Chapter 32
Wide Awake
ZIE
"Congrats 'Tol! Kahit na tatlong linggo kang absent nag-top 8 pa! Partida bagsak ka pa niyan sa practical exas nung midterm!" tatawa-tawang saad ni Ki habang kumakain kaming tatlo ni Tom sa rooftop ng building namin.
Sinuntok ko ng mahina ang kanyang braso "Ikaw! Namumuro ka na sa'kin ha. Hindi ko alam kung natutuwa ka ba o nang-aasar ka lang." seryoso ngunit natatawa kong sagot sa kanya.
Tumawa ng mahina si Tom "Hindi ka pa dyan nasanay ka Ki eh halos araw-araw naman malakas ang tama at sapak niyan. Oo nga pala, anong mga balak niyong dalhin next week? Mamimili na ba kayo ng mga supplies niyo?" tanong niya sa amin.
Hindi ko inaasahan na mapapasama pa ako sa top 10 rankings ng klase namin. Well, iyon naman talaga ang plano ko sa simula pa lang. Siguro kahit papaano ay nakikita ko naman ang bunga ng mga pinaghirapan ko. Mas doble pasakit sa akin ang lahat dahil para akong isang bata na hindi pa nakakadede ng gatas ng Ina. Dumating ako sa mundong ito, ilang buwan na ang nakalilipas at all of the sudden ay ipinasok ako ng matanda este ng aking Lolo sa Bloodstone Academy.
Wala akong kaalam-alam sa buong aspeto ng bansang New Silkwood. Para akong nag-aaral ng mga inaral ko buong elementary at highschool sa loob lang ng ilang buwan. Ngayon ko lang na-realize na mabuti na lang at hindi nag-mental shutdown sa information overload ang utak ko. Doble kayod pala ang ginawa ko para makapasok sa rankings na 'yan. Bukod pa ang paghihirap ko sa araw-araw kong specialized training regime.
Masaya ako para sa sarili ko, kaya mamaya kakain ako ng maraming matamis at bibili ako ng isang pack ng strawberry cream flavored lollipop dahil sa tagumpay ko. Kailangan kong i-treat ang sarili ko para naman ma-inspired at mas lalo akong magsipag sa pag-aaral ngayong finals. Kayang-kaya ko pa lang tapakan ang mga kaklase ko sa lectures at written exams. Walang-wala sila sa isang binatang naligaw lang sa mundo nila.
Mas kailangan ko rin na pag-igihan ang aking trainings para naman hindi ako mapahiyang ulit sa susunod na one vs one sa finals at sa aming yearly magic assessment test.
Lumipas ang anim na araw at linggo na. Kahapon na kami namili nina Ki at Tom ng mga gamit at pagkain na daldalhin namin bukas sa outdoor school training namin. Tahimik kong pinagmamasdan ang bilog na bilog na buwan sa labas ng aking bintana.
"Ang tagal ko na pala sa mundong 'to. Ang dami ko nang na-miss na isyu sa Pinas. Kamusta na kaya si Taylucifer Shit? May bagong album o music video ba siyang na-release? Outdated na ang pagiging fanboy ko sa kanya. Tapos hindi ko alam kung tuluyan na akong na-drop ng mga Professor ko sa mga subjects na kinukuha ko ngayon, malamang sa alamang dropped-out na talaga ako." mapait ngunit natatawa kong saad sa aking sarili.
Huminga ako ng malalim "Ang dami ko palang naiwan ng wala man lang akong ka-closure closure. Iniwan ko ang aking part-time job bilang service crew ng fast food chain na pinapasukan ko. Hindi na ako naka-attend pa sa audition ng isang anime na i-tatagalog dub. Hindi na rin ako nakapasok sa Japanese class. Mas lalong hindi na ako makaka-graduate sa tamang edad. Ewan ko ba rito sa sarili ko at hinahabol ko ang oras." natatawang dagdag ko pa.
Kahit na exciting ang mga nangyayari sa akin sa mundong 'to, hindi ko maiwasan na alalahanin ang naging buhay ko sa Pilipinas. Kahit na polluted at maraming toxic sa bansang 'yun, napamahal talaga iyon sa akin. Doon, sarili ko lang ang iniisip ko. Wala akong iniisip na laban-laban kuno dahil hindi naman nag-eexist ang abra kadabra doon. Kung may pagkakataon talaga akong mamili, pipiliin ko na mamuhay doon.