Chapter 34
Invoke List
ZIE
Bago pa ako makasagot ay kakaibang ingay ang narinig ko mula sa aking likod. Isang ingay na bihira kong marinig sa buong buhay ko kaya nang nilingon ko ito ay halos malaglag ang aking panga sa lupa.
Ang lagaslas ng alon ng dagat ang naririnig ko kaya pakiramdam ko ay luluwa ang mga mata ko sa nakita namin. Isang napakalaking alon na parang isang tsunami ang papalapit sa amin. Gusto ko nang tumalikod ngunit hindi ko man lang maigalaw ang mga paa ko dahil sa sobrang gulat.
Mariin akong napalunok habang pinagmamasdan ang isang lalaking estudyante nasa ibabaw ng napakalaking alon. Nakangisi itong tumingin sa akin.
"Kaming mga Class 1-B ang unang makakarating sa camp site. Lulumpuhin namin kayong mga Class-A! Humanda kayo! Tidecaller Magic: Tidal Wave!"
Mabilis kong hinawakan ang pala-pulsuhan ni Grace "T-takbo!" nanginginig na saad ko sa kanya.
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at dali-dali ko siyang hinila upang makatakbo na. Ayaw ko naman na malunod kaming dalawa ng dahil sa malaking alon na 'yan. Saka ayaw kong mahuli ang aming section dahil lang sa pesteng taga-kabilang klase. Hindi ko naman na nalingon si Grace dahil tutok na tutok ang aking atensyon sa mga kaklase kong nagtatakbuhan na rin papalayo sa direksyon ng nasa likod namin.
"Z-zie! Malapit na ang alon!" nanginginig at nauutal na wika sa akin ni Grace.
Mas lalong dumoble ang bilis ng aming pagtakbo. Halos hindi ko na maramdaman ang bigat ng aking katawan dahil kakaibang lakas at bilis ang ibinibigay sa akin ng adrenaline rush ko. Muntik pa kaming magkandapaid-patid ni Grace dahil may mga lubak daan at mga malalaking bato kaming nadaraanan.
"Holy Light Magic: Gloria!" rinig kong sabi ni Grace.
Wala pang isang segundo na may animong choirs of angels ang bumaba sa langit at pumaibabaw sa mga ulo namin. Gawa sa translucent white light ang mga angels na may librong nakabukas habang kumakanta ng isang angelic song na pang ochestra o pang-choir sa mga Simbahan na tanging tono o tunog lang. It just a split of seconds ay agad din lumipad ang mga anghel paakyat sa langit.
Ilang beses ko nang nakita ang mahikang taglay ni Grace pero hanggang ngayon ay namemesmarize pa rin ako sa mga ito. Kapag pinapanood ko siya kapag may mga activities kami, talagang namamangha ako. She know how to control her magic and I envied her with that. It really catches my attention whenever she casted any spells. May mga translucent angels kasing gawa sa puting liwanag ang nagbabagsakan galing sa langit.
Hindi ko alam kung anong epekto ng kanyang spell sa akin pero bigla ko na lang naramdaman ang kakaibang surge of agility na para bang mas bumilis kami ng takbo at mas naging kakaiba ang phasing ng aming mga paa. Para bang ang lalaki ng mga hakbang namin dahil halos nalampasan na namin ang iba ko pang mga kaklase.
Upang mas ma-maximize ang kanyang spell ay agad akong nag-cast ng aking sariling spell.
"Mind Invasion Magic: Feral Mind." wika ko naman.
Agad kong inilagay ang aking enerhiya papunta sa dulo ng aking pinagdikit na daliri. Mabilis kong itinutok ang dulo ng aking mga daliri sa kaliwang sintido ko. Ilang sandali pa ay naglabas ng pinkish white aura ang aking katawan. Ngayon pakiramdam ko ay hangin na lang ang bigat ng katawan ko. Ang gaan-gaan ng feeling ko. Para akong nakalutang sa ere habang tumatakbo.
