Chapter 3

2.5K 299 68
                                    

Chapter 3

Holy Light


ZIE


"Sugoi! Sugoi! Sugoi! Hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda ang Bloodstone Academy na sinasabi sa akin ni Lolo." gulat at manghang-manghang wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang labas na entranda ng Academy.

Labag man sa akin loob na tawagin ko ang matandang kausap ko kahapon ay hindi ko magawa. Isa rin sa mga kondisyon niya na tawagin ko siyang Lolo dahil siya naman daw talaga ang aking biological grandfather. Lolo my ass. Ayan tuloy kahit na wala siya sa paligid ay nasanay na akong tawagin siya ng Lolo ng ilang oras lang.

Hindi ko inaasahan na ganito ka-moderno ang Bloodstone Academy. Labas pa lang makikitang para talaga isa itong Elite International University sa Pilipinas. Gawa sa makintab na bakal ang na parang isang rehas ang gate. Habang sa itaas naman nito ay isang metallic plate kung saan naka-engrave ang pangalan ng Academy. Hindi pa bukas ang pinakamalaking bahagi ng entrada dahil masyado pang maaga.

Hindi ito katulad ng nababasa kong mga cliche fantasy stories sa Wattpad na makikita ang mga ganito kagandang lugar sa gitna ng gubat. Ayon sa aking research at pag-iimbestiga kagabi, ang Academy na ito ay matatagpuan sa pinaka-gitnang bahagi ng Kapitolyo ng bansa. Napaka-moderno ng lugar, kanina habang hinahatid ako ng isa sa mga tauhan ng aking Lolo at nalibot ng aking mata ang syudad. Mas progresibo at mas moderno ito kaysa sa Kamaynilaan. Para bang nasa ibang bansa lang ako.

Napahinto ako sa aking pagmamasid nang maramdaman kong may bumangga sa aking likod. Agad naman akong napalingon nang makita kong isang babae ito. Gusto ko sana siyang sitahin ng maunahan niya ako magsalita.

"P-pasensya na! S-sorry! H-hindi ko sinasadyang mabangga ka..." nauutal at nahihiya niyang wika sa akin.

Pinagmasdan ko ang kanyang itsura. Hindi siya ganun katangkaran at mas mababa siya sa mga tikipal na babaeng nakasalamuha ko. Ang kulay dark-blonde niyang buhok ay hanggang ibabaw lang ng kanyang balikat. Mayroon din siyang full bangs kaya hindi pansin ang kanyang noo. Manipis ang pang-ibabaw labi ngunit ang ilalaim nito ay may kakapalan. Mamula-mula rin ito gaya ng kanyang pisngi. Maliit at sakto lamang sa kanyang bilugang mukha at mga mata ang kanyang ilong. Ang mas nakapagpawindang sa akin ay kulay ng kanyang mata, kulay dark gold ito. Jusmiyo santisima trinidad. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kulay ng mga mata sa buong buhay ko.

"K-kuya ayos lang po ba kayo? P-pasensya na po talaga sa nagawa ko." dagdag niya.

Umubo ako ng kaunti upang ayusin ang tono ng aking boses "Hindi, ayos lang dito ka rin mag-aaral?" panimula kong tanong sa kanya.

Isa sa mga technique ko upang maging matiwasay ang aking tatlong-taong pag-aaral sa Academy na ito. Kailangan kong mang-uto ng tao para na rin sa aking kinabukasan dito. Kailangan ko ng kakampi, kailangan ko ng mga taong mapapaikot ko sa aking palad. Hindi ko maiwasan na mapangisi, mukhang nakahanap na ako ng unang taong mabibiktima ko. Kahit na labag sa aking loob na kausapin ang babaeng ito ay gagawin ko, kailangan ko siyang kaibiganin.

Ngumiti siya sa akin kung saan sumilay ang kanyang mga dimple sa magkabilang pisngi sa makabilang baba ng dulo ng kanyang mga labi "O-oo! K-kadarating ko pa lang sa Dorm kagabi. I-ito kasi ang pangarap sa akin nina Sister ang makapag-aral sa prestihiyosong paaralan na ito." nahihiya niya pa rin saad habang kinukutkot ang kanyang mga kuko.

Tumawa ako ng mahina "Oo nga pala, ako nga pala si Zie. Sorry kung hindi ako nakapag-pakilala kaagad." pa-inosenteng wika ko at saka inilahad sa kanyang harap ang aking kanang kamay.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon