Chapter 18
Transcendence
ZIE
"Mukhang ang sakit pa rin niyang kamay mo ah. Hindi ka makakain ng maayos." natatawang wika ni Ki habang pinagmamasdan akong hirap na hirap galawin ang dalawang kubyertos sa harap ko.
Huminga ako ng malalim "Paano ba naman eh halos patayin na ako sa pagod ng chikababes mo." nang-aasar ko naman na tugon sa kanya.
Agad na namula ang kanyang kayumangging balat. Hindi mo talaga mahahalata na nag-bblush dahil sa kanyang natural na golden tan na balat. Para siyang model ng isang sikat na fashion magazine. Ngumisi ako sa harap niya, kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Halatado masyado na may gusto kay Mika kaso mayasdong in-denial ang kumag.
Mariin kong pinagmasdan ang aking magkabilang kamay. Pareho silang nababalot ng kulay balat na benda. Pareho silang na-overfatigue dahil sa madalas na pag-backfire sa sakin ng basic na mahikang pinapalabas ko. Makirot pa rin ang mga buto ko dahil nagkakaroon ito ng recoil. Laging pumipikit kapag ibinabato ko ang spell kaya papikit-pikit din sa pilay at pamamanhid ang mga kamay ko.
Gustuhin ko man na magsulat sa klase namin ay hindi ko magawa. Kumalat na rin sa buong classroom ang nangyari na nagising na ang mahikang natutulog sa katawan ko. Inaasahan nila na magiging maayos ako sa susunod na activity namin. Para bang doon ako pagdedeisyunan na deserving ba ako sa section namin.
"Huy! Kinakain ka nanaman ng inner thoughts mo. Narinig mo ba 'yung tinatanong ko?" nagtatakang saad ni Ki habang pinipikit ang kanyang daliri sa harap ko.
Tumagilid ang ulo ko "Ano nga ulit 'yung sinasabi mo? Pasensya na, alam mo naman na bangag pa rin ako sa spell training regime ko kahapon." tatawa-tawang sagot ko.
Akma ko sanang kakamutin ang batok ko nang ma-realize ko na baldado pa la ang mga kamay ko ngayon. Pinapapapunta nga pala ako no Professor Yuki sa Clinic para ma-check ang kalagayan ng mga kamay ko. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ng Bahagya kong maramdaman ang kirot ng mga buto ko.
"Ang sabi ko, ano na ang real score sa inyo ni Grace. Hindi mo ba napapansin ang pagiging maaalalahanin niya sa'yo? Saka lagi siyang present sa training regime mo para i-support ka." nang-aasar na wika ni Ki.
Alam ko na kung saan tutungo itong usapan namin dalawa. Nababasa ko ito sa mga cliché stories na may bayad sa Wattpad. Alam kong hinuhuli niya lang ako at may maibalik pang-asar sa akin. Hindi ko hahayaan na mangyari 'yun dahil advance akong mag-isip. Ilang beses ko nang nagawa ang trick na 'yan kaya immune na ako sa mga ganitong scenarios.
"Bakit? Anong mayroon sa amin ni Grace? Kaibigan ko siya." malumanay at nakangiti kong sagot sa kanya.
Pinanliitan niya ako ng mga mata bago magsalita "Talaga lang ha, hindi mo ba napapansin na mukhang may gusto siya sa'yo."
Tumawa ako ng mahina "Pasensya na hindi ko napapansin, mukha lang pala sa tingin mo at hindi ka sigurado. Oo nga pala, kailangan ko nang pumunta sa Clinic para mapa-check 'tong mga kamay ko. Ja mata." nakangiting pagpapaalam ko sa kanya.
Agad kong kinuha ang aking mga gamit. Ano? Siya lang ang may karapatan na mang-iwan palagi sa akin? Aba! Kaya ko rin gawin 'yun sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa at dali-dali akong lumabas ng cafeteria at iniwan ang pagkain ko na hindi ko man lang nabawasan dahil hindi makakain maayos.
Mabilis akong nagtungo sa Clinic upang ipa-check ang kondisyon ng mga kamay ko. Sinabi ko sa kanila na madalas mag-backfire sa akin ang basic spells na pinapalabas ko. Nagbigay sila ng ointment at mga gamot na magpapawala ng kirot ng mga buto. Nag-cast ng isang powerful healing spell ang isang nurse na naka-duty doon.