ko.
Tumawa ng mahina ang matanda "Ipapaliwanag ko rin sa'yo ang lahat Apo sa mga susunod na araw ngunit pakinggan mo itong sasabihin ko."
Muling naging seryoso at baritono ang pagsasalita ng matanda kaya hindi ko naman maiwasan na mapabalikwas sa aking kinatatayuan. May kung anong intimidating aura nanaman ang nananalaytay sa loob ng kwartong ito. Muling naging mabigat ang hangin sa buong paligid. Ginagawa niya siguro ito upang manatili sa kanya ang atensyon ko.
"Kinakailangan na gumawa ng isang matinding desisyon ang mga magulang mo. Kahit na napaka-imposible ay humanap sila ng isang tao na kayang i-teleport ang isang nilalang sa mundo ng mga normal. Kaya ka napunta sa Pilipinas. Isang taong gulang ka pa lamang noon at napakabata mo pa kaya hindi mo na iyon maaalala." paliwanag niya.
Tumagilid ang aking ulo sa kanyang sinabi. Bakit naman kailangan akong ipa-teleport ng mga magulang ko sa mundo ng mga normal? So ibig sabihin na ang mundong kinagisnan ko ay mundo ng mga normal? Napa-ismid ako, hindi ko pa rin na maiwasan na hindi maniwala sa mga sinasabi ng matandang nasa harap kong na pirmeng nakaupo sa isang magarang upuan. Anong dahilan ng mga magulang ko upang ipatapon nila ako sa mundong iyon?