Chapter 7: Mind Invade

1.5K 173 10
                                    

Chapter 7

Mind Invade


ZIE

Name: Mondragon, Zirconium Zeitgeber Azarcon

Affinity: Mind Invasion Magic

Class: 1-A

Adviser: Kabayashi, Yukito

Magic Assessment Test Results and Interpretations

Physical Power Test - 1.13/10.00 (Failed)

Defense Power Test - 1.08/10.00 (Failed)

Agility Power Test - 1.20/10.00 (Failed)

Ability Power Test - 0.00/10.00 (Unidentified)

Intelligence Power Test - 9.01/10.00 (Passed)

Spell Power Test - 0.00/10.00 (Failed)

Remarks: See me to the Faculty Office after the class, Mr. Mondragon.

Signed by: Professor Yukito Kabayashi

Mabilis kong nilukot ang puting bond paper at agad na itinapon sa trash bin sa gilid ng aking study table. Samut-saring reaksyon ang inabot ko kanina habang nag-iinterpret si Professor Yukito ng aming assessment test results. Aba! Hindi ko naman inaasahan na hindi pala madali ang lahat lalo na't hindi ko ito ginamitan ng mahika.

Nagulat ang lahat kung bakit hindi man lang ako makagawa ng simpleng mahika. Kumalat sa loob ng training room na iyon ang katotohanan na hindi ako nakakagamit ng mahika. Halos manlumo ako nang pagtawanan ako ng mga kaklase ko, lalo na 'yung mga pa-importanteng na-late kanina. Nasermonan pa ako ni Professor Yukito kanina nang pumunta ako sa Faculty Office nila kanina.

Bigla kong naalala ang pinag-usapan namin kanina.

"Hindi mo ba alam na malaking kahihiyan ang ginawa mo kanina, Mr. Mondragon." seryosong wika niya sa akin nang ipasok niya ako sa isang secured room ng faculty office ng mga Professor ng Academy.

Umismid ako "Hindi niyo na kailangan sabihin pa sa akin 'yan Professor Kabayashi. Hindi mo alam ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon." sarkastikong sagot ko.

Kampanteng-kampante pa ako kanina na makakapasa ako kahit na hindi ko ginamit ang mahika ko. Iyon para torture lang ang mararanasan ko. Maraming nagtanong kung bakit hindi ako nakakagamit ng mahika. Maraming nagkalatang nagtatanong ng kapabilidad ko at bakit ako nakapasok sa section na iyon. Hintayin niyo lang, babawian ko kayong lahat. Makita ko lang kayo sa Pilipinas talagang malilintikan kayo sa akin. Itaga niyo 'yan sa bato.

Lahat ng kahihiyan na naranasan ko ngayon araw na ito ay panghabang-buhay nang nakatatakat sa alaala ng mga hunghang kong mga kaklase. Hindi ko maiwasan na matawa sa ginawa ko, sana pala sinunod ko na lang ang payo ng right hemisphere ng utak ko na tumakas na lang. Masyado kasi ang akong nag-ambisyon na magiging okay lang lahat. Nakakainis talagang mag-assume.

"May gusto akong sabihin sa'yo." dagdag pa ni Professor Yuki.

Huminga ako ng malalim bago magsalita "Na magkakaroon na kayo ng expulsion? Okay lang, as if naman na ginusto kong mag-aral sa Academy na 'to." pambabara ko sa sinabi niya.

Mariin siyang lumunok "Alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo. Sa akin ka ibinilin ni President Alastor Meletes Louisenbarnn. Alam kong ikaw ang nawawala niyang Apo."

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon