Chapter 21
Blooming Mage
ZIE
Tatlong linggo na ang lumipas simula nang ako'y sumailalim sa isang special training regime. Kahit papaano ay nakakasunod na ako sa mga kaklase ko. Kahit papaano ay hindi na ako napag-iiwanan. Kahit papaano ay may ibubuga naman ako sa mga activities namin.
Sa loob ng tatlong linggong iyon, wala man lang paramdam sa akin ang matanda este ang magaling kong Lolo. Hindi niya ako tinatawagan kaya hindi ko siya na-uupdate sa mga nangyayari sa training regime ko. Well, alam ko alam niya ang pinaggagagawa ko sa loob ng tatlong linggong training. Siya kaya ang Presidente ng bansa, malamang sa alamang may mga mata 'yan dito sa Academy.
"Tatlong linggo na rin ang lumipas nang simulang sumakit ang mga daliri ko." mahinang tugon ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang magkabila kong kamay na nakabalot sa puting benda.
Kahit kaya ko nang kontrolin ng maayos at tama ang mahika ko, may mga times talaga na na-ooverfatigue na ang mga daliri ko. May mga ilang pa rin kasing mga palyang pag-cast ang nagagawa ko kaya may mga spells na nag-babackfire sa akin.
Sabi naman ng mga trainors ko at ni Professor Yuki na malaki ang naging improvement ko lalo na sa loob ng tatlong linggo. Napaka-ikling panahon upang sanayin ang katawan ko na naglalabas ng mahika na hindi ko naman nagagawa sa buong tanan ng buhay ko sa Pilipinas. Naniniwala pa rin ako na marami pa akong kailangan matutunan kaya ginagamit ko ang mga extra or vacant time ko para mag-train mag-isa.
"Mag-iisang buwan na pala ako sa mundong 'to. Kamusta na kaya ang bahay ko? Sana walang nakuhang mga gamit dun. Ang dami ko pa naman naiwan dun. Hindi kasi ako na-informed na sa birthday ko pala ako muling babalik sa mundong, sana napaghanda at impake pa ako." wala sa sariling wika ko habang patuloy pa rin na pinagmamasdan ang mga kamay kong balot ng puting benda.
Feeling ko talaga na-drop na ako sa lahat ng subjects na kinukuha ko ngayong semester. 'Yung pangarap kong makatapos ng isang 4 year-course na gawin sa loob ng tatlong taon ay biglang naglaho. Kamusta na rin kaya ang idol kong si Taylucifer Swish? Nag-release kaya siya ng bagong music video sa kanyang latest album? Napalitan na rin siguro ako bilang isang Tagalog Dubber ng isang bida sa isang sikat na KDrama series.
Inayos ko na lamang ang red checkered necktie at bahagyang niluwangan ang dulo nito. Tinignan ko naman sa salamin kung may dumi ang puting long sleeves na suot ko. Ipinatong ko rin ang black coat na may emblem ng Bloodstone Academy sa kaliwang bulsa nito. Pakiramdam ko kasi para akong nilalamig nitong mga nakaraang ako.
Lunes ngayon at may training sessions nanaman kami ni Ki mamayang alas-singko pero ang iniisip ko ngayon ay 'yung isang major activity na gagawin namin ngayon araw sa subject ni Professor Yuki. Inaasahan ng mga kaklase ko na kaya ko nang kontrolin ng tama ang mahika ko.
Napahinto na lamang ako sa aking malalim na iniisip nang marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nandyan na siguro si Ki at hinihintay na ako dahil sasabay daw siya sa akin papunta sa Academy.
"Ano 'Tol? Kaya mo naman na siguro mamaya 'di ba?" mapang-asar na tanong sa akin ni Ki.
Ningitian ko siya ng pilit "Syempre naman magaling ang mga naging trainors ko pero kapag pumalpak ako mamaya sa activity na ito, damay-damay tayo. Hindi lang ako ang mapapahiya, kayo rin. Kasi ibig sabihin nun, hindi kayo naging effective na trainors sa akin." mapang-asar na sagot ko habang humalaklak na para isang demonyo.
