Chapter 22: Mark of the Dead

755 73 1
                                    

Chapter 22

Mark of the Dead

ZIE

"Kisama..." inis kong sabi habang hawak-hawak ko ang katawan ng poste na nakita ko upang hindi ako liparin sa sobrang lakas ng pwersa ng pagsabog.

Rinig ko ang pagbasag ng salamin ng mga building habang nagbabasakan ang matitining na tunog ng salamin sa lupa. Parang may hindi tama, hindi ko alam parang may somehthing akong nasesense. Hindi ko maipaliwanag, pero parang pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari-----

"Hmmm, may isa na akong target..."

Agad akong napalingon sa aking likuran nang makarinig ako ng isang boses ng bata. Isang maliit na boses ng isang batang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakapa-imposible naman na magkaroon ng isang bata sa lugar na ito. Mariin kong tinitigan ng ang batang may suot ng isang kulay kayumagging roba. Natatapakan ng hoodie nito ang kanyang mukha.

"Ako? Target mo? Sigurado ka dyan sa sinasabi mo?" walang pag-aalinlangan kong sagot.

Tumawa siya ng mahina bago magsalita "Huwag kang papakapante..." mahinahon ngunit may diin na sagot niya sa akin.

Mabilis kong ipinusisyon ang aking hintuturo at hinlalaki na pinagdikit at itinutok ang mga ito sa kanya. May nararamdam akong kakaibang pwersa na nanggagaling sa aura niya. Mariin ang napalunok dahil bahagya akong nakaramdam ng kaba. Sino ang isang ito?

"Hmmm? Huwag kang mag-aalala kapag nakuha na ng mga kapatid ko ang iyong kaluluwa at katawan ay magkakaroon ka ng panibagong buhay. Ako nga pala si Shuryu Shendelzare, isa sa mga anak ni Escanor Shendelzare at isa sa mga direct descendant ni Maeiv Louisenbarnn-Shendelzare. Taglay ko ang Mark of the Dead Magic." nakangising wika niya.

Maeiv Louisenbarnn? Bakit hindi ko siya nakita doon sa libro kung saan nakatala ang mga royal family. Kung Louisenbarnn siya, bakit hindi siya nakasulat doon? Hindi kaya malayong kamag-anak ito ng matanda este ng Lolo ko? Kailangan kong huwag magpahalata na wala akong alam sa sinasabi niya.

"Wala akong pakialam kung sino ka o kung sino ang mga kaanak mo. Lalong mas wala akong pakialam sa kung mahika ang meron dyan sa katawan mo. Kung kalaban ka, humanda ka dahil hindi ako mag-aatubiling gamitin ang mahikang taglay ko sa'yo." seryosong wika ko habang dahan-dahan niyang binababa ang hoodie ng robang suot niya.

Doon mas lalong lumiwanag ang istura niya. Magulong ang itim na buhok, maputing na animo'y maputlang mukha, maliit na ilong at mapupulang labi ngunit ang mas nakapagpadepina ng kanyang mukha ay ang matatalim niyang titig at ang nunal niya sa ibaba ng kanyang kaliwang mata.

"Anong sinabi mo?! Wala kang karapatang lapastanganin ang pangalan ng pamilya ko!" inis niyang sagot.

Pinanliitan ko siya ng mga mata "Hindi ko binabastos ang pamilya mo. Ang sa akin lang, sinabi ko lang na wala akong pakialam kung sino ang mga ninuno mo." matapang ngunit pambabara kong sagot.

Agad siyang tumakbo papalapit sa akin, ang dalawa niyang kamay ay naglabas ng kulay puting liwanag. Hindi ko maiwasan natawa sa sinabi niya, Mark of the Dead Magic? May ganun ba? Sabagay kaya ngang kontrolin ng kumag kong pinsan ang isang demonyo. Saka magtataka pa ba ako? Hindi ko naman alam ang mahika ng lahat ng taga-rito.

"Laspatangan! Hindi mo ba alam na isa akong maharlika! Anak ako ng susunod na Hari ng Old Silkwood!" dagdag niya pa habang tumatakbo papalapit sa akin.

Naalala ko sa mga itinuro ni Professor Yuki at sa mga advance reading ko sa History at Geography na nahati ang probinsya ng bansang Silkwood at gumawa ng sari-sarili nilang bansa. Ang tanging natira na lamang ay ang kapitolyo nito noon na Al de Baran ngunit pinalitan na ng New Silkwood na pinamumunuan ng matanda este ng Lolo ko. Na-discuss namin sa classroom ang tungkol sa kalapit bansa na Old Silkwood pero napaka-limited lang ng infromation tungkol dito. Kahit sa internet ay wala halos lumalabas na pictures ng bansang ito.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon