Chapter 12: Dummies

1.1K 111 1
                                    

Chapter 12

Dummies


ZIE


"Good morning class, we have our first activity this week." seryosong saad ni Professor Yuki habang nasa loob kami ng training room.

Agad akong napalunok ng dahil sa mga mannequins o tinatawag na dummies ang nasa harap namin. They're all faceless. Hindi mo rin malaman ang gender dahil walang boobs o bayag kahit na nakahubad ang mga ito. I think they're made from rubber kasi mukhang malambot sila. Iba ito sa mga dummies na nilabas ni Professor Yuki noong nag-Magic Assessment Test kami.

Huminga ako ng malalim dahil sa kaba. Unang-una ay nanlalambot pa rin ang mga kalamnan ko. Kahit na na-heal ako ni Grace at uminom ako ng energy drink ay nararamdaman ko pa rin ang pangangalaw ng buong katawan ko dahil sa training regime namin ni Ki kagabi. Pangalawa, wala pa rin akong kaalam-alam sa paggamit ng magic tricks kaya pakiramdam ko ay mapapahiya nanaman ako.

"Professor Yuki, para saan po ang mga dummies na nasa harap namin?" tanong ng isa kong kaklaseng babae.

Mabilis kong pinagmasdan ang paligid. Agad kong natanaw sa harap ang babaeng si Miss Bold, siya 'yung may reddish brown na buhok at red orange na mga mata. Nasa tabi naman ni Grace si Miss Adroit na tropa niyang nagbigay sa akin ng energy drink, siya 'yung kinky ang pagkakakulot at may ilang breakouts sa mukha. Habang si Mr. Nathrezim ay nasa likod na animo'y nagmemeditatae, may ibang tatoo nanaman ang naka-drawing sa noo niya. Natanaw ko rin ang grupo ng mga pa-importante kong mga kaklase.

Hindi ko maiwasan na mapadila dahil dikit na dikit 'yung boobs ng babaeng nambully kay Grace nung nakaraan doon sa lalaking nagsabi sa akin na siya raw ang Hari ng Academy na ito. Napaismid ako, totoo nga 'yung sinabi ni Miss Bold na walang class 'tong si Liechtenstein. Ang yaman nga, hindi naman umaakto sa pang-mayaman ang pag-uugali. Nakakahiya kaya.

"I will explain the mechanics of this activity. Mayroon kayong 20 minutes para hanapin ang mga dummy na ito. Kinakailangan niyong matalo ang corresponded dummies ninyo." pagpapaliwanag niya.

Lahat kami ay napasinghap sa sinabi niya. Paanong kailangan namin matalo ang corresponded dummies namin? Hindi ko maintindihan kaya tahimik pa rin akong sinisipsip ang aking strawberry cream flavored lollipop. Ilang sandali pa ay nagpatuloy sa pagsasalita si Professor Yuki.

"Kailangan niyong mahanap at matalo ang mga corresponded dummies niyo para makakuha ng perfect points para sa activity na ito. Pero hindi naman ganun kadali 'yun, kaya kumuha kayo ng isang hibla ng mga buhok niyo." dagdag niya pa.

Tumango na lamang kami at kumuha ng isang strand ng buhok ko. Para saan kaya itong strand na 'to? Don't tell me ipapakain niya sa amin 'to? Hindi kaya 'to natutunaw ng tiyan kaya napaka-imposible naman.

"Ngayon, lumapit kayo sa mga dummies sa harapan at ilagay niyo sa bibig niya ang strand ng buhok niyo."

Mabilis nag nagpulasan ang mga kaklase ko at dali-daling nagpuntahan sa mga dummies sa harap. Nagkipagsiksikan ako at agad na sinuksok sa nakangangang bibig ng isang dummy ang strand ng aking buhok. May 20 dummies ang nasa harap namin kaya lahat kaming magkakaklase ay may mga corresponded dummy. Nang magsibalikan kami sa mga upuan namin ay napanganga ako dahil unti-unting nagbago ang itsura ng mga dummy.

Halos mapatakip ako ng aking bibig sa nakita. Ang lahat ng dummy ay kamukha naming lahat! May mga mukha na sila, may katawan na kasing laki rin ng mga katawan namin. Gulat na gulat din ang iba sa nakita nila. Siguro ngayon lang din sila naka-encounter ng ganitong dummy sa buong buhay nila. Mas lalo naman ako, hindi ko man lang inisip na may ganitong technology sila sa mundong 'to.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon