Chapter 33: Tidecaller

660 39 2
                                    

Chapter 33

Tidecaller


ZIE


"Bangag na bangag ka si Zie. Anong nangyari sa'yo mukhang hindi ka nakatulog?" tatawa-tawang saad ni Ki sa akin habang malamyang buhat ang aking mga dalang gamit.

Wala sa sarili ko siyang binalingan "Huwag mo akong asarin ngayon at masakit ang ulo ko. Hindi talaga ako nakatulog kaya tumahimik ka muna dyan." pagsusungit ko naman sa kanya.

Tinawanan niya lang at nauna nang maglakad papunta sa bus na aming sasakyan papunta doon sa lugar na pag-ttrainingan namin. Paanong ako makakatulog eh lagi ko naaalala ang ginawang paghalik sa akin ni Grace kagabi. Walang ni isang babae ang nakahalik sa akin tapos hahalikan niya ako ng wala man lang pasabi? Tirik na tirik na sa ceiling ng kwarto ko ang aking mga mata kakaisip kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yun.

Big na big din sa akin 'yung wala sa sarili kong pag-response sa halik niya. Ewan ko ba rito sa labi ko at pinangunahan ang pag-iisip ng utak ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinagot ang halik niyang iyon eh wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa kanya. Basta ang alam kong relasyon namin dalawa, ay magkaklase lamang. Hindi na pupwedeng lumampas doon.

Napahawak ako sa aking labi nang pakiramdam ko'y muling nakalapat ang mapupula niyang labi sa akin. Ang lambot nito at ang tamis na hanggang ngyon ay nararamdaman at nalalasahan ko ito. Jusko! Ano ba itong nangyayari sa akin? Halatang-halatang first time ko lang nahalikan! Ughh! Feeling ko nag-aakyatan nanaman ang mga dugo ko sa mukha ko.

Tahimik na lang akong naglakad papasok sa bus kung saan nandoon na rin ang karamihan sa aking mga kaklase. Kita kong nakaupo sa pandalawahan itong si Ki at Tom na ngingiti-ngiti pang itinuturo ang bakateng espasyo sa tabi ni Grace na nasa harapan lang nila.

"Dyan ka na Bro sa tabi ni Grace, naka-reserved na kasi sa iba nating classmates 'yung mga upuan dyan banda sa likod." natatawa ngunit na sabi ni Tom habang pilit na pinapakalma ang sarili niya.

Umiling ako "Sinong nagsabing naka-reserved na ang mga upuan dyan? Saka hinding-hindi halatang binubugaw ninyo ako. Kayong dalawa talaga magsitigil kayo't, masakit ang ulo ko." inis kong sagot sa kanya.

Tumawa ng mahina si Ki "Sige ikaw bahala, nandyan pa naman sa likod nakaupo si Zephyrus. Mas gugustuhin mo bang tumabi sa kanya o dito ka na lang kay Grace. Saka tulog na tulog naman siya eh. Bakit kaya mukhang walang tulog itong dalawa?" malisyosong wika ni Ki.

Agad na nag-akyatan sa aking mukha ang kalahati ng dugo sa aking katawan. Pakiramdam ko talaga na sobrang pulang-pula sa kahihiyan ang mukha ko. Huminga ako ng malalim at lumunok ng mariin. Wala na akong ibang choice pa na tumabi na lang kay Grace.

Napaisip ako, bakit kaya tulog na tulog itong si Grace? Hindi kaya nagaya ito sa akin na hindi rin nakatulog kagabi kakaisip kung bakit niya ginawa ang mga bagay na 'yun. Ninanamnam niya siguro kung gaano kalambot at katamis ang labi ko. What the hell, what I am talking about? Ughh, nakakainis! Umiinit ang katawan ko kapag naaalala ko ang ginawa niya kagabi.

Hinilot ko na lang ako aking sintido dahil masakit talaga ang ulo ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ang diwa ko ng pakiramdam ko ay kung anong liwanag ang kumukurap-kurap sa harap ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko ngunit mabilis din akong napapikit dahil may flash ng camera ang tumama sa mukha ko.

"Uyy, ang sweet nilang dalawa, bumaba na kayo dyan. Kayo na lang hinihintay sa baba. Baka pagalitan kayo ni Professor Yuki dyan." tatawa-tawang saad ni Ki habang inilalagay ang kanyang phone sa bulsa niya.

Bloodstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon