Chapter 14
Dirty Work
ZIE
"Ano Pare? Una na ako sa'yo ah, may pupuntahan pa kasi akong chicks dyan eh. Sige na, ingat." nakangiting pagpapaalam sa akin ni Ki at mabilis din siyang iniluwa ng locker room.
Pinagmasdan ko ang buong paligid, wala nang tao sa locker room ng section namin. Ako na lang mag-isa ang naiwan kasi kinausap pa kaming dalawa ni Ki ni Professor Yuki tungkol sa aking training regime. Habang pinupunasan ko ang aking sarili ng puting tuwalya nang marinig kong bumukas ang pinto.
Hindi naman ako lumingon dahil baka si Ki lang 'yan at may naiwang gamit dito sa locker room. Nagpatuloy lang ako sa pagpupunas ng aking pawis nang may maramamdam akong kakaibang presensya sa aking likod. Lumunok ako at dahan-dahan na tumingin kung sino ang nasa likod ko. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya dito sa locker room.
Huminga ako ng malalim "May kailangan ka ba sa akin? May sasabihin ka?" mahinahon kong tanong sa kanya.
Nanlilisik ang kulay dark red na para bang hinaluang itim na mga mata. Masama itong nakatitig sa akin na para bang may isa akong kasalanan na ginawa sa kanya. Lumunok ako ng mariin dahil pakiramdam ko ay alam ko na kung saan tutungo ang pangyayaring 'to. Hindi ko maiwasan na matawa sa akin isipan na may mga ganito pa palang mga tao. Kahit na mas brusko, mas matangkad at mas malaki ang katawan sa akin ay nang-bubully pa. Sabagay ano pa bang aasahan ko?
Ngumiti ako ng matamis dahil hindi siya sumagot sa aking tanong. Iniisip ko kung anong gagawin niya sa akin dito sa locker room. Hindi kaya may tinago siyang patalim sa likod niya at sasaksakin niya ako? Jusmiyo! Hindi ko pa naman natanong ang pangalan niya, kung sakaling sasaksakin niya ako, hindi ako makakapag-iwan ng mensahe o ebidensya na siya ang sumaksak sa akin.
"Ano 'yung ginawa mo kanina!" malakas niyang sigaw sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata "Anong karapatan mo sigawan ako?" mahinahon ngunit may diin kong tanong sa kanya.
Mas lalong lumukot ang mukha niya sa sinabi ko. Ang kanyang mahaba at may kanipisan kilay ay magkasalubong na at kulay na lang ay tuluyan ng magdikit dahil sa sobrang inis. Kunot na kunot ang kanyang noo habang halos mamula naman mukha sa sobrang galit. Teka?! Ano bang ikinagagalit sa akin ng binatang 'to? Wala akong maalala na ginawa sa kanya, liban doon sa aksidente akong natawa noong nakaraan kaya napansin niya ako.
Walang sinuman ang may karapatan na sigawan ako. Hindi ako lumaki na sinisigawan ako ng ibang tao. Hindi ako lumaki na naninigawan ako ng ibang tao. Pakiramdam ko ay tuluyang kukulo ang dugo ko sa binatang 'to. Hindi pwede, huwag ko nang sabayan ang pagkainis o galit niya. Kailangan cool lang ako, hindi ako makakapag-isip ng pambarang sagot kapag galit din ako.
"Kapag tinanong kita, sumagot ka ng maayos! Huwag mo sagutin ng pabalang!" umalingawngaw sa loob ng buong locker room ang kanyang sigaw.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong kaba sa ginagawa niya. Para bang inaasahan ko na mangyayaring ang lahat ng 'to kaya feeling ko ay na-orient ko na ang sarili ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang kagustuhan na makipagsagutan sa kanya. Nanatiling naka-poker face ang mukha ko kaya feeling ko ay mas lalong nagngitngit ang kanyang katawan sa sobrang galit.
"Ano bang problema mo? Sinabi ko lang naman na huwag mo akong sigawan, mahirap bang gawin 'yun? Nasaan ang utak mo? Nasa paa ba at hindi mo magawa ang sinabi ko?" mahinahon kong sagot sa kanya.