Chapter 38
On the Hunt
ZIE
"Sienna Kyrie Cadenvish is out of commission. It's two versus three..." rinig kong saad ni Professor Yuki.
Ngumisi naman ako at muling tinitigan ang lalaking nagngangalang Ice, ang lalaking pinagtripan ko kanina at ang lalaking may gawa ng malalaking alon. I'm gonna win this battle. Mas mahirap pang kalaban si Zephyrus kaysa sa kanila kaya hindi ko hahayaang matalo nila ako.
"Kayo ng dalawa ang bahala sa isa mukhang may kailangan lang akong ipamukha sa lalaking ito na ang sama-sama na ng tingin sa atin. Huwag kayong mag-alala dahil hinding-hindi ko palalampasin ang isang ito." seryoso kong saad kay Ki at Tom.
Tumango na lamang ang dalawa at dali-daling tumakbo papalayo sa akin. Kayang-kaya na nilang talunin ang nag-iisang kalabang iyon. Malaki ang tiwala ko sa dalawang 'yan dahil alam kong kaya nilang gamitin at kontrolin ng tama ang kanilang malalakas na mahika. Magandang strategy din ito upang mawala ang atensyon ni Ice sa kanilang dalawa.
Trigerred na trigerred ang lalaking nasa harap ko na patumbahin ako. Mukhang gagawa ito ng eksena upang kawawain ako katulad ng paglalaro ko sa isipan ni Shai. Hindi ko maiwasan na matawa sa aking isipan dahil nahuhulog nanaman sila sa aking patibong. Tama lang 'yan ma-provoke lang ako nang ma-provoke para naman lalo kayong mainis sa akin at hindi na kayo makapag-isip ng tama.
Naniniwala ako na isa ito sa mga alas na nakadikit sa sleeves ng PE uniform ko. Malaki ang tendency na magpadalos-dalos sa kilos at desisyon ang isang tao kapag inis na inis o galit na galit ito. They tend to be reckless and defenseless. Ang nasa isip lamang nila ay ang magantihan ang taong nang iinis sa mga butsi nila.
"H-humanda ka... Mondragon. Tidecall Magic: Wave Form." seryoso at malamig na saad sa akin ni Ice.
Ang kanyang katawan ay parang naging isang tubig at wala pang ilang segundo ay mabilis na bumulusok ang kanyang katawan patungo sa aking kinatatayuan na parang isang malaking alon. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa at dahil on duration pa rin ang Feral Mind spell ko ay mabilis parin akong tumakbo patungo sa ibang direksyon dahil sa surge of agility and movement speed na binibigay nito.
Nang ma-reach na ng kanyang Wave Form ang maximum distance ng kanyang spell ay agad na bumalik sa kanyang anyo ang katawan niya. Muli kong pinagmasdan ang kanyang itsura. Bilugan ang kanyang maputing mukha pati na rin ang kanyang mga mata na kulay maroon. Tinatangay naman ng malakas na hangin ang kanyang blond na buhok. Kung susumahin ay mas maliit lamang siya ng ilang sentimetro sa akin. Para bang nakatingin ako sa isang lalaki na magbibinata pa lang dahil napaka-baby faced niya.
Seryoso at malamig niya akong tinitigan kaya naman wala akong pinalampas na oras at tinitigan din siya habang nakaguhit sa aking mukha ang malawak kong ngisi. I've been through a lot. Marami na rin ang experiences at trainings sa pakikipaglaban. Kahit na bago pa lamang ako sa larangang ito ay masasabi kong marami akong natutunan na nagagamit ko ngayon. Sa sobrang strict at galing ba naman ng mga trainors ko.
Huminga ako ng malalim at muling pinagdikit ang aking mga daliri. Dahan-dahan kong itinutok sa aking kanang sintido na para isang baril ang dulo ng mga daliri ko. Kita ko ang kanyang pagkataka at gulat sa aking ginawa.
"Mind Invasion Magic: Infinite Mind..."
Ang "Infinite Mind" ay isang spell kung saan pansamantala akong makakagamit ng iba't-ibang spell or casting multiple spells at once. Itinuro lamang sa akin ito ni Dex na kahit ako ay masyadong nakukumplikahan dito kaya ngayon ko pa lang susubukang gamitin ito. Kaya naman daw ng aking mahika na magawa na makapag-cast ng spell na magkaiba. Kaya naman daw ito ng capability ng pag-iisip ko kaya wala raw magiging problema.
