Chapter 26
One Nightbreak
ZIE
"Yay! Isang masarap na hotspring matapos ang matinding pakikipaglaban kanina." tatawa-tawang saad ni Ki habang nakatingin sa itaas na para bang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin.
Pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasan na matawa. May bendang nakalagay sa noo niya, may ilang gauze din na naka-patse sa mukha niya. May benda rin ang leeg niya. Mukhang napuruhan talaga siya. May ilang mababaw na gasgas sa dibdib niya.
"Hindi ko talaga inasahan 'yung mangyayari kanina." mahinahon at kalmadong sabi ni Tom habang nakapatong ang braso sa malalaking bato sa gilid ng hot spring.
Agad ko siyang nilingon. Balot na balot ng benda ang kanyang dibdib na mukhang nabalian ata. May mga benda sa kanyang mga braso. Napuruhan din talaga siya.
Kami ng mga kaklase ko ay talagang mga sugatan. Hindi inaasahan ng buong Academy ang mismong pag-invade daw ng Royal Family ng bansang Old Silkwood. Ang daming mga kawani ng media ang nagtungo sa Academy at maraming alagad ng batas ang nag-iimbestiga. Ang nakakapagtaka lang sa akin ay hindi man lang ako kinamusta o tinawagan ng magaling na matanda este ni Lolo. Siguro busy pa rin siya lalo na't gumagalaw na ang mga kalaban.
"Grabe, Pare talagang Natalo mo 'yung isa kanina?" nagtatakang tanong ni Ki sa akin
Tinanggal ko ang strawberry cream flavored lollipop sa bibig ko "Hindi naman talagang natalo, nawalan lang siya ng malay dahil doon sa isang spell ko. Nang bigla kasing dumilim kanina, nawala rin ang katawan niya." malumanay na sagot ko.
Mabuti na lang at hindi ako nawalan ng malay kaya agad akong nakapunta sa mga kaklase ko na grabe rin mga sugatan. Ang nakakatuwa lang ay wala naman na namatay sa amin kasi nagtulungan daw sila. Na-operahan na rin ang aking balikat at nawala na ang bala. Ayos naman na ang lahat, may benda lang ang aking braso at cask para hindi palaging nagagalaw. Nag-take naman ako ng mga gamot at nagpapa-heal sa Nurse ng Clinic. Balot na balot din ng benda ang mga daliri ko.
Matapos namin makabalik o maka-teleport sa training room ay agad na nawalan ng klase. Kaya ngayon nakapapakasasa kami sa hot spring na ito kasi may healing abilities daw ito. Mas mapapabilis ang paggaling ng mga sugat namin.
"Akala ko talaga mamamatay na ako kanina." dagdag naman ni Tom habang pinaglalaruan ang kulay light pink na dahon na naglulutangan sa ibabaw ng mainit na tubig.
Pinagmasdan ko ang malaking buwan na napapalibutan ng ilog ng bituin na tumutungo sa iisang direksyon. Napangiti ako dahil ito ang first time kong makakita ng milky way kahit na nasa syudad ako. Hindi pa kasi ako nakakita nito sa Pilipinas kaya talagang namamangha ako.
Napagdesisyunan naman na wala kaming pasok kinabukasan dahil mas priority raw ng Academy ang kaligtasan at pagpapagaling ng mga sugat namin. Mabuti naman at talagang hindi ko kakayanin makapasok bukas dahil sa mga natamo ko. Hindi ko pa pala nasasabi sa matanda este sa Lolo ko ang nangyari. Kailan ko kaya siya makakausap ng personal?
Ibinalik ko sa aking bibig ang lollipop na sinisipsip ko. Hindi kita ang ibabang bahagi ng katawan ko dahil natatakpan ito ng usok dahil mainit ang tubig. Saktong-sakto lang at nakakawala ng stress. Kakaibang experience itong naranasan ko sa mundong 'to. Hindi man lang pumasok na isip ko na magkaka-mahika ako.
"Pare, tawag ka ng isang staff sa labas." mahinang sabi ni Ki nang kalabitin niya ako.
Napasimangot naman ako ng wala sa oras sa narinig ko. Mabilis na kumunot ang noo ko. Sino kaya itong tumatawag sa akin? Kitang hindi pa ako nagtatagal ng sampung minuto sa masarap at sa relaxing sa katawan na hot spring na ito tapos ganito? Anak ng teteng naman. Ang sarap pa ng pagtatampiwas sa mainit-init na tubig dito.