Chapter 17: Fiery Soul

1K 90 2
                                    

Chapter 17

Fiery Soul


ZIE


"Naku Pare, ako na talaga ang nagsasabi sa'yo na ayusin mo ang training mo kasama si Mika. Malilintikan ka talaga sa kanya." natatawang sabi ni Ki habang naghihintay sa aming Professor na next subject namin.

Tumawa ako ng mahina "Hala... First time ko pa lang gagamitin 'tong magic ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ginising na kaagad 'yung mahika ko. Akala ko hihintayin muna ni Professor Yuki na maging physically fit ako." sagot ko habang sinisipsip ang strawberry cream flavored lollipop sa bibig ko.

Inilagay niya ang kanyang mga braso sa batok niya bago magsalita "Dalawang trainor mo pala ang terror. Hindi mo pa pala namemeet si Juno. Naku Pare, sinasabi ko sa'yo! Isa rin ang babaeng 'yun. Kung si Mika at hot tempered 'yun naman ay napaka-cold tempered. Goodluck sa'yo." pang-aasar niya pa.

Inaasahan ko na talaga na ganun ang mangyayari. Kitang-kita ko naman sa pangalawang activity namin with Professor Yuki ang mahikang taglay ni Mika o ni Miss Bold. Huwebes ngayon kaya ngayon pa lang kami magkikita mamaya sa special training regime ko. Si Juno naman o si Miss Sommeroux ay hindi naman natuloy ang training namin nung isang araw dahil sa damage na ginawa ko sa loob ng training room habang ginigising ang mahikang natutulog sa katawan ko.

Hanggang ngayon ay gulat pa rin talaga ako sa mga nangyari. Ang dami kong tanong kahapon kay Grace kung paanong nasira ang mga gamit sa loob ng training room. Pinadetalye ko talaga ang mga nangyari habang tulog ako at naglalakbay sa espirituwal na mundo. Masyado akong confused sa mga nangyari. Idagdag ko pa sa mga naging kahibangan ko ay nang malaman ko na kapatid pala ng biological mother ko sa mundong ito ang kasalukuyang Presidente ng Bloodstone Academy na si Tita Sush. Pero ang hindi ko matanggap ang malaman ko na first cousin ko ang kumag na Zephyrus na 'yun.

Pinagmasdan ko ang kulay mga mata ni Ki na nakapalumbaba "Bakit parang kilalang-kilala mo na ang dalawang trainor ko? Don't tell me naging chikababes mo rin sila?" gulat kong tanong sa kanya habang bahagya akong napatakip ng aking bibig.

Tinapik niya ng malakas ang braso ko "Asa, asa naman na papatulan ko ang dalawang 'yun. Saka as if naman na magkakagusto sila sa akin. They're my childhood friends. Talagang strong ang bond ng relationship naming tatlo noon. Iyon nga lang dahil sa puberty ay nagkaroon na kami ng kanya-kanyang mga bagong kaibigan kaya naputol na rin ang taling nag-uugnay sa aming tatlo." nakangiting pagpapaliwanag niya na mahahalata sa tono ng kanyang boses na mahalaga ang dalawang babaeng iyon sa buhay niya.

Hindi ko maiwasan na mapaismid sa isipan ko. Ganyan talaga ang mga tao. Kapag may nakakuha na ng atensyon nila ay doon na sila nagsisilapit. Saka normal sa mga tao na kalimutan ang mga pinagsahamahan noon. Kaya alam kong mangyayari iyon sa karamihan. Hindi ko nilalahat pero marami akong narinig na cases na ganun ang nagiging outcome. Kapag nasa puberty stage na ang isang binata at dalaga, normal na nag-iiba ito ng mga kagustuhan sa buhay.

Wala talagang maidudulot na maganda ang pakikipagkaibigan ng seryoso o buong loob. Kaya mas nakakatuwang pa-ikutin ang mga taong katulad ni Ki at Grace sa mga palad ko. Ako iyong iisipin nilang napakabait na kaibigan pero bandang huli ako rin naman ang mang-iiwan. Mahirap ma-attach sa mga taong hindi ko naman lubos na kilala. Saka wala akong balak na kilalanin at halukayin ang talambuhay nila.

Ngumisi ako "Wala la bang type doon sa dalawang 'yun? Baka naman kaya naputol ang relasyon niyong tatlo dahil may isa kang nagustuhan sa kanila?" pambabalik na pang-aasar ko sa kanya.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon