Chapter 4
Demonic King
ZIE
"N-nakakatuwa naman! M-magkaklase tayong dalawa Zie! H-hindi ko inaasahan na sa Class 1-A ako mapupunta. G-grabe kasi 'yung entrance exams natin no? S-sa gubat talaga tayo dinala." nahihiya at nauutal na wika ni Grace nang makapasok kami sa building ng Academy.
Kagabi ko pa nalaman sa kung anong klase o section ako mapupunta kapag nag-start na akong mag-aral dito. Hindi ko alam kung anong magic trick ang ginawa ng Lolo ko at isang pikit niya lang ay may nagdala na ng aking mga supplies. Mula sa uniporme, school supplies, schedules pati na rin allowance. May nag-picture din sa akin at ginawan ako ng card-type ID. Sabagay, naparami niyang pribilehiyo. Siya ang Presidente ng bansa, magtataka pa ba ako?
Pinagmasdan ko ang buong paligid ng Academy. Pagpasok pa lang sa entrada ay bumungad na sa akin ang nagkakakihang golden chandeliers na may kristal sa nakasabay. Ang sahig naman ay gawa sa puting dirty white na marmol. Habang may mga metal bleachers sa gilid na mukhang pupwedeng tambayan ng mga estudyante. Lobby pa lang ay ganito na ka-moderno at kaganda paano pa kaya ang mga classrooms at ibang facilities nila?
"Oo nga eh, ako rin kinakabahan ako kasi first section tayo." mapagkunwaring kinakabahang sagot ko sa kanya.
Hindi na ako magugulat kung bakit nasa first section ako napunta. Sa koneksyon at posisyon pa lang naman ng Lolo ko sa bansang ito ay syempre bibigyan ako ng special treatment. Presidential Grandson ako kaya doon siguro ako nilagay. Sa kabilang banda, siguro ilang officials lang ng Academy na 'to ang nakakaalam at wala na akong balak pang ipaalam ito sa iba.
Nagtanong lang kami sa isang staff ng Academy kung saan ang daan papunta sa aming classroom. Sa third floor lang naman pala kaya mabilis namin na inakyat ito ni Grace. Maaga pa kaya bilang lang sa daliri ang makikitang tao sa paligid kaya nang makarating kami sa aming classroom ay halos kaming dalawa pa lang ang nauna.
Manghang-mangha ako sa classroom design dahil first time ko naka-encounter ng ganito na madalas ko lang makita sa mga Anime na napapanood ko. Ang teacher's table ay bahagyang nakaangat dahil may animo'y stage sa harapan. Wala nang blackboard sa harapin kundi isang glassboard na may white background kaya nagmumukhang whiteboard.
Nilibot ko pa ang paningin ko nang mapansin ang ayos ng mga upuan. Bawat upuan ay may corresponding table. Hindi ito 'yung tipikal na classroom setting sa Pilipinas na armchair lang ang gamit. Tanya ko ay may 20 tables na sa buong classroom. Siguro ay 20 lang ang estudyante ng section na ito. Bawat row ay may tig-limang tables na hindi magkakadikit. Ang nakapagpamangha pa sa akin ay bawat row at tumataas o may baitang kaya ang pinakadulo ay ang pinakamataas na bahagi ng classroom. Para bang theater or cinema type ang classroom setting.
Well ventilated at well lighted din ang classroom. Sa gilid nito ay makikita ang buong pader na gawa sa salamin kaya makikita ang labas ng building. Sino kaya ang engineer at architect nitong Academy na ito. Nagmumukhang nasa ibang talaga talaga ako. Hindi ka naman makakakita ng ganito kagandang classroom sa Pilipinas kahit sa mga private at elite international universities.
"A-ang ganda ng classroom natin. H-hindi ko inaasahan lahat ng ito. H-hindi talaga nagkamali sina Sister na mag-aral ako sa Academy. H-hinding-hindi ko pagsisisihan ang lahat ng naging desisyon ko. M-mahirap man para sa akin na iwan sila." rinig kong wika ni Grace habang pinagmamasdan ang gilid na pader na gawa sa makakapal na salamin.
Umupo ako sa pinakataas na bahagi ng classroom at doon sa pinakadulong table kung saan nasa gilid ko ang makapal na pader ng salamin. Kitang-kita ko sa baba na dumadarami na ang papasok sa Academy. Agad kong kinuha ang aking strawberry cream flavored lollipop sa aking bulsa ako isinubo sa bibig ko. Handa na ako kung may introduce yourself kuno sa unang araw ko rito. Handa na ang mga kasinungalingan ko at handa na ang mga gawa-gawa kong kwento.