Chapter 28: Steps Ahead

717 68 1
                                    

Chapter 28

Steps Ahead


ZIE


"Salamat naman at natapos na kahapon ang three-day written midterm exams natin. Sana lang makapasa ako kasi wala akong naalala sa review nating dalawa nung nakaraan. Hayain na, babawi na lang ako ngayon first day ng practical exams natin." nakangising saad ni Ki habang naglalakad kaming dalawa papuntang elevator dahil ang tungo namin ay sa training room sa fifth floor.

"Oo nga eh, sana naman maging maayos itong practical exams ko. Ayaw ko kayang makakuha ng 3.0 na grade, panira kasi." nagmamaang-maangan kong sagot habang patuloy na sinisipsip ang strawberry cream flavored lollipop na nasa bibig ko.

Katatapos lang kahapon ng mga written exams namin para sa midterm exams. Ngayon magsisimula ang dalawang araw na practical exams. Napa-cross fingers ako ng wala sa oras. Nitong tatlong araw ko pa nararanasan ang maging doubtful sa sariling kakayanan ko. Kahit na anong gawin kong paraan para ma-divert ang atensyon ko sa thought na 'yun ay bumabalik-balik pa rin.

Hindi ako ganitong tao lalo na kapag alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang best ko sa mga bagay na 'yun. Katulad na lang matinding training regime ko. Dugo't pawis ang ibinibigay ko sa gawaing 'yun para rin sa ikabubuti ko sa mundong 'to. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng self confidence. Para bang bigla bumababa ang tingin ko sa sarili ko.

Feeling ko tuloy na sinuntok ako ng realidad na hindi ko talaga ka-level ang mga taong nasa loob ng classroom na pinapasukan ko. Na hindi ko kayang mahasa ang mahika ko sa loob lamang ng napaka-ikling panahon. 'Yun bang papunta pa lang ako, naka-ilang balik na sila.

"Ang lalim ng iniisip mo ah? Nasa tapat na tayo ng training room." rinig kong wika ni Ki sa tabi ko kaya naman agad akong napalingon.

Huminga ako ng malalim at lumunok. Tanggalin ko muna ang mga inner thoughts ko, aalalahanin ko ang mga natutunan ko sa mga naging trainors ko. Kailangan kong i-review ang bawat strategies na ginawa ko para makapasa sa practical exams na ito. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malamig kasi kinakabahan ako. Oo, kinakabahan ako at hindi ko expected na mangyari 'to.

Nang makapasok na kami sa loob ng training room, agad na pumukaw ng atensyon ko ang isang malaking podium sa gitnang bahagi nito. Gawa ang podium sa mga magagandang klase ng tiles na mukhang hindi kaagad nasisira kahit na may sudden impact at friction na tumama rito. Nag-rereflect din ang ilaw na gumagawa ng mga prisms sa iba't-ibang bahagi ng training room kasi nababalot ang podium ng transparent wall na gawa sa salamin. Magkasukat na magkasukat ang haba at lapad ng podium na bahagyang nakaangat.

May mga upuan na nakapalibot sa gilid ng podium na mukhang kailangan namin panoorin ang bawat laban na magaganap ngayon araw para sa first day ng practical exams. May mga folders din na nakapatong sa bawat isang silya. Kailangan siguro namin gumawa ng report tungkol sa bawat one on one battle.

"Mga 'bro! Dito tayo!" rinig kong sigaw ni Tom mula sa kabilang panig ng training room na siya lang ang nakaupo roon na parang nag-reserve siya ng upuan para sa aming dalawa ni Ki.

Mabilis kong pinagmasdan ang buong paligid. Halos karamihan sa mga kaklase ko ay nasa loob na rin ng training room habang suot na rin nila ang aming standard training uniform na white shirt, red checkered jogging pants at rubber shoes. Wala pa naman si Professor Yuki kasi fifteen minutes pa bago magsimula ang exams. Mamaya pang last five minutes 'yun dadating. May mga iba rin ata akong mga kaklase na nagpapalit na rin ng attire nila.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon