Chapter 13: Easy Pay

1K 110 2
                                    

Chapter 13

Easy Pay


ZIE


"What the hell did happen?!" nagtatakang wika sa akin ni Ki habang nakaupo kami sa mga upuan ng training room.

Umiling ako "Hindi ko alam, nawalan na lang din ako ng malay eh." pa-inosente at nagmamaang-mangan kong tanong.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Pakiramdam ko ay nabato ako sa kinapupwestuhan ko nang makita ang correspondent dummy ko. Karamihan sa mga kaklase ko ay gulat din sa nangyari, walang makapagsabi kung ang anong dahilan ng pagkawala nila ng malay. Hindi nila alam kung kaninong mahika nanggaling ang mga pinkish white small light bolts na nakatarak sa mga noo nila.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Professor Yuki dala ang isang flash drive at sinaksak niya ito sa kanyang laptop. Mukhang i-rereveal niya sa amin ang mga nangyari kanina kaya naman mariin akong napalunok. Hindi ko inaasahan na ganun ang mahikang taglay ko, buong akala ko kasi ay hindi rin marunong gumamit ng mahika ang correspondent dummy ko. Bakit ba kasi naniwala ako sa sinabi ni Ki?

"You all failed at tinalo lang kayo ng iisang niyong kaklase." seryosong wika ni Professor Yuki habang inaayos ang projector.

Nagbulungan ang mga kaklase ko sa sinabi niya. Alam kong alam niya kung sino ang may kagagawan at kung sinong dummy ang tumalo sa aming lahat. Simula nang tamaan ako sa noo ng pinkish white small light bolt na nanggaling sa dulo ng mga daliri ng correspondent dummy ko ay nawalan na ako ng malay. Ngunit nagtataka ako kung bakit hindi maalala ng mga kaklase ko ang nangyari sa loob ng forest terrain kanina, mukhang ako lang ang nakakaalala sa kanila.

Bakas na bakas ang pagkalito sa kanilang mga mukha. Ako naman ay nanatiling naka-poker face at nagmamaang-maangan na wala rin maalala. Kailangan kong maki-go-with-the-flow. Ang idadahilan ko na lang kapag nakita nilang nakita ko ang aking correspondent dummy ay sasabihin wala rin akong maalala sa nangyari katulad nila.

Mind Invasion, ang mahikang ito ay kayang kontrolin at pasukin ang pag-iisip ng isang tao. Hindi kaya ang spell na ginamit ng correspondent dummy ko ay related sa memory kaya wala silang maalala sa nangyari? Ilang sandali pa ay naka-project na sa harap ang isang malaking screen na animo'y pang-sinehan. Naka-divide ito sa limang columns at apat na rows. Bawat boxes ay iba-iba ang point of view.

"Oh my God..." gulat na wika ni Ki.

Pinanood ko ang nangyari sa activity kanina. Karamihan sa amin ay hindi nahiwalay at hindi napunta sa ibang bahagi ng gubat liban sa akin at doon sa nakasalubong kong kaklase kanina habang tumatakas sa dummy ni Miss Bold. Na-corner ng karamihan ng mga dummy ang mga kaklase ko kaya sila napapagitnaan. Ilang sandali pa habang tumatakbo ako papalayo kay Miss Bold nang mapansin kong may lumipad na isang pinkish white light bolt mula sa itaas ng puno at tumama sa noo ni Grace.

Ang ikinagulat ko pa ay ang biglaang pag-ricochet o ang pagbanda ng pinkish white small light bolt na 'yun sa iba ko pang mga kaklase na animo'y gumawa ng isang pinkish white zigzag lines. Lahat ay tinamaan sa noo dahil para itong kuryente sa bilis at kailangan nakatuon ang atensyon upang mapansin. Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko sa napanood nila. Maski ako ay halos malaglag ang panga sa sahig sa sobrang gulat.

"Holy fuck, sino sa mga kaklase natin ang may ganyang mahika? Wala pa akong nakitang ganyang klase ng magic." nagtataka at gulat na gulat na sabi ni Ki sa tabi ko.

Napalunok ako at nanatiling tahimik habang pinapanood ang mga kaklase ko na unconscious na ngunit nakatayo lang. Labing-walo silang may mga pinkish white small light bolts sa noo nila na tumagos sa likod ng kanilang ulo. Napasinghap ako dahil malapit na nilang makita kung sino dummy ng kaklase nila ang may gawa nun kaya hindi sila nakapasa sa activity na ito.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon