Chapter 41: Anger like Fire

523 27 1
                                        

Chapter 41

Anger like Fire


ZIE


Apat na taon na ang lumipas nang mawala ang mga magulang ko. Naalala ko wala pang ilang araw matapos nilang ilibing dalawa ay dinala ako ng aking mga kamag-anak sa aking father-side sa isa kong tiyahin na sugo ng diablo. Apat na taon ko na rin nararanasan ang impyerno sa puder niya.

"Ang kupad-kupad mo naman kumilos bata ka! Nagugutom na 'tong mga anak ko, hindi pa rin tapos magluto!" rinig kong sigaw ng aking tiyahin mula sa tindahan ng kanyang bahay.

Sumimangot naman ako dahil pilit niya akong pinagluluto ng pritong itlog. Ilang beses na akong natalsikan ng mainit na mantika sa balat kaya naman parang takot na takot akong magprito. Kapag nakita nagtitilamsikan ang mantika nangingilabot na ang buong kalamanan ko.

Muling suminghal ang halimaw kong tiyahin "Huwag kang kakain ah! Pasalamat ka nga ipinapatuloy pa kita rito sa bahay ko! Kaya umayos-ayos ka ng kilos mo! Huwag na huwag mong ipapakita sa akin 'yang nakasimangot mong mukha."

Napaikot na lang ang mga mata ko sa sinabi niya "Ang dami namang alam ng hudas na 'to. Akala naman niya maiisahan niya ako, hindi niya alam kinupit ko na kagabi 'yung century tuna niyang tinda. Tinago ko na 'yun sa loob ng pencil case ko."

Sa loob ng apat na taon ay mas lalong naging bukas ang pag-iisip ko. Unang taon ko pa lang sa bahay na 'to akala ko langit ang mararanasan ko iyon pala ay kabaligtaran. Impyerno ang lugar na 'to. Minamaltrato nila ako, hindi pinapakain ng tama, pinapatulog malapit sa kubeta, halos ayaw na akong papasukin sa ekwelahan.

Akala niya siguro hindi ko alam na nasa kanyang awtoridad ang perang ipinamana sa akin ng mga magulang ko dahil wala pa nga ako sa wastong edad. Ang natutunan ko sa apat na taon kong paninilbihan sa kulungan 'to ay ang maging wais, mautak at madiskarte. Kahit na ang bata ko pa, ang isip ko naman ay advance.

Aanuhin ko pa ang talino ko kung hindi ko naman gagamitin ng tama? Kinakailangan kong matutong tumayo sa aking sariling paa. Ako at ako lang ang kakampi ko, wala ng iba pa. Ako lang ang makakatulong sa sarili ko. Kaya hindi niya ako mauutakan dahil mas mautak ako sa kanya.

"Mama! Si Zie oh! Bumubulong-bulong pa." malditang saad ng isang niyang anak na babae na halos kasing edad ko lang.

Gusto ko sanang ibato sa nakakairita niyang mukha itong itlog na piniprito ko, kaso kailangan kong magbait-baitan dahil baka mapalayas ako ng bahay na 'to ng wala sa oras. Hindi niya alam kaya siya nakakapagsuot ng magandang damit at nakakapag-aral sa private ay dahil sa pera kong ipinamana sa akin. Baka kapag nalaman niyang ako ang nagpapalamon sa kanila ay mahiya sila. Mahirap pa kaya sila sa daga.

Ngumiti na lamang ako at lumingon sa santa-santita kong tiyahin "Puwede na kayong kumain, tapos na akong magluto."

Agad naman na naglapitan sa hapag-kainan ang dalawang batugan sa bahay na ito, ang asawa ng aking tiyahin na ubod ng katamaran na literal na palamunin. Ang panganay niyang anak na maagang lumandi. Kasa-kasama rin namin sa bahay na ito ang asawa niyang na sinugo rin ng diablo. Makita ko lang na kaya sila kumakain dahil sa pera ko ay masaya na ako. Kung pupwede ko silang lasunin lahat ginawa ko na noon pa.

Bago pa sila matapos sa kanilang pagkain na animo'y mga baboy ay agad akong kumilos upang makaalis ng bahay at makapasok na. Hindi naman ako binibigyan ng baon ng demonyita kong tiyahin kaya kapag gabi o kaya ako ang bantay ng tindahan ay kinukupitan ko ng tag-lilimang piso 'yung kaha niya at ipapabuo ko sa labas. Inilalagay ko sa ilalim ng swelas ng sapatos ko ang perang buo at iyon ang ginagawa kong baon.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon