Chapter 25: Whims of Fate

748 69 1
                                    

Chapter 25

Whims of Fate


ZIE


Mabilis niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay. Ilang sandali pa ay ang maliwanag na lugar kung saan ako kasalukuyang nakatayo ay unti-unting binabalot ng kulay itim na mahika. Parang itong hangin na hinihigop ng kanyang mga kamay. Halos manlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Kung kanina ay maliit na itim na bola ng enerhiya ang binuo niya, ngayong pangatlong paggamit niya nito ay mas malaki, malawak at makapangyarihan nito. Rinig na rinig ko ang tunog ng nagkikiskisang kuryente habang isa-isang nagbabagsakan sa sementadong lupa ang ilang piraso nito.

"N-nani?!" gulat kong saad habang pinagmamasdan ang ginagawa niya.

Napaisip ako, ano kaya ang ilalabas niya ngayon? Isang batalyon na ba ito ng mga sundalo na sinamahan ng mga umaalingasaw ng mga bangkay. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi. Kailangan kong makaisip ng plano kung paano siya iisahan. Alam kong napaka-imposible na labanan siya ng harapan ngayon. Bukod sa ayaw ko, baka mas lalo lang na magdugo itong balikat ko. Dahan-dahan akong napaatras sa aking kinatatayuan.

"Oh... Bakit nandyan ka na at ang layo-layo mo? Magugustuhan mo pa naman itong mga handog ko sa'yo..." walang gana at monotonong saad sa akin ng binata.

Ilang sandali pa ay kitang-kita ko ang pagbangon ng dalawang tao mula sa pagbiyak ng sementadong lupa. Bahagyang mausok ang paligid pero naaaninag ko na dalawang tao ang inilabas niya.

Nanlaki ang mata ko nang mapansin kong natatakpan ng kulay puting tela ang mukha ng isang babae at iyong katabi nitong lalaki. Ang tanging nagbibigay liwanag sa kanila ay ang tumatagos na liwanag mula sa mga mata nila. Tinitigan ko sila ng mariin, ang babae ay kulay light pink na mga mata habang ang lalaki naman ay light blue. Nakapagat-ako ng aking pang-ibabang. Nkakaramdam ako ng malakas na enerhiya sa kanila.

"Huwag ka munang tumakbo... Makipaglaro ka muna sa huling set ng mga koleksyon ko."

Napaismid ako, wala na akong magagawa kaya lalaban na ako. Wala siyang karapatan na gawin koleksyon ang mga tao. Wala siyang karapatan ng kumuha ng buhay ng iba. Wala na akong aaksahayahin pang-oras.

Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa dalawang bangkay na nakatayo lamang. Ilang sandali pa ay may binulong ang binata sa dalawang bangkay na nasa harap ko. Agad nilang ipinusisyon ang kanilang sarili na para bang maglalabas sila ng kakaibang spells sa mga kamay nila. Kakayanin ko ito, kung hindi ko man ma-idispatsa ang lalaking nagkokontrol sa inyo kayo ang uunahin ko.

"Mind Invasion Magic: Mental Imprisonment." mahinang wika ko.

Agad na naglabas ng pinkish white na liwanag ang dulo ng aking dalawang daliri. Mabilis kong ipinusisyon ang mga daliri ko kung saan ko ibabato ang spell na ito. I fired a small pinkish white light bolt patungo sa diresyon ng babaeng bangkay sa harapan ko na agad nag-ricochet sa katabi niya.

Ang Mental Imprisonment ay isang binding spell na pinipigilan sa paggamit ng anumang kilos ang mga target. Ang kulay light pink na liwanag ay unti-unting itinali patalikod ang kanilang mga braso, kamay, paa at binti. Magtatagal lamang ang spell na ito ng dalawang minuto. Habang nasa ilalim ng spell na ito, dalawang beses na mas malakas ang mga active skills ko na may mga magic damage.

Huminga ako nang malalim "Mind Invasion Magic: Lost World."

Ang nakapusisyon kong mga daliri ay naglabas ng pinkish white na liwanag ng enerhiya. Wala na akong inaksayang oras at mabilis kong ipinatama sa noo ng dalawang bangkay ang small pinkish white light bolt.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon